-45- Injured.

4.3K 141 5
                                    

Third Person's Pov


Nagulat ang lahat sa pangyayari. Biglang napasinghap ang mga tao sa paligid. Lahat nag aabang sa mangyayari. Naagaw pala ni Luther ang bola kay Renzo at papunta na si Luther sa kabila. I fafast break nya sana ang bola at  hinabol naman kagad sya ni Renzo.


Tumalon ng napakataas si Luther at balak sanang isalaksak ang bola sa ring ngunit isang aksidente ang nangyari. Bigla na lamang bumagsak si Luther sa sahig at hindi manlang pumito ng foul ang referee.


Kung titignan ay wala lamang ito pero hindi parin kumikilos si Luther. Noong lapitan lamang sya ng mga ka team ay nakitang wala pala syang malay at may dugo ang ulo nya. Lahat nagulat at tanging sigaw na lamang ni Yoona ang narinig sa paligid.


"Shit! LUTHER!" Dali daling bumaba si Yoona at pinuntahan si Luther. Nagkagulo ang lahat at sinugod sa hospital si Luther. Kitang kita sa mukha ni Yoona ang pag aalala. Bago sya sumama sa ambulansya ay tinignan nya ng masama si Renzo. Habang si Renzo naman ay naka kunot lamang ang noo.


Tumalikod na si Yoona at pinuntahan ang kinalalagyan ni Luther. Noong maka alis sina Yoona ay umalis na lamang si Renzo duon. Tinatawag sya ni Ezzy at ng mga ka team nito ngunit dirediretso lamang sya sa paglalakad. Itinuloy na lamang ang laban sa kabila ng nangyari. Panalo ang grupo nila Renzo. Masayang masaya ang lahat pwera nalamang sa isang tao. At yun ay si Renzo.


Yoona's Pov


Shemay! Nagaalala talaga ako kay Leej. Nandito kami ngayon sa hospital. Nandito narin sina Cliff, Dierk, Luhan at Luis. Hindi ako mapakali. Lakad balik, lakad balik. Kagat kagat ko lamang ang mga kuko ko habang nag iisip.


"Love ko! Kalma lang! Magiging ayos din ang lahat. Kilala ko yang si Grey! Masamang damo yan eh!" Sabi saakin ni Clifford. Alam kong pinapagaan nya lamang ang loob ko. Pinaupo nya muna ko. Napabuntong hininga na lamang ako.


"Oo nga naman Grace. Tama si Clifford. Kumalma kalang dyan okay?" Sabi ni Dierk at nginitian ako. Ngumiti na lamang ako ng pilit. Hay bwisit. Tama sila. Kaylangan ko ngang kumalma. Magiging ayos din ang lahat. Lumabas ang doctor at kinausap kami.


"He's okay. May fracture lamang ang kanyang kaliwang braso. Hindi naman naapektuhan ang iba pa nyang katawan. Sa ngayon mag sasagawa pa kami ng iba pang tests to make sure na okay na talaga sya. Excuse me." Sabi ng doctor. Hay! Mabuti naman! Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama kay Luther.


"See? Sabi sayo eh. Masamang damo talaga yang si Grey." Sabi nila saakin. Hahaha. At duon ngumiti na ako ng totoo at hindi peke. Pumasok kami sa kwarto ni Luther. Wala parin syang malay. Mayrong cast ang kanyang kaliwang braso. Mukha syang anghel habang natutulog.


Nagulat na lamang ako ng may gumagalaw galaw sa ulo ko. Napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Luther na inaayos ang buhok ko. Gising na pala sya! Hindi ko namalayang nakatulog ako. Wala dito yung apat. Nasaan kaya yung mga yun?


"Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ko kay Luther habang nagkukuskus ng mata. Umayos ako ng upo at tumingin sakanya.


"Nakakatuwa ka kasing tignan habang natutulog. Saka ayaw naman kitang istobohin dahil mukhang pagod na pagod ka." Nakangiting sabi saakin ni Luther. Ay! Nakakahiya! Mamaya may tulo laway pa ako! Pasimple kong sinalat kung meron at salamat naman at wala!


"Ah? Nasaan na nga pala yung apat?" Tanong ko kay Luther. Habang kumukuha ng mansanas. Siguro binili nila to kanina noong tulog ako. Buti nalang! Gutom na ako eh!


"Bumalik sila ng school. Hinahanap din nila si Renzo eh." Sabi ni Luther at umiwas ng tingin saakin. Naiinis ako kay Renzo. Hindi ko alam pero para saakin ay kasalanan nya kung bakit nandito ngayon si Luther. Diba dahil malaki ang galit ni Renzo sa kapatid nya? Baka sinadya nya yun.


"Ay ganun ba? Nga pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Luther. Para naman maiba ang usapan. Tumingin sya saakin at dahan dahang ngumiti.


"Eto. Okay na. Salamat Yeej ha? Ah! Nga pala. Papunta na sila mom and dad." Sabi nya saakin. Shoot! Papunta na sila? Nako! Gyera to malamang! Kaylangan ko na sigurong umalis!


"Uy! Alis na ako ha! Hehe. May gagawin pa ako eh. Dadalawin nalang ulit kita dito. Sige bye Leej!" Sabi ko at saka umalis na. Habang naglalakad ako ay napansin kong may mag asawang naglalakad at naguusap. Sigurado ako.  Mga magulang 'to nina Renzo at Luther. Dali dali akong nagtago para hindi nila ako makita.


"Yes. Next week nadaw ang dating ng mga Curran. Hon! I'm so excited! Miss ko na si besty!" Excited na excited na sabi ng nanay nina Renzo at Luther. Sina Mr&Mrs Curran? Edi ba sila ang may ari ng A.L.I.S?! Omg! Pupunta sila ng school! Nako! Baka mukha silang halimaw na nakakatakot!


"Same here hon. Excited narin akong makita si kumpareng Allen. Maglalaro kami kagad ng billiards!" Pagkalagpas na pagkalagpas nila ay nagtatakbo na ako paalis. Baka makita pa nila ako. Hanggang sa nakauwi na ako ng bahay. Wala na naman yung dalawa.


Umakyat ako sa kwarto at nagbukas ng facebook account ko. Dumiretso kagad ako sa group ng A.L.I.S puro post ang mga nandito. Lahat pinag uusapan ang nangyari kanina pati nadin ang pagdating ng mga Curran sa isang linggo!


'"Ghad! Dito na ba titira ang mga Curran ?'


'Nakakaba! Kinakabahan na ko!'


'Dinig ko ay strict daw sila?'


'Mukha daw silang masungit!'


'Kamusta na kaya si Luther babe?'


'Gosh! I'm so worried. How is he na kaya?'


'Sana okay sya!'


'I hope so girl!'


Puro ganyan ang mga posts and comments. Hala? Baka masungit nga talaga sila! Gosh nakakakaba naman yun! Bago ako mag offline ay pinuntahan ko pa ang facebook ni Renzo. Wrong move. Mas lalo lang akong nasaktan. Pero siguro masokista nga talaga ako at binasa parin ang post ni Ezzy.


'Gosh! Kinikilig talaga ako! Iloveyou! Yieee! ❤'


Yan ang post ni Ezzy sa wall ni Renzo. 10 hours ago. Andaming nag comment pero isa lamang ang pumukaw ng atensyon ko. Ang comment ni Renzo.


'Haha. Iloveyou too. Swerte ko talaga sayo. Ikaw lang ang sineryoso ko sa lahat ng mga naging girlfriends ko. Pinaglaruan ko lang sila eh.'

Bakit sobrang sakit?


itutuloy...


Author's note:




Ayaw ma update nakakainis! Dapat nung isang araw ko pa to ipopost eh. Ang kaso nagloloko si Watty kaya ayan natagalan! 5 chappies to go! Yeah! Partehh! Enjoy Sungengots! ✌☺




Uso nga pala votes and comments! Mwahahaha! Loveyou guise! 




-Biotechachos

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon