-23- Kasalanan ko.

5.1K 155 7
                                    

Yoona's pov


"Renzo." Yan lamang ang nasambit ko sa sobrang gulat. Yan lamang ang lumabas sa bibig ko. Ang pangalan nya. Nakatingin lamang sya samin, saakin ng diretso. Ramdam ko ang lamig sa bawat titig nya. Hi-hindi kaya nakita nya? Nakita nya! Argggg! Ang engot mo Yoona! Ang tanga tanga mo! Tumingin naman ako sakanya maglalakad sana ako papunta sakanya pero nakita kong nag tiim bagang sya saka dahan dahang umiling at saka umalis.

Anong  nagawa ko? Anong katangahan nanaman ang nagawa ko? Lumingon ako kay Cliff at tumango naman sya saakin. Sa pamamagitan ng aming mga mata ay parang nagkakaintindihan na kami. Tumakbo ako para sundan si Renzo pero hindi ko na sya makita pa. Hanap lang ako ng hanap at may napansin ako. Kaya pala walang tao kanina kasi meron palang ginaganap na performance dito. Umalis nako sa lugar na yun at pinagpatuloy ko ang paghahanap ko kay Renzo ngunit halos hindi ko na mabuhat ang paa ko sa sobrang pagod.

Napagdisisyunan ko na munang umuwi sa kwarto namin baka sakaling madatnan ko sya doon. Anong oras narin kasi at pakonti na ng pakonti ang mga tao dahil madaling araw narin. Pero mukhang nagkamali ako. Maling tao ang nandito. Si Charm. Nakaupo sa upuan at halatang may iniintay. Halata rin sa mga mata nito na inaantok na sya pero pinipilit nya nalang ang kanyang matang dumilat at napansin nya na nga ako na dumating. Excited na excited syang lumapit saakin na halos madapa dapa na sya.


"Ano kamusta?! Anong nangyari?! Yieee!" Sabi nya saakin at sinusundor sundot pa nya ang tagiliran ko. Ha? Ano ba ang sinasabi nya? Anong kamusta? Binigyan ko naman aya ng isang nagtatakang tingin pero mas lalo lang lumawak ang ngiti nya na kanina'y malawak na.


"Sus! Akala mo hindi ko alam no! Kata nga ko nandito para makibalita eh! Dali na! Ikwento mo na saakin! Kanina pa ako naghihintay dito! Dali at excited na ako!" Sabi saakin ni Charm at parang hindi na makapagintay pa sa susunod kong sasabihin sakanya. Ano ba ang ibig nyang sabihin? Naguguluhan na ako.


"Teka sandali nga Charm. Pwede kumalma ka muna? Una, hindi ko alam ang sinasabi mo. Pangalawa anong ikwekwento ko sayo? Hindi kita maintindihan pwede diretsuhin mo na ako?" Sabi ko sakanya. Napabuntong hininga sya at saka muling nagsalita.


"Yung tungkol kay Renzo!" Bigla namang nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Renzo. A-anong tungkol kay Renzo?


"A-anong tungkol sakanya?" Tanong ko sakanya. Napatingin naman sya saakin at halatang nagtataka pero agad din namang nawala yun nung magsalita sya.


"Kasi kanina, gusto sana kitang hanapin para ayain na mag laro. Naglalaro kasi kami nila Dierk. Kaso hindi naman kita makita kita. Bigla ko namang nakita 'tong si Renzo, kaya ayun lalapitan ko sana para tanungin kung nakita kanya. Kaso tawag ako ng tawag hindi naman ako pinapansin! Tas ayun napansin ko naka headphones pala sya! Eh mejo malayo ako sakanya kaya diko makalabit, tapos napaka bilis pa maglakad! Eh madami pa namang taong pakalat kalat nun dahil nga sa may mag peperform. So hindi ko sya mahabol habol. Nung malapit na ako sakanya, bigla syang huminto at pumasok sa parang isang kweba. Umatake naman ang pagka chismosa ko kung kaya't nagtago muna ako para makita kung anong gagawin nya dun tas unti unti akong sumilip tapos nakita ko may tables for two--" Hindi ko na sya pinatapos magsalita at tumakbo na ako palabas. Bakit napaka engot ko? Bakit ko nakalimutan na magkikita nga pala kami ni Renzo nung 11:30? Ang tanga tanga ko! Dali dali akong tumakbo papunta sa lugar na iyun. Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating na ako sa lugar. Nagulat ako sa nakita ko. Bago ka makapasok ay bubungad na kagad sayo ang pangalang 'Yoona' Na Nakalagay sa loob ng korteng puso. Ang ginamit para mabuo ang hugis puso nito ay Red Rose Petals. Tapos ang ginamit naman sa pangalan ko ay para mabuo ang korteng 'Yoona' ay White Rose Petals. Mejo wala na sa lugar kasi mukhang kanina pa 'to kung kaya't siguro hinangin na. Siguro kaya 11:30 nya sinabi kasi alam nyang wala ng masyadong tao at para hindi matapakan. Hindi ko akalaing susorpresahin nya ako. Hindi ko namalayang naiiyak na pala ako. Pumasok ako sa loob at mas lalo akong napa iyak. May nakalagay na Boquet ng bulaklak dun at may nakalagay na sulat.


Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now