-17- Okay na kami.

5.3K 166 5
                                    

Yoona's pov.

*SCREEEEEEETCH!*

"Sorry Yoona. Sorry na okay? Wag kana maarte dyan, patawarin mo na ako. Ayan nakapag sorry na ko. Hay! Nako baka mag inarte payun at di ako patawadin. Tchhhh! Pasalamat nga sya nagsorry ako eh! Ay tanga! Di pa pala naka patay!" Nagulat ako kasi biglang prumeno si kuya Jun kaya't nadaganan ko yung bag ko. Tapos nagulat ako may nag play. Yung teddy bear pala. So si Renzo ang may bigay nito? Imbes na maasar ako sakanya, natatawa ako eh. Hahaha. Pano ba naman mag rerecord nalang! Hahaha. Buti naman at nag sorry na sya. Yun lang naman ang hinihintay ko eh.


"Nako ma'am Yoona, pasensya na ho. May tumawid po kasing pusa. Mabuti nalang at nakapag preno ako kagad." Sabi sakin ni kuya Jun. Okay lang naman, wala namang nasaktan saming dalawa.


"Nako okay lang ho. Hindi po ba nasaktan yung pusa?" Tanong ko. Baka kasi nasaktan yung pusa kawawa naman. :( Ipapagamot ko yun kung sakaling nasaktan. Wag naman sana.

"Okay naman po. Hindi ko naman po sya nasaktan dahil nakapag preno naman po ako kaagad. Hindi po ba kayo nasaktan ma'am?" Hay. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na okay naman pala yung pusa. Buti nalang!


Sinabi ko naman kay kuya Jun na okay lang ako. Naka uwi na kami ng bahay at aalis na naman ako. Bale kumain lang ako sa bahay at diretso na ako kay Gluriang. Gusto ko kasi malaman kung okay na sya. Matagal ko na kasing hindi sya nadalaw dahil nga sa mga nangyari eh. Miss ko narin sya. Nakakamiss din pala yung alien nyang lenggwahe kahit minsan sumasakit ang ulo ko.

Malapit na kami sa hospital na pinagdalhan kay Gluriang. Tinignan ko ulit yung teddy bear na bigay ni Renzo ang cute tapos diko alam pinindot ko ulit yung teddy bear.

"Sorry Yoona. Sorry na okay? Wag kana maarte dyan, patawarin mo na ako. Ayan nakapag sorry na ko. Hay! Nako baka mag inarte payun at di ako patawadin. Tchhhh! Pasalamat nga sya nagsorry ako eh! Ay tanga! Di pa pala naka patay!" Hindi ko namalayang paulit ulit ko na palang pliniplay iyon. Epic! Hahahah. Okay na sana eh, Hindi lang napatay hahahah.

"Ahehehehe, ma'am Yoona. Hindi naman po sa iniistorbo ko kayo sa pag ngiti, kaso kanina pa po tayo nandito. Hehehe." Nagulat ako kay kuya Jun. Kanina pa pala nya ako tinitignan at tinatawag kasi nandito na pala kami. Ano bayan! Nakakahiya! Nginitian ko nalang sya ng alanganing ngiti saka ako bumaba ng kotse.

Dumiretso kaagad ako sa kwarto kung nasaan si Gluriang. Nadatnan kong pinapakain sya ng nurse nya. Ng makita nya ako ay nagulat sya at biglang nag ningning ang mga mata.


"Yoona bells! I miss you! Im so alone here! No handsome! No boy! I want to go home! Wait! Where did you get money to pay bills? Like bil bills?! Joke! Ajejejeje!"

*Translation: Yoona bells! Na miss kita!  Mag isa lang ako dito! Walang gwapo! Walang lalaki! Gusto ko na umuwi! Teka! San ka kumuha ng pera pambayad ng bills? Parang bil bills?! Joke! Ajejejeje!


Hahaha. Magaling na nga talaga sya! Anggara nya tumawa! Hahaha. Nakausap ko yung nurse kanina. Lalabas na daw sya sa isang araw. Magaling na si Gluriang. Mabuti naman. Salamat sa panginoon. Tapos na rin syang kumain at iniwan na kami ng nurse dito.

"Mabuti naman at okay kana Gluriang! Pasensya kana kung ngayon lang kita nadalaw ha? Busy kasi ako masayado nitong mga nakaraang araw kaya't diko maasikaso. Sa makalawa lalabas kana sabi ng nurse. Namiss din kita Gluriang! Pag nakalabas kana dito saka ko sayo ikukuwento lahat okay? Ay! Nga pala may dala ako ng paborito mong adobo! Saka may mga prutas din dyan. Kumain ka ng madami."

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora