-31- Aaminin ko na.

4.2K 116 7
                                    

Yoona's POV




"Huh?! Ganun?! Ako o sya?" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Shemay. Pag pinili ko si Lex, magagalit si Renzo. Pag pinili ko si Renzo, maiintindihan naman siguro ni Lex. Parang nangyari na 'to ah!




"Re-renzo. Sorry ka-kasi, naka oo na ako kay Lex eh." Sabi ko sakanya. Napangiti naman sya ng mapait.




"Fine! Bahala ka!" Sabi nya at saka ipinaharurot ang kotse nya. Sabi ko na nga ba eh. Magagalit yun eh. Inaya ko na si Lex at sumakay na kami sa kotse nya. Maya maya rin ay nakarating na kami sa bahay nila Lex. Wala paring pinagbago ang ganda parin.




"Yna! Namiss kita iha! Mabuti naman at napasyal ka! Tara pasok! Nagluto ako ng paborito mong Adobo!" Parang nanay ko narin kasi yan si Tita Lucia eh! Grabe! Dito palang amoy na amoy na! Kumakain kami at saka nag kwekwentuhan. Namiss ko si Tita eh!




"So? Kamusta ka na Yna?" Tanong saakin ni Tita. Ang sarap nya talaga magluto! Walang kupas! Napatingin naman ako sakanya.




"Okay lang naman po. Kayo po? Lalo pa po kayong gumanda! Hahaha. Wala talaga kayong kupas sa pagluluto!" Sabi ko na masayang masaya. Kain lamang ako ng kain, sarap eh!




"Hahaha. Ikaw talaga iha! Napaka bolera mo! Oh sya, kumain ka muna at mukhang naiistorbo ko ang pagkain mo." Napansin mo pala yun Tita?! Hahahahaha. Nakakailang kuha na ako ng kanin hanggang sa mapag pasyahan ko ng tumigil. Bundat na bundat na ako eh!




Nakarinig naman ako ng parang may tumatahol. Napalingon kaagad ako at nakita si Fifi at Browny na masayang tumatakbo papunta saakin! Omygas! Namiss ko sila!




"Browny at Fify! Namiss ko kayo! Gusto nyo kunin ko na kayo?" Sabi ko at niyakap sila pareho. Tumabi naman saakin si Lex. Nandito kami ngayon sa sala. Umakyat muna sa kwarto nya si Tita at may kukunin daw.




"Miss ka na daw nila Yna!" Natatawang sabi ni Lex sakin! Inaasar nanaman nya ako kasi kinakausap ko nanaman sila Browny at Fifi.




"Heh! Ewan ko sayo Lex! Kukunin ko na sila ha? Miss na miss ko na kasi sila eh!" Sabi ko saka muli silang niyakap. Nakakapanggigil! Ang kyukyut nila!




"Baka naman hindi na sila makahinga nyan Yna?!" Sabi saakin ni Lex. Na natatawa parin. Pinakawalan ko na sila at umayos na ng upo.




"So? Ano nga pala ang sasabihin mo saakin Lex?" Pansin ko namang bigla syang namutla at hindi na mapakali. Anong nangyari sakanya?




"Uhm. Ano? Wait lang Yna! Kuha muna ako ng juice!" Sabi nya saka umalis na. Tumakbo pa nga sya eh! Anong nangyari dun? Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko naman yun at nakitang si Renzo ang nagtext.




Umuwi ka ng maaga. Maghihintay ako sa bahay.




Yan lamang ang laman ng text nya. Nasa bahay pala sya? Pano yan?! Omygas naman! Kasi ano bang nangyayari kay Renzo?! Akala ko ba halit sya? Nagkibit balikat na lamang ako at hinintay na dumating si Lex. Bigla namang bumaba si Tita at parang may hinahanap.




"Gosh! Nasan na yung lipstick ko? Favorite ko pa maman yun." Nakabihis si Tita ng magara. Baka may pupuntahan? Lumapit naman ako sakanya.




"Ano po yung hinahanap nyo Tita? Yung lipstick nyo po?" Tanong ko kay Tita at tumango naman sya. Tinulingan ko syang hanapin yung lipstick nya. Halos nga baliktarin na namin ang bahay makita lamang yun eh!




"Favorite ko yun sa lahat ng lipstick ko. San ko kaya yun nalagay?" Pati ang mga katulong ay tumulong nadin sa paghahanap. Pumunta ako sa sala para maghanap. Yumuko ako baka kasi gumulong lang yun.




Hinanap ko at yumuko ako sa ilalim ng sofa at parang may napansin ako duon. Kahit hindi ko masyadong abot ay pilit kong inihahaba ang kamay ko para makuha yun at hindi naman ako nabigo dahil nakuha ko 'to.




"Tita? Eto po ba ang hinahanap nyo?"  Sabi ko at ipinakita ang nakita ko sa ilalim ng sofa. Nagningning naman ang mga mata nya at agad na kinuha yun.




"Eto nga iha! San mo naman 'to nakita?" Takang tanung nya saakin. Tinuro ko naman kagad yung ilalim ng sofa. Nakita kong napakunot noo sya.




"Huh? Pano naman mapupunta 'to dyan? I need to go na! Late na ako. Kayo ng bahala dyan ni Lex okay iha?" Tumango nalamang ako. Maski ako naguguluhan sa mga pangyayari eh. Maya maya pa ay dumating na si Lex.




"Anong ginawa mo at inabot ka ng syam syam aber?!" Sabi ko sakanya. Pano ba naman, nahanap na't lahat lahat ang lipstick eh wala parin sya. Malungkot syang tumingin saakin.



"Yna, aaminin ko na." Sabi nya saakin. Oh? Anong nangyari sa lalaking 'to? Parang paiyak na eh!




"Ang alin nga?" Sabi ko. Kanina pa nya sinasabing aaminin na nya eh hindi naman nya masabi sabi! Bumuntong hininga sya saka binanggit ang mga salitang hindi ko inaaaahan na maririnig ko mula sakanya




Literal akong napanganga! Lex?! Bakit?!




itutuloy.




Author's note:

Kung sino makahula kung anong sasabihin ni Lex kay Yoona ay i-dededic ko sa next chap. ;) Sinipag lang ako mag update kasi may taong nag post sa profile ko. :') So ayan, tanan! Nag update talaga ako. Sorry kung cliffhanger. Sadya yun! XD HAHAHHA.

VOMMENTS please? Para naman sipagin ako mag update. Hulaan nyl nadin kung kaya nyo! :P Bwahahha! XD Dont forget na mag vote and comment ha! Lovelots! ♥

^ForevsAnji

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now