-27- Date.

5.6K 162 6
                                    

Yoona's pov



"Jealous?" Sabi nya at biglang nag smirk. Shemay na bumbay! Nagseselos nga ba talaga ako? Selos ba ang tawag sa gusto kong ingudingud yung mukha ng babaeng kasama ni Renzo kanina? Tinulak ko sya at bigla naman syang tumawa. Pansin ko lang napapadalas ata ang pagtawa nito?



"Hi-hindi ah! Feeling mo naman!" Sabi ko sakanya sabay irap. Lalo naman syang natawa dahil sa naging reaksyon ko. Argg! Nakakainis na sya ha! Bigla naman tumigil sa pagtawa at ngumisi at bumulong sa tenga ko.



"Don't worry babe. The feeling is mutual." Sabi nya at kinilabutan naman ako sa sinabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at lumabas na kami ng c.r ng mga lalaki!



"At san naman tayo pupunta aber?" Tanong ko sakanya at hila hila nya padin ang kamay ko. Bigla naman syang napatigil dahil nakita nya ang kasama nyang babae kanina at halatang naiinis na.



"Renzo! Bakit mo ako iniwan dun?! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo! Date natin pero ini--" Hindi na natapos pa ng babae ang sasabihin nya dahil sumabat na si Renzo at pinutol ang sinasabi nya.



"Tigilan mo na ko Tiffany. Pinagbigyan lang kita kasi nakakaawa ka. May Girlfriend na ako okay? Bye!" Sabi ni Renzo at hinila nanaman ako. Naiwang nakanganga yung babae. Nakakaawa naman sya!


"Huy. Ba't mo naman ginanun yung babae. Kawawa naman." Sabi ko sakanya at huminto sa paglalakad. Napahinto rin naman sya.



"Pinagbigyan ko lang sya na makasama ako ngayon. Nagmakaawa kasi sya na mag usap kami. Ex ko sya at nakita ko syang nakikipag halikan sa iba. Okay narin yun atleast nagkaroon ako ng dahilan para i-break sya. Yun ba ang nakakaawa?" Ow okay. Dapat lang pala yun sa babae. Manloloko pala sya. Ex pala yun ni Renzo? Maganda sya ah. Hindi pa ako nakakapag salita ng hilahin nanaman ako ni Renzo. San ba talaga kami pupunta?



"Pupunta tayo sa salon. Ipapaayos na kita. Mamaya na kita ipapakilala kila dad remember?" Ay! Oo nga pala. Mamaya na pala yun. Mabuti at naalala nya. Sumakay na kami ng kotse. Siguro kay Mary nya ako ipapaayos. Nakarating din naman kami kagad. Meron pa naman kaming isang oras para mag ayos eh.



"Uwi muna ako sa bahay at kukunin ko na yung susuotin mo. Antayin mo nalang ako dito." Sabi ni Renzo. Tumango na lamang ako. Inumpisahan na akong ayusan ni Mary.



Make up dito, make up dyan. Ang sabi kasi ni Renzo, pag mukhain talagang kamukhang kamukha ko si Ezzy kaya ayun ang ginagawa nya. Dahan dahan nya akong minake upan. Pagkatapos nun ay biglang dumating si Renzo. Naka ayos narin sya at dala nya na yung susuotin ko. Pinasuot muna ni Mary yung damit sakin para daw maayos na yung buhok ko. Pagkatapow kong masuot yun ay inumpisahan na nyang ayusin ang buhok ko. Ang resulta hindi nakalugay yung buhok ko. Nakaipit sya tapos may lawit lawit ng konting buhok sa mga gilid.



"Okay na Renzo! Ang ganda ganda mo talaga." Sabi saakin ni Mary. Namula naman ang mukha ko at yumuko. Tinignan ko ang hitsura ko sa salamin at kamukhang kamukha ko si Ezzzy sa suot ko at sa buhok ko.



"Tara na?" Sabi ko kay Renzo. Para kasing lumungkot yung mukha nya eh. Kaya siniglahan ko nalang ang boses ko. Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na kami. Pansing kong pinagtitinginan kaming dalawa? Ay baka sya lang yun. Ang gwapo nya kasi sa suot nya eh. Heto nanaman ang puso ko. Magkahawak kasi kami ng kamay eh. Pansin ko lang mas hinigpitan ni Renzo ang hawak nya sa kamay ko at parang mas inilapit nya ako sakanya. Anong problema nito? Hindi nalang ako kumibo hanggang sa makarating kami sa kotse nya. Nag drive lamang sya ng nagdrive habang ako heto nganga! Napakatahimik naman kasi nito eh. Mapapanis laway ko sakanya!




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant