-21- Party.

5.1K 160 15
                                    

Yoona's pov




"At ang ating champion, ay walang iba kundi ang number





10!" Hindi kami ang nanalo. Natalo kami. Yan lamang ang pumasok sa utak ko nung mga sandaling iyon. Hindi kami nagtagumpay. Ang bigat sa pakiramdam. Aalis na sana kami ni Renzo ng biglang magsalita ang emcee.



"Uhm. Sorry pero mukhang mali ho ang nabasa ko. Hindi po sila number 10 ang champion natin kundi sina number 8! Kayo ang panalo!" Sabi ng emcee. A-ano raw? Anong ibig nyang sabihin? Pa-panalo kami? Panalo kami! Hindi ko alam na sa tuwa ko pala ay nayakap kuna si Renzo. Hihiwalay na sana ako ng maramdaman kong niyakap nya rin ako. Sobrang saya ko talaga. Kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa. Sumogod narin sila ate Waway sa stage at si ma'am. Niyakap nila kami. Tilian na ang mga studyante sa sobrang saya.




Sobrang saya ng pakiramdam. Ganito pala kapag nagtagumpay ka sa isang bagay? Ganito pala ang pakiramdam. Para kang lumulutang sa sobrang saya. Salamat po Lord.




----------




Nandito ako ngayon sa bahay. Nakalabas na pala si Gluriang sa hospital. Kwinento ko sakanya lahat lahat. Pero hindi yung deal namin ni Renzo. Kada tatanunhin nya ako tungol sa mga bagay na san daw ako naka kuha ng pera at bakit daw lumipat kami, iniiwasan ko nalang ang tanong nya. Pero alam ko namang magtataka sya. Sorry talaga Gluriang hindi ko talaga pwedeng sabihin eh. Pag tapos na ang deal pwede na.




Wala kaming pasok ng tatlong araw para daw makapag pahinga kami. Kaso ang problema wala naman akong magawa dito sa bahay. Si Gluriang tulog. Kamusta na kaya si Lex? Anong nangyari dun? Nabura ko kasi number nya eh. Napindot ko, katangahan ko talaga. Ayun diko alam pano ko sya makakausap.




Maya-maya biglang nag ring ang cellphone ko. Oh? Tumatawag si Renzo? Agad ko namang sinagot ang tawag nya.




"Bakit?" Pambungad kong tanung sakanya. Nandito ako ngayon sa garden. Ang lamig nga ng simoy ng hangin eh. Malapit na kasi ang pasko. Nakaupo lang ako dito walang magawa. Spell boring.




[ Mag ayos ka mamaya, susunduin kita. Maybe 12:30 am Okay? Bye." ]




Then inend na nya yung call. Huh? At san naman kami pupunta? Buti naman para hindi ako mabore. Pero anong gagamitin kong damit? Eh wala naman akong matinong damit dyan. Bahala na. Pero bat naman madaling araw? 11:30 pm palang eh. Narinig kong tinatawag ako ni Lily. Isa sa mga katulong dito sa bahay.




"Oh? Bakit Lily?" Nakangiti kong tanong sakanya. May iniabot sya saaking paper bag. Huh? Ano 'to?




"Pinabibigay po yan ni Sir Renzo kanina pa po. Nakalimutan ko lang po ibigay." At umalis na sya. Huh? Ano naman kaya 'to? Pasok na nga ko sa bahay. Giniginaw na ako eh. Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at tinignan yung binigay ni Renzo. Isang dress at sandals? Baka ito ang isusuot ko dun sa pupuntahan namin.




Naligo na ako at nag ayos. Sinuot ko na rin yung bigay nyang damit. Nung aayusin ko na sana yung buhok ko, biglang may kumatok. Pinapasok ko naman kagad. Ah si Lily lang pala.




"Ma'am Yoona, ako po ang mag aayos sainyo." Sabi nya. Lumapit naman sya saakin at blinower ang buhok ko. Ang kulit nila sabi ko wag na nila akong tawaging ma'am eh. Kaso wala ayaw nila makinig. Pagrespeto daw nila saakin yun. Pag ka blower ng buhok ko. Inayos naman nya yun. Inipit nya lang. Tapos pagkatapos nilagyan nya ako ng make up. Light make up lang yung nilagay nya.




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon