-37- Officially his girlfriend.

4.2K 135 3
                                    

Yoona's POV

"Ma-mahal din kita Renzo. Matagal na." Nagulat ako ng may humawak ng kamay ko. Napaangat ako ng tingin at nakita si Renzong ngiting ngiti saaakin. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko sya ng mahigpit.


"Ah! A-aray ko Babe!" Daing saakin ni Renzo. Ay tanga! Nakalimutan kong may sugat nga pala si Renzo!


"Sorry sorry! Masakit pa ba?!" Alalang alala ako at hindi ako mapakali samantalang si Renzo ay parang baliw lang na nakangiti saakin.


"Eh! Nakakainis ka naman eh!" Inis na sabi ko saka umupo. Nakabusangot lamang ang mukha ko.


"Hahaha. Ang cute naman ng babe ko! Pakiss nga!" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Anong nangyari sa lalaking 'to?


"Kiskis ko nguso mo sa pader eh!" Saka ko sya inirapan. Tumawa lamang sya ng tumawa. Halos mangiyak ngiyak na nga eh.

"Hahaha. Masaya lang ako Babe. Masaya lang ako kasi sinagot mo na ako. Kaylangan ko lang pala masaksak para sagutin mo ako eh!" Napahampas nalamang ako sa noo ko. Ang engot ko talaga! Narinig nya yung sinabi ko kaya pala sya ngiting ngiti! Boset! Bigla nalamang akong namula at hindi makatingin sakanya ng diretso.


"Basta wala ng bawian ha? Tayo na! I love you Yoona Grace Hernandez! Ang pinaka engot na babaeng nakilala ko pero sya namang minahal ko at mamahalin ko. Halika nga dito!" Kinilig naman ako! Hinila nya ang kamay ko at hinalikan nya ko sa noo.


"I love you too Renzo." Niyakap ko sya. Napakasaya ko dahil nalaman kong gusto din ako ni Renzo.


"Sandali lang Renzo. Tatawagin ko na sila." Napansin ko namang sumimangot sya at nangunot ang noo nya.


"Tawagin mo din ako ng babe!" Sabi nya at nakakunot padin ang noo. Napatawa naman ako dahil dun. Yun lang pala! Akala ko naman kung ano.

"Opo babe! Sige na. Tatawagin ko na sila." Binitawan na ako ni Renzo at lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko sina Clifford na nakaupo at naghihintay.

"Gising na sya. Puntahan nyo na." Nakangiti kong sabi sakanila. Pumasok naman sila sa kwarto. Napansin kong mejo tahimik ni Clifford.

"Hay nako En! Pinag alala mo kami! Di nga namin alam kung ano ang gagawin eh!" Natatawang sabi ni Luhan kay Renzo.


"Oo nga! Buti nalang at gumising ka na!" Sang ayon naman ni Clifford. Nagtatawanan silang mag kakaybigan.

Lumipas ang ilang araw at nakalabas nadin si Renzo ng hospital. Nandito kami ngayon sa isang mall at gusto nya daw gumala. Wala namang pasok ngayon kaya go lang! Tapos nadin ang lahat. Wala na ang kontrata. Pinunit na nya. Sa mga susunod na araw ay baka dumating na ang mga magulang ni Renzo. Ipapakilala na nya daw ako bilang girlfriend nya at sasabihin na nya ang totoong wala na sila ni Ezzy.


Naka suot kami ngayon ng couple shirt na nakalagay 'Babe' Tapos may heart sa gitna. Sakanya ang 'Ba' saakin naman ang 'Be' Pati cap naka suot kami pareho. Nakalagay sa cap nya 'For' saakin naman 'Ever'. Naka short lang ako. Sya naman naka pantalon lang pero ang lakas ng dating nya. Naka akbay sya saakin. Pinag titinginan nga sya ng mga babae kanina eh.

Naglalakad kami ni Renzo ng mahagip ng mata ko si Yveth. Nakatalikod sya saakin, sila saamin. May kasama sya. Lalaking naka akbay sakanya. Tinawag ko sya at napalingon naman sya saakin. Nagulat sya at binilisan ang lakad nila. Pamilyar ang lalaki saakin. Sobrang pamilyar.


Gusto ko sana silang sundan ang kaso parang may pumipigil saakin. Tinawag ko si Renzo  at may tinitignan pala syang mga damit kaya siguro di nya nakita si Yveth at ang kasama nito.


"Babe. Kanina pa kita tinatawag ah? May problema ba?" Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. Iniisip ko kasi kung sino yung lalaki eh! Napaka pamilyar nya kasi saakin. Hay! Hayaan ko na nga. Imahinasyon ko lang siguro.


"Ah. Wala babe. Tara na. Nagugutom na ako eh." Pag aaya ko kay Renzo at mukha namang naniwala sya saakin. Kumain lamang kami ng kumain.


Hanggang sa natapos kami at hinatid na nya ako sa bahay. Bumaba na ako ng kotse. Gusto kong matulog. Nakakapagod.


"Bye babe. Thankyou salahat. I love you." Sabi ni Renzo at hinalikan ako sa noo. Ngumiti naman ako sakanya.


"Loveyou too babe. Nag enjoy ako." Sabi ko. Ng babye ako sakanya at nag drive na sya. Hinintay ko muna syang makapasok saka ako pumasok ng gate.


Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa nakita ko.



"Gluriang! Lex!"



Itutuloy...



Author's note:

Sabaw na sabaw ang update ko. Hayaan nyo bawi ako next time. :) Hahaha. Ano kayang nakita ni Yoona pag pasok nya ng bahay? Abangan! Thankyou sa matyagang paghihintay. Pa-spread naman ako ng story na 'to. Pabasa din ng isa kong story 'The Fragile Heart'

Vote Vote Vote. [ Click nyo lang. :) ]

Comment. [Tingin nyo sa chap na 'to at kung ano hinala nyo sa nakita ni yoona]

Be a fan. [ Ikaw bahala. Di kita pinipilit. ]

Nag mamahal,

ForevsAnji ♥

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora