-12- Deal.

6.8K 201 9
                                    

Third Person's Pov

Hindi alam ng mga empleyado na may nanonood sakanila mula sa malayo. Matagal ng tinitiktikan ng tatlong magnanakaw ang coffee shop na 'yon. Hindi lang sila makaporma na nakawan ang coffee shop dahil sa marami pang tao. Nakalabas na ang mga empleyado at handa ng umuwi. Naghihintay nalang ang tatlong magnanakaw na makalayo ang mga empleyado saka nila lolooban ang naturang coffee shop.



"Jun! bakit hindi pa natin nakawan yung mga dumaan kanina? tiba tiba tayo 'dun!" Sabi ng magnanakaw na tila nadismaya dahil hindi nila ninakawan ang dumaan kanina. Agad naman syang nabatukan pa ng dalawang magnanakaw. Napa aray nalamang sya.



"Tanga kaba carding?! kita mong napakarami nilang magkakasama! patay tayo pag ninakawan natin sila! marami sila! tatlo lang tayo! magisip kanga! tiba tiba tayo sa kulungan pag nagkataon!" Sabi ni jun kay carding. Tahimik at tila napapailing nalang ang isa nilang kasama na si pepito. Mejo naiinip narin silang tatlo dahil antagal maglakad ng mga empleyadong 'yon. Naghaharutan pa kasi sila. Hanggang sa maya-maya rin ay wala na silang naririnig pang mga boses.

Lumabas na sila sa pinagtataguan nila at naglakad patungo sa coffee shop. Pero nakakailang lakad palang sila ay,napangiti silang tatlo sa nakita nila.  Nagiisa lang ang babae at walang iba kundi si yoona. Nagtinginan silang tatlo at napangisi. Mukhang sa mga titigan nila ay naiintindihan na nila ang isat-isa. Agad nilang hinarang si yoona.



"Miss! mukhang maganda yang bag mo ha? ibigay mo nalang samin yan!" Sabi ni carding. Agad naman niyakap ni yoona ang bag nya ng mahigpit. Bag yun na niregalo ni gluriang sakanya. Iba pa yung pinamasok nya sa school. Kinakabahan na sya. Alam nyang walang ibang tao na nasa paligid dahil mejo gabi na.




"Bi-bigay ho ka-kasi 'to ng ka-kaybigan ko. Hehe. Ah sige ho mau-una na ho a-ako" Hahakbang na sana sya pero hinarang sya ni jun. Agad hinablot ni jun ang bag ni yoona. Binuksan at hinalungkat maya maya ay nakita ang pera na bigay ng ma'am nya sakanya na limang libo. Napangisi naman ang tatlong magnanakaw.



"Wa-wag po 'yan! pa-pangkain na lang ho namin ka-kasi yan eh! p-please wag nyo pong ku-kunin yan" Pagsusumamo ni yoona. Pero parang nabingi ang mga magnanakaw. Agad silang tumakbo dahil nakarinig sila ng ingay.



Walang nagawa si yoona kundi umiyak ng umiyak. Wala na ang perang sana ay pang ilang araw pa nila. Lumong lumo sya habang naglalakad at wala paring tigil sa pag iyak. Mabuti nalang talaga at naiwan nya ang cellphone at wallet nya. Hanggang sa nakauwi sya ng bahay at nadatnang nakahiga si gluriang sa sofa. Nakita nyang hindi pa nababawasan ang pagkain na niluto nya kanina, kung kayat balak nyang gisingin si gluriang. Pero nung hinawakan nya 'to nagulat sya dahil inaapoy sa lagnat si gluriang.



Walang sinayang na oras si yoona at agad na kumuha ng maligamgam na tubig. Pinunasan nya si gluriang na inaapoy sa lagnat mejo naalimpungatan pa 'to at nagulat dahil nandoon na si yoona. Pinilit pa nyang tumayo pero hindi nya kinaya ni gluriang kayat napabagsak sya. Agad naman syang inalalayan ni yoona.



"Gluriang, wag mo'ng piliting tumayo. Magpahinga ka nalang dyan." Sabi ni yoona habang pinupunasan ang noo ni gluriang. Hindi na pa nakasagot si gluriang dahil sa sobrang hilo. Maya-maya pay nakatulog narin ito. Hanggang sa nakatulog narin si yoona habang nagbabantay kay gluriang.

~♥ K ♥ I ♥ N ♥ A ♥ B ♥ U ♥ K ♥ A ♥ S ♥ A ♥ N ♥~

Yoona's Pov

Maaga ako nagising. Nakatulog pala ako kakabantay kay gluriang. Agad 'kong sinalat ang noo nya. Tulog parin sya hanggang ngayon. Hindi na ganun kataas ang lagnat nya hindi tulad kagabi. Sobrang init ng noo nya kagabi eh, pero ngayon mejo hindi na ganun ka init. Agad 'kong pinagluto si gluriang ng lugaw para pag gising nya eh may makakain sya. Pasok pa ba ako? wag nalang kaya para may kasama si gluria--

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon