-29- Meet Lex Dela Cruz.

4.2K 133 3
                                    

Yoona's POV


"Hi Yna! Namiss kita!" Sabi saakin ni Lex. Ang bestfriend ko! Sya pala ang pinag uusapan nung mga babae kanina. Tumakbo papalapit saakin si Lex saka ako niyakap ng mahigpit. Tumingin naman ako sa paligid at okay, lahat ng babae mukhang gusto akong kalbuhin!


'Ano ba naman yan! Pati si Lex!'


'Kaasar naman 'tong si Yoona! Nasa kanya na nga si Renzo, pati ba naman si Lex ay lalandiin nya pa?!'


'Pre! Mukhang type nung Lex yung type mo oh! Inaagawan ka pre!'


'Upakan natin bro! Nilalandi nung Lex yung crush mo!'


"Class! Magsitigil nga kayo! Para kayong mga bubuyog! Mr. Dela Cruz, pwede ka ng umupo. Sa likod nalang ni Ms. Hernandez." Sabi ng teacher namin. Humiwalay naman na saakin si Lex at saka ngumiti. Shemay! Anong ginagawa nya dito? Bakit late sya pumasok? Umupo nalamang ako ulit. Nagturo na yung teacher namin pero heto lutang na lutang padin ako. Lumingon naman saakin si Lex.


"Yna, namiss talaga kita!" Napalakas ang sigaw nya kung kaya't napalingon saakin ang mga kaklase ko at sinamaan ako ng tingin. Mabuti na lamang at hindi narinig ng teacher ko yun kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi padin ako mapakali kasi nakatingin parin sila saamin. Si Lex naman nag hihintay ng sagot ko. Kilalang kilala ko 'tong si Lex. Kapag halimbawa sinabihan ka nya ng namimiss ka nya, dapat sumagot kadin na namimiss mo sya kundi mag tatampo yan sayo. Kaya wala akong choice at napalunok na lamang.


"A-ako di-din." Sabi ko at napapikit ng mariin. Narinig kong bigla na namang nagbulungan ang mga kaklase ko. Anak ng kabayo naman oh! Ngumiti nalang si Lex saakin saka humarap na sa unahan. Humarap nadin ang mga kaklase ko sa unahan pero binigyan muna nila ako ng matatalim na tingin.


"Yna? Peram nga ako ng ballpen. Nawalan kasi ng tinta bigla yung ballpen ko eh." Sabi saakin ni Lex. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsitayuan ang mga kaklase ko at isa isang iniaabot kay Lex ang mga ballpen nila. Humarap ang teacher namin. Naka kunot noo na ito. Patay!


"Class! Ano ba?! May teacher kayo sa harapan! Dahil dyan, mag papa Quiz ako ng 50 items!" Sabi ng teacher namin at hinilot hilot pa ang sentido nya. Patay! Bagsak ako neto! Hindi ako nakapag review! Hindi nga ako nakikinig eh! Anak ng tipaklong!


Nagsimula na ang Quiz at talaga namang kamoteng kamote ako! Tumingin pa ako sa paligid at napansing lahat ay parang nasalanta ng bagyo! Ang gugulo ng mga buhok ng mga babae, at ang mga lalaki naman ay parang mga bangag! Sinipa ko ng kaunti ang upuan ni Lex para sana humingi ng tulong.


"Ms.Hernandez! Anong ginagawa mo?!" Tanong ng teacher ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ng teacher namin! Hala!


"Ah, eh a-ano po alam nyo na. nag strech lang ng paa para naman hindi maistroke. Heheheh." Sabay tawa ko ng peke. Mas lalo namang sumibagot yung teacher ko saakin. Nginitian ko nalamang sya saka hinulaan ang ipina Quiz nya saamin.


Hanggang sa narinig ko ang pinaka aantay ko! Ang mag bell! Nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan! Saka nanghina ako sa bwiset na test na yun! Kaylangan kong kumain para magkaroon ulit ng energy! Palabas palang sana ako ng room ng bigla akong akbayan ni Lex.


"Psst! Lex! Andaming tao! Baka pag tyismisan tayo!" Sabi ko sakanya pero pabulong lang. Pansin ko kasing nakuha na naman namin ang atensyon ng mga kaklasi ko!


"Sus, ano naman Yna? Inaakbayan naman kita noon pa? Saka sanay narin naman tayo pareho. Alam mo naman na kapag magkasama tayo inaakbayan kita diba? Hayaan mo sila." Sabagay. Wala na akong nagawa at naglakad nalang kami papunta sa canteen. Pagpasok na pag pasok palang namin ay nakuha agad namin ang atensyon ng mga estudyanteng kumakain sa canteen. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh.


"Don't mind them." Bulong saakin ni Lex. Tama nanaman sya! Edi sya na! Hahaha. Nag dirediretso nalamang kami saka umorder ng makakain. Umupo na kami sa table at nag simulang kumain.


"So kamusta na ang aking  bestfriend?" Tanong saakin ni Lex. Nilunok ko muna yung pagkain bago ako sumagot. Syempre no! Mag aala ngongo ako nyan.


"Okay naman! Ikaw ba? Ba't ngayon kalang pala lumipat eh halos kalagitnaan na ng pasukan?" Tama naman ako diba? Maswerte nga sya at pinayagan sya! Mayaman rin kasi eh!


"Nagkasakit kasi si Momski, ang sabi nya wag daw akong umalis sa tabi nya kaya ayun, ako ang nag alaga sakanya. Ang totoo nyan, matagal na akong enroll Yna. Hindi lang ako nakakapasok. Natatandaan mo yung huling pag kikita natin? Yung kumain tayo sa restaurant? Kaya kita tinanong kung saan ka nag aaral ay dahil dun ko din gusto pumasok para sana mag kasama tayo. Ang kaso nga lang, nagkasakit si Momski." Mahabang paliwanag saakin ni Lex. Kaya pala natanong nya at kaya pala nya ako sinabihan ng 'See you tomorrow' ay papasok pala sya sa A.L.I.S ang kaso  nagkasakit naman si Tita Lucia.


"Oh? Kamusta naman si Tita Lucia?" Nag aalala ako. Close din kasi kami nun ni tita. Napakabait kaya nun saka napaka masayahin! Pag kasama mo yun, tawa ka lang ng tawa!


"Okay na naman si Momski. Ay teka! Meron ka sa gilid ng lips mo." Sabi nya saakin. Ay? Hinawakan ko, wala naman ah!


"Hindi dyan. Samay kabila." Sabi nya saakin. Hinawakan ko naman, wala naman talaga eh! Pinag tritripan naman ata ako nitong si Lex eh!


"Hay nako Yna. Heto oh." Sabi nya saakin saka dumukwang para tanggalin yung dumi. Sa sobrang gulat ay hindi ako nakapag react kaagad.


"Ayan wala na." Sabi ni Lex at bumalik na sya sa dati nyang pwesto. Napansin ko namang tumahimik ang buong paligid. Ni isa ay walang nagtangkang gumalaw. Ang kulang nalang ay wag kang huminga. Nag tataka naman ako kung bakit pero hindi ko nalamang pinansin yun at tinuloy na ang pag kain.

"Ahm, Yna. Isa sa mga rason kung bakit ako lumipat dito kasi, may aaminin at ipagtatapat sana ako sayo Yn--" Hindi na nagawa pang tapusin ni Lex ang sasabihin nya ng biglang may mga kamay na humampas sa table namin. Napa angat naman kaming dalawa at gulat na gulat ako sa nakita ko.


"Anong aaminin at ipagtatapat mo sa Girlfriend  ko?" Hinila ako patayo ni Renzo at biglang hinawakan sa bewang. Kunot noo syang nakatingin kay Lex.


Ano nga ba? Ano nga ba ang aaminin at ipagtatapat ni Lex saakin?


itutuloy


Author's note:

Sorry sa ilang araw na hindi pag u-update. Nagbabasa kasi ako ng mga stories na mapapublish na eh! XD Hahaha. Ayan na ♥

Feeling ko, wala naman talagang nagbabasa neto eh. :( VOMMENTS nalang samay gusto.

BE A FAN.

•ForevsAnji•

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon