-26- Make over

5.6K 153 3
                                    

Yoona's pov

Ilang araw narin simula nung naospital ako. Nakapasok narin ako. Nagtataka nga ako pagpasok ko nag sorry saakin ang Mean Girls eh. Pero alam ko namang hindi bukal sa kalooban nila yun. Kasama ko si Renzo at nandito kami sa condo nya. Malapit na kasi umuwi parents nya diba? So kaylangan na nya akong turuan. Step by step kami. Una, tuturuan nya ako kung pano kumain.

"Hindi ganyan. Dapat ganito ang paghawak sa kutsara at tinidor." Sabi nya at ipinakita ang tamang paghawak nun. Ang arte naman kasi eh! Pektusan nga yan! Jukk lang! Baka lapain ako nyan no. Sinunod ko nalamang sya. Tinuro nya kung pano umupo si Ezzy, kung pano sya magsalita. Ang sabi nya hindi naman daw problema yun dahil nga mejo magkahawig naman daw kami ng boses. Ngayon kung pano naman maglakad. Sabi nya dapat daw pangmayaman saka dapat daw may dating.

"Wala ka kasing confidence. Maganda ka Yoona, engot ka nga lang" Sabi nya habang hawak hawak ang chin ko. Grabe ang lapit ng mukha nya sa mukha ko na tipong naaamoy ko na ang hininga nya. Grabe ang bango. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin? Tinitigan nya ako at umiwas naman ako ng tingin kasi sobrang naiilang na ako.

"Woah. A-ahm te-teka nauuhaw ako. Sa-san ba ang tubig mo dito?" Sabi ko saka biglang nag ehem. Grabe ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko!

"Ah. Ako na ang kukuha." Sabi nya saka umalis na. Nakahinga naman ako ng sobrang luwag. Napaupo nalang ako bigla at nagpaypay ng sarili. Tokwa ano bang nagyayari sakin? Kelangan ko na atang magpatingin sa doctor!

"Oh. Aalis tayo. Pupunta tayo sa mall." Ay kabayong buntis! Ano banaman 'to! Halos mapatalon ako sa gulat sakanya! Ininum ko naman kagad yung binigay nyang tubig.

Umalis na kaminat dumiretso sa mall. Hinawakan nya naman ang kamay ko. Heto nanaman po ang puso ko. Nakakainis ba't ako nagkakaganito? Hindi 'to dapat. Mali ito. Maling mali. Hinayaan ko nalang sya saka isa isang kumuha ng gamit. Una pabango, tapos argg mga make up. Pagtapos nun ay dumiretso naman kami sa mga dress ang gaganda! Tinignan ko yung price ayun akala mo ginto sa sobrang mahal! Kaya ayun binitawan ko kagad napaso ako eh! Nagulat ako biglang ibinigay sakin ni Renzo lahat ng mga nahawakan kong dress. Napatingin naman ako sakanya. Dumiretso na sya dun sa cashier.


"Kukunin naming lahat 'to." Napatingin naman ako sakanya. Grabe ang mamahal kaya nito! Sa isang dress pa nga lang pangkain na namin ng ilang buwan eh! Palibhasa kasi mayaman. Edi sya na! Nung matapos mabayaran ni Renzo lahat, pumunta naman kami sa mga sandals. Pero ngayon sya na ang namili. Kuha lang sya ng kuha. Kaso lahat ng kinuha matataas! Mamaya mag tambling ako nyan eh! Balak pa ata akong pilayin neto. So ayun bayad dito bayad dun! Hindi manlang nanghihinayang!

"Kain muna tayo Renzo. Gutom na ako eh." Sabi ko sakanya. Dumiretso naman kami sa isang mamahaling restaurant. Umorder na ako ng kakainin ko, eh sa nagutom ako eh. Nag pray muna ako. Lalantakan ko na sana yung pagkain ng biglang pinalo ni Renzo yung kamay ko. Ay epal? Sarap ibalibag aa ibang planeta!

"Yung tinuro ko sayo." Sabi nya. Hinawakan ko naman yung pinalo nya saka umupo ng tuwid at saka dahan dahang kumain. Peste! Kaazar naman kasi 'tong si Renzo eh. So ayun nga inabot ako ng syam syam sa pagkain palang! Umalis na kami ni Renzo at dumiretso sa isang salon? Pumasok na kami sa isang mukhang mamahaling salon. Anong ginagawa namin dito? Renzo wag mo sabihing ipapa ma--


"Gusto kong ayusan mo sya. Yung buhok, pagandahin mo. Gusto ko mas maging kamukha nya 'to. Babalik din ako mamaya. Ikaw na bahala Mary." Kakasabi ko lang eh! Naknaman ng pating oh! Ano nanaman ipapagawa ni Renzo sa mukha ko? Mukhang nagkakaintindihan naman na sila nung babae na ang pangalan daw ay Mary. Bago pa man ako makapag reklamo ay umalis na si Renzo. Napalingon naman ako dun kay Mary at napalunok sa mga hawak nya. Kung ano-anong kolorete para sa buhok! Omygas! Anong gagawin nya sa buhok ko? Umatras naman ako at humakbang naman sya papalapit saakin. Nung hahakbang pa sana ako ay hinawakan na ako nung Mary sa braso. Nakangiti naman sya sakin.


"Wag kang matakot. Akong bahala." Dahil nadala naman ako sa mala anghel nyang ngiti, boom! Ayun binabanlawan na nya ang buhok ko at nilagyan nya na nung kolorete! Mangiyak ngiyak na ako. Pinunasan na nya ng towel yung hair ko at saka blinower na nya. Pagkatuyo nung buhok ko ay ginupitan nya 'to! Naknang tokneneng naman oh. Matapos lahat ng koloreteng pinahid nya sa buhok ko nagsalita na sya.


"Yan! Tapos na. Tignan mo dali!" Sabi nya. Tinignan ko naman ang resulta nung mga pinaggagagawa nya. Uy! Gumanda ako kahit papano. Naging kulay brown yung buhok ko tapos umikli. Naging hanggang balikat nalang sya. Tapos ang kintab at diretsong diretso saka yung bangs ko wala na. Tinitignan kong mabuti yung mukha ko. Grabe ang laki ng pinagbago ng hitsura ko. Naging kamukhang kamukha ko si Ezzy. Para nga kaming kambal eh.


"Tapos na ba Mary?" Tanong ni Renzo. Busy padin ako sa pag tingin sa mukha ko. Grabe, anlaki talaga ng pinagbago ko! Sabi nga ni Vice, gandang di mo inakala!

"Yap! Tignan mo, mas lalo pa syang gumanda." Hinarap naman ako ni Mary kay Renzo at kitang kita ang sobrang pagkagulat na rumihistro sa mukha nya. Napatingin naman ako sakanya na parang nagtataka. Nakatulala parin sya sakin at mukhang napansin naman 'yun ni Mary.


"Diba? Mas gumanda sya lalo?" Nakabawi na si Renzo mula sa pagkagulat at nag usap na sila. Ako naman naka upo lang walang magawa dito. Hanggang sa tapos na si Renzong makipag usap at inaya na nya akong umuwi. Pansin ko lang titig na titig sya sakin. Anong problema nito?


Sumakay na kami ng kotse nya. Diretso lang ang tingin nya sa daan at parang ang lalim ng iniisip nya. Binaling ko naman ang atesyon ko sa daan. Maya maya rin ay nakarating na kami sa condo nya. Hay napagod ako, saka kasi naman ano eh, bigla akong tinawag ng kalikasan at ngayon pa ako naiihi. Ihing ihi na ako kaya nagmamadali akong lumakad. Binitbit ko na yung mga pinamili namin. Hindi ko na inintay pa masyado si Renzo. Sumakay na kagad ako sa elevator. Pero bago man yun tuluyang sumara ay naharang na nya ang katawan nya dun. Tahimik lamang kami sa loob pinipigil ko yung ihi ko pero wiwing wiwi na ako! Wrong timing naman kasi tumawag ang kalikasan eh! Inagaw nya naman bigla saakin yung ibang hawak ko pero hindi ko yun pinaagaw. Andami dami na nyang dala eh.


"Kaya ko na 'tong bit--" Ay bastusan? Nagsasalita pa ako biglang bumukas yung elevator indikasyon na nandito na kami. Sarap hampasin eh no? Pero salamat narin at ako'y wiwing wiwi na. Binuksan na ni Renzo yung pinto at inunahan pa ko pumasok. Patakbo naman ako oara sana pumunta sa c.r ng bigla akong natisod nung upuan. Saktong papaharap naman si Renzo saakin  at parang naging slow mo ang lahat habang dahan dahan akong nahuhulog. Nagulat nalang ako ng may dumampi sa labi kong isang malambot na bagay. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Dali dali naman akong tumayo! Nangyari ba talaga yun? Aksidenteng nag ki-kiss ka-kami ni Renzo? Sisihin nyo yung upuan! Shemay. Pagkatayo ko ay dali dali din syang tumayo. Tumalikod ako sakanya para itago ang sobrang pamumula ng mukha ko! Pakiramdam ko umurong ang nararamdaman ko kaninang pagtawag sakin ng kalikasan dahil sa nangyari. Spell awkward? Kami yun! Binasag nya naman ang katahimikang bumabalot samin.


"Aalis muna ako saglit. May pagkain dyan kung nagugutom ka." Tango na lamang ang naisagot ko sakanya dahil ilang na ilang na ako. Hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto na nagsasabing naka alis na sya. Napaupo nalamang ako at hinawakan ang puso ko. Grabe ang lakas ng tibok nito kahit wala na sya.

'Gu-gusto ko na ba si Renzo?'

Author's note:

Hi. ^________^ Sorry napaka lame ng update ko. Yaan nyo babawi ako. :( Kain na kayo readers! :) Vomments sa may gusto. :)

ForevsAnji.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now