-39- Mr&Mrs Encarnation.

4.9K 125 4
                                    

Yoona's Pov


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Indikasyon na may tumatawag. Hindi ko na tinignan pa kung sino ang tumatawag at diretso sagot na lamang ako dito. Antok na antok pa kasi ako para tignan kung sino yun eh.


"Hi babe. Goodmorning! Susunduin kita mamaya dyan ha? Ngayon kasi ang uwi nila mom and dad. Bibili tayo ng isusuot mo ha? Ipapakilala na kita. Kumain ka na ba?" Dahil sa narinig ko ay napabangon ako bigla.


"A-ano?! Ngayon na ang uwi nila?!" Gulat na gulat na sabi ko at parang kinakabahan. Oh my! Kinabahan ako bigla! Mamaya hindi ako magustuhan ng parents ni Renzo.


"Yup! Wag kang mag alala mabait naman sila eh. Sige babe. Mag ayos kana at pupunta na ako dyan." Sabi ni Renzo. Sabagay dapat wag akong mag alala. Kasama ko naman si Renzo eh. Nag pa alam na kami sa isat isa. Diretso naman ako kagad sa banyo at naligo na.


Maya maya rin ay natapos na ako. Ilang araw narin pala ang nakakalipas masaya naman ang relasyon namin ni Renzo. Tungkol naman kina Lex at Gluriang, simula nung nag away sila. Ginawa ko na nga lahat para magbati sila kaso wala eh, wala parin silang pagbabago. Mukhang mas lumalala pa ata. Hay nako hindi ko na alam ang gagawin ko! Pagkatapos kung magsuklay ay bumaba na ako para kumain. Nagulat ako dahil pagbaba ko ay nandito na si Renzo. Agad agad?! Hahahaha. Niyakap nya ako at niyakap ko rin naman sya.


"Ang bango mo babe. Hahaha. Nga pala, may dala akong food kumain ka na." Sabi ni Renzo at kumalas na kami sa yakap. Pinamulahan naman ako sa sinabi nya. Umupo nalamang ako at tumabi sakanya.


"Kumain ka din. Share tayo dito." Sabi ko sakanya at kumuha ng pinggan. Kumain lamang kami ni Renzo habang nag kwekwentuhan.


"Kinakabahan ako babe. Paano nalang kung hindi ako magustuhan ng magulang mo?" Sabi ko sakanya at yumuko ako. Ayokong ipakita sakanya na nalulungkot ako. Pero hinawakan nya ang baba ko at itinaas ito.


"Babe. Wag kanang malungkot. Masyado kang nega eh. Tss! Papanget ka nyan sige!" Napangiti nalamang ako sa sinabi ni Renzo. Maya maya rin ay natapos nadin kaming kumain at iniligpit ko na ang mga kalat.


"Babe tara na. Bili na tayo ng isusuot mo. Mamayang 5 nag uwi nila eh. 12:30 palang pala. Masyado pang maaga pero mas maganda yung ready na!" Nag nod nalamang ako kay Renzo at saka ngumiti. Dumeretso na kami sa sasakyan at maya maya rin ay nakarating na kami.


"Hm, eto, yan, yun, etong red, yang pink, yung white, etong blue. Sige babe. Sukat mo lahat yan ha. Antayin kita dito." Sabi ni Renzo. Grabe! Andami naman nitong mga isusukat ko! Hay pumasok ba ako sa at sinimulan isukat yung mga damit. Naka ilang balik pa ako kasi walang magustuhan si Renzo. Etong white nalang ang natitira eh! Sana naman okay na to.


"Eto babe? Okay na ba to?" Umikot pa ako ng dahan dahan saka ngumiti. Sandali

syang napatulala at saka napangiti saakin.


"Perfect! Ganda ng mahal ko. Hm let's go! Hanap tayo ng perfect shoes para sa damit mo." Namula nanaman ako sa sinabi ni Renzo. Nagbayad na sya at naghanap na kami ng shoes na babagay sa magandang white dress na to.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now