-2- Ha?! Why o why? Nanay mong bumbay!

13.4K 314 104
                                    

Yoona's POV






"Goodmorning world!" Kakagising ko lang! time check, 5:00 am palang at 7:00 am nga pala pasok ko. Kaylangan ko ng magluto.





"Lalalalala" Enjoy na enjoy ako sa pagluluto may pakanta kanta pa syempre kaylangan! Dapat kaylangan happy! Lunes ngayon at may kasabihan na kung ano ang ugali mo ng lunes ganun hanggang biyernes. So kung badtrip ka ng monday nako po! Dirediretso hanggang friday! Ayoko malasin ng isang buong linggo 'no!






"Awwuwuwu!" Natalsikan ako ng mantika! Aray masakit ha! Sarap ibalibag netong kawali pero no! Ngumiti ako at nakipag friends sa mga lintik na mantika.







Sawakas na tapos nako kumain at magluto. Dumiretso na kaagad ako sa banyo at ginawa lahat ng ritual ng mga babae.






Nagbihis na ako at hindi na nag suklay. Para saan pa? Madadala iyan ng creamsilk no! Konting pulbos lang at pak! Gora na.







Nandito nako sa gate ng school. Wag na kayo magtaka sa bilis ko isipin nyo nalang kabayo ako pwera mukha. Syempre mukha naman akong tao kahit papano! Tinititigan ko iyung gate. Mukahang gate palang magara na. Hindi talaga ako nababagay dito. Naputol ang pag papantasya ko sa skwelahan ng sunod sunod na busina ang narinig ko.







"Sandali lang naman! Wait lang diba? Atat na atat? Di maka wait teh?" Nakakainis 'to ah? Sinisira ang mood ko! Phew! *Hipan ang bangs effect* Smile! Lunes ngayon tandaan mo Yoona so smile.






Punyemas barabas! Nakatabi nanga ako bumusina na naman?! Aba mukhang makakasapak ako ngayong umaga ah!





"Miss? Hindi ka estatwa, hindi ka rin naman mukhang model para gumitna riyan. So kung pwede lang no? Layas!"
Abay ga! Nilait pa ako ng mokong na ito ah! Hindi daw ako mukhang model?!







"Hoy lalaki ka--" Naiwang naka nganga iyung bunganga ko. Biniyayaan yata ako ngayong umaga papi! Ang gwap--








"Done checking me out? I said, move!" Ay wag na pala teh! Binabawi ko na sinabi ko. Mas lalo pa akong gumilid. Akala mo pag aari nya itong kalsada eh!







"Hay nako! Ang aga-aga ang init ng ulo! Ang sungit sungit pa! Gwapo sana masungit lang" Syempre binulong ko lang iyung huli. Mamaya ma over na sa confidence 'tong lalaking masungit na 'to







"What? Are you crazy?!" Wow na wow isama pati mga kalabow! Ako pa talaga baliw? Grabe lang mga bes ha!






"Wala! Oh ayan daan na mahal na hari! Nahiya ako eh." So ayun gumilid nako. Hay nako Yoona, smile! Isipin mo parang walang nangyari, may masamang hangin lang na dumaan!







Umalis na ang kotse. Che! Ang sungit! Gwapo sana! Akala mo pinaglihi sa sama ng loob! Daig pa si Aling Bunjay nung may regla eh! Makapasok nanga.









"Good morning!" Bati sakin ng gwardya ng school. Full smile pa kahit bungi bungi ngipin ni kuya guard.








"Good morning din po!" Nginitian ko sya at umalis nako roon. Shems! Mag aalasyete na! 1 minute nalang! Tiyak sasabunin ako ng teacher namin.







"Aray!" Ang sakit ng pwet ko! Pano ba naman 'tong nakabunggo ko parang bato eh!






"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!" Teka?! Alam kong mabilis akong tumakbo pero sino ba hindi tumitingin sa dinadaanan.


Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें