-42- Ezzy and Luther.

4.6K 146 8
                                    

Yoona's pov




Nawala nadin ang focus ko sa lahat ng bagay. Tulala nalamang ako habang naglalakad sa hallway. May vacant naman ako eh. Pinagtitinginan ako ng mga babae at pinagtatawanan.




"Huh! Bumalik na pala si Miss Ezzy!"




"Buti nga sakanya! Mas bagay si Miss Ezzy and Prince Renzo kaysa sakanya!"




"Yan napapala nya! Masyado kasi syang malandi eh!"




"Taas kasi ng pangarap eh!"




"Look who's here! Hi Yoona! Ano? Masakit ba? Hay nako. Kung ako naman kasi sayo, sana hindi mo nalang nilandi si Prince Renzo eh! Yan ang napapala ng mga malalanding katulad mo! Ngayong wala kanang kakampi, humanda ka sa ganti namin!" Nagulat ako ng tinulak ako bigla ng isa sa mga mean girls. Napasalampak ako sa sahig sa lakas ng pagkakatulak. Wala akong pakialam kung anong gawin nila sakin. Wala naman yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon.




"Oh? Bat dika lumalaban ngayon?! Nawala ba ang tapang mo dahil wala kanang kakampi ha? Girls!" Nagulat ako ng hawakan ng dalawang mean girls ang kanan at kaliwa kong kamay. Hawak naman nung isa ang buhok ko. Sinampal ako ng leader ng mean girls ng sobrang lakas.




"Kawawa naman sya. Kahit papano naman mabait sya."




"Bat di sya lumaban ngayon?!"




"Look! Dumudugo yung gilid ng lips nya!"




"Wag na tayong makialam! Mamaya madamay pa tayo!"




"Paparating si Prince Renzoat saka si Miss Ezzy!"




"Hala! Patay ang mean girls!"




Inangat ko ang paningin ko at nakita kong papalapit sina Renzo. Naka kapit si Ezzy sakanya at todo ngiti. Tinignan ko sya at napatingin sya saakin. Sobrang lamig ng tingin nya saakin at wala manlang ekspresyon. Noong malapit na sila saamin ay umaasa ako. Umaasa ako na ipagtatanggol nya ako gaya ng ginagawa noon pero nagkamali yata ako. Nilagpasan nya lamang ako at nagdirediretso sa paglakad. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ako ay hindi ko na naramdaman pa ang sunod na ginawa ng mean girls.




Tila naging manhid nalamang ang pakiramdam ko. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Napapatulala na lamang ako. Akala ko ay wala na tong katapusan ng makarinig ako ng isang napaka pamilyar na boses.




"Stop!" Tila nahawi ang daan at mas lalo pang lumakas ang bulong bulungan ng mga estudyante. Halata naman ang gulat sa mukha ng mga mean girls. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak saakin ng mean girls. Sa sobrang hina ko ay napaupo ako sa sahig.





"Oh my Gosh! Si prince Grey?! Nakabalik na?!"




"Lalong gumwapo si prince Grey!"




"Hala! Mukhang galit sya! Patay!"




"Ang gwapo! Ang gwapo! Ang gwapo!"




"Anong karapatan nyo na saktan si Yoona?!" Galit na sigaw ni Luther. Hindi ko na naintindihan pa ang mga sinabi nya dahil nanghihina ako. Hanggang sa maramdaman ko nalamang na inalalayan akong tumayo ni Luther. Hinawakan nya ako sa bewang. Kumapit naman ako sa leeg nya at inalalayan nya akong tumayo. Umalis na kami sa lugar na yun. Dinala naman ako ni Luther sa clinic.




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now