-50- Epilogue

7.7K 145 10
                                    

Isang babaeng napakaganda ang naglalakad. Lahat ng mga mata ay nakatingin sakanya. Lahat ng lalaking madadaanan nya ay kulang nalang mapanganga sa kagandahang taglay nya. Kilala sya ng lahat. Sya ang kilalang si

HELLERIA CURRAN.

Isang sikat na model. Napakaganda kung kayat walang duda na sikat na sikat ito. Napangiti nalamang si Hell dahil alam nyang lahat ng mata ay nakatingin sakanya. Papunta sya sa kanyang boyfriend na matagal na syang hinihintay.

LUTHER ENCARNATION.

Isang sikat na singer. Hinahangaan ng mga babae. Bagay na bagay sila sa isat isa. Yan ang nasa utak ng bawat taong makakasalubong nila. Noong matanaw na ni Luther ang girlfriend ay agad nya tong hinalikan sa noo.

"Hello hon. Where's moms and pops?" Tanong ni Hell kay Luther. Hindi pa man nakakasagot si Luther ay natanaw na ni Hell ang kanyang mga magulang.

"Moms! Pops! Kuya!" Excited na lumapit si Hell sa kanyang pamilya. Matagal na bago nya ito nakita dahil sa hectic nyang sched sa pag momodel. Kinuha nya ang regalo nya para sa knayang moms.

"Happy birthday moms! I love you." Niyakap ni Ayesha ang anak at masaya silang kumain. Umalis muna saglit si Helleria dahil kaylangan nyang sagutin ang tawag. Kaylangan nya pang lumabas ng party dahil sa maingay.

"Hello? Yes. Next week. Alright. Bye." Sabi ni Hell at ibinaba na nya ang tawag. Ang kanyang mga bestfriends ay tumatawag sa kanya at inaaya syang mag bar. Aalis na sana sya ng paglingon nya nabunggo sya ng isang babaeng masayang masaya nakikipaglandian sa boyfriend nya. Kung kayat natapon ang alak na iniinom ng babae.

"Oh shit! My dress!" Sabi ni Hell at tinignan ng masama ang babae. Ngunit hinarap sya ng babae at tinaasan ng kilay. Tinawanan pa sya ng babae.

"Oops! Hahaha." Natatawa ang babae sakanya. Tawanan raw ba ako? Yan ang nasa isip ni Hell. Mas lalong uminot ang ulo ni Helleria sa ginawang yun ng babae. Nakaisip sya ng maganda plano. Tinawag nya ang waiter na padaan at kinuha ang isang punong baso ng wine. Lumapit sya sa babae. Napakunot naman ang noo nito dahil hindi nya alam ang gagawin ni Helleria.

"Oh my Gosh! You bitch!" Nangagalaiti sa galit ang babae dahil sa ginawa ni Helleria. Tinapon lang naman nito ang baso sa mukha ng babae. Sasampalin na sana sya ng babae pero inunahan nya na to. Sa lakas ng pagkakasampal nya ay napasalampak ang babae sa sahig. Ang kalandian naman nito ay hindi alam ang gagawin dahil kilala nya ang babaeng nasa harap nya. Tinignan na lamang ng babae si Helleria ng masama dahil hindi sya makatayo sa taas ng heels nya. Ngumiti ng napakatamis si Helleria.

"Serves you right bitch." Ang huling sabi ni Helleria bago tumalikod sa babae. Napangiti sya. Dahil alam nya. Alam nyang nanalo sya. Heto na sya ngayon makalipas ang tatlong taon.

3 years. 3 years na simula ng araw na yun. Ang araw kung kaylan binago ng masakit na pangyayaring yun ang buhay nya. Babalik sya. Babalik sya at ipaparanas nya sa kanilang lahat ang hirap at sakit na dinanas nya. Ang mga panloloko nito sakanya.

Napapapikit sya sa masasakit na alala ng araw na yun, nagsiklab na naman ang galit sa puso nya.

"He'll pay for it. Soon. I'll hurt him like hell."

"Brace yourselves." Sabi nya at ngumiti ng pagkatamis tamis.

-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now