-6- CLIFFORD JOHN CHAVEZ.

8.1K 243 32
                                    

Yoona's POV


Hay! Nakakainis hindi ako makatulog! Naaalala ko na naman iyung mga nangyari. Tinignan ko ang orasan at 2:30 am na. Bes ano na! Siguradong mag mumukha akong bugbog sarado bukas dahil may eyebags ako! Hindi kasi mawala sa isip ko iyung mga nangyari eh!



*FLASHBACK*


Umupo na kami sa damo habang pinapanood ang mga fireworks. Maya maya pa napasandal ang ulo sa akin ni Renzo. Bumibigat na ang paghinga nya kung kaya't marahil ay tulog na sya. Dahil na rin siguro sa kalasingan ay nakatulog na. Pero teka wait?! Paano kami uuwi? Ngunit may maya eh parang sinagot naman ang kahilingan ko.




"En?! Nandyan ka ba?!" May sumisigaw at boses lalaki. Buti naman at may dumating para saklolohan kami! Saklolohan talaga iyung term?! Hahaha



"Dito! Tulong!" Humigop ako ng maraming hangin at sumigaw ng malakas. Narinig naman yata siguro iyun nung lalaki. Maya maya ay may grasyang lumapit samin.



"Miss? Okay kalang? Teka, tatawagan ko lang iyung mga kaybigan ko para malaman nilang nakita ko na sya." Napa tango tango Nalang ako habang pinapanood syang mag cellphone. Grabe bes. Eto na yata ang kabayaran sa lahat ng mga pag hihirap ko noon. Dalawang biyaya ang nasa harapan ko. Jusme wasak wasak siguro panty ko pag uwi ko neto!




"Yes! Nakita ko na sya. May kasamang babae eh. Yeah, punta nalang kayo dito. Oo doon sa pwesto ng surprise nya. Okay bye." Humarap naman sya sa akin matapos mamatay nung tawag. Anak ka naman talaga ni Bentong oh! Ang gwapo! May bago na naman akong idadagdag sa listahan ng mga ra-rape in ko ay este magiging crush ko!




"Hey, miss?" Hindi ko napansing napatulala na pala ako sakanya. Hala! Nakakahiya ka Yoona! Masyado mo namang pinapahalatang pinag papantasyahan mo sya!




"Ah, hehehe. A-ano ulit iyun?" Ngumiti nalang ako saka tumawa ng pilit. Ang sarap magpakain sa lupa talaga naman!




"Ang kulit mo at saka nakakatuwa! Sabi ko anong name mo? Hahahaha" Bes! Hindi ko na kaya. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Love at first sight naba 'to?! Pero syempre chareng lang!




"Ah hekhekhek! Yoona. Yoona Hernandez Pala. Hello? Ikaw ano oangalan mo?" Tanong ko sakanya habang nakangiti. Putek ka Yoona?! Kaylan ka pa natutong tumawa ng hekhekhek?! Ano ka manananggal?!



"Oh! I'm Cliff. Clifford John Chavez, Nice to meet you, Yoona." Sabi nya sabay abot ng kamay nya sa akin. Eto na! Eto na! Mahahawakan ko na ang biyaya!



"Ako rin! Hekhekhek nice to meet you! Kaano ano mo si Renzo?" Yoona ano ba! Huhugutin ko na iyang ngala ngala mo! Kasi naman ba't ganon iyung lumalabas na tawa sakin! Sarap mag saksak ng kutsilyo sa lalamunan!




"Kaibigan ako ni En. Samalat nga pala at sinamahan mo sya ngayon." Sabi saakin ni Cliff. Makikita mo talaga sakanya na sincere sya sa pag hingi ng tawad. Hay nako. Ang bait na ang gwapo pa! Park bogum is that you?!



"Wala iyun. Ang lungkot lungkot nya kasi kaya sinamahan ko. Ano bang nangyari?" Gusto kong malaman iyung side nya kung bakit sya nag kakaganon. Naisip ko iyung mga sinabi ko nung nasa parking lot kami. Siguro sobrang sakit ng mga salitang binitawan ko.



Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu