-34- Kaylangan ko ng mga signs!

4.7K 134 3
                                    

Yoona's POV




Ilang araw narin na saamin si Lex. Ni hindi manlang sya pinupuntahan nila tita. Mejo okay nadin sya. Masaya din sya kahit papano kasi malaya nyang nagagaea ang mga gusto nya. Hindi katulad ng dati. Lunes ngayon kung kaya't papasok na ako ng school.





"Yoona! Hatid na kita!" Nyek! Bigla bigla nalang sumusulpot 'tong si Renzo sa paligid! Alam nyo, nitong mga huling araw, parang may nagbago sakanya eh! Lagi syang dikit ng dikit sakin. tapos mayat maya tawag ng tawag. Masyadong nagiging clingy! Ewan ko nga kung anong nangyari dyan! Hay buhay. Hindi nadin sya nagsusungit, bihira nalang.





"Lika na nga." Sumakay na kami ng kotse nya. Sabi ko isabay na nya si Lex kaso ayaw ng mokong! Kinikilabutan daw sya pag nandyan si Lex! Hahaha! Ang baliw talaga!





"Ikabit mo na yan." Saka sya may nginunguso. Ako naman hindi ko ma gets yung sinasabi nya. Hindi ko nalang sya inintindi dahil busy ako sa pag inom ng moo! Favorite ko 'to eh! Yummy!





"Hay nako. Ako na nga!" Anong sya na nga? Baliw ba 'to? Nagulat ako ng dahan dahan syang lumapit sakin. Huh? A-anong problema nito? Teka! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit na nya sakin. Ang gwapo nya pala sa malapitan.





"Ayan. Okay na." Sabi nya sakin saka nginitian ako. Ikinabit nya lang pala yung seatbelt. Shems! Ang gwapo pala ng sungit na 'to? Argh! Ano bayang sinasabi ko! Umiling iling na lang ako.



Maya maya pa ay nakarating nadin kami sa A.L.I.S. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng bigla nya 'tong buksan. Himala? Pinagbuksan ako? Dati sariling sikap pa ako!  May mali talaga eh! Ramdam ko 'yun! Kayo mga tol? Ramdam nyo ba?! Pagkababa ko ay inakbayan nya ako at naglakad na kami.




"Renzo! Tawag ka ni coach!" Napalingon si Renzo sa tumawag sakanya. Ka team mate nya sa basketball. Humarap sya sakin at inalis ang pagkakaakbay nya.




"Babe. Wait lang ha. Tawag ako ni coach eh. Babawi ako mamaya. Sorry ha." Sumenyas naman ako na okay lang. Nagmamadali syang umalis pero hindi pa man sya nakakalayo ay tumakbo sya pabalik sa kinaroroonan ko at hinalikan ako sa pisngi. Napatili naman lahat ng nakatingin sa amin.




'Ang sweet naman ng ReYoo! Bagay na bagay sila!'



'Nakuhanan mo ba yung kiss?! Para 'yan sa ReYoo fans club!'



'Swerte pre ni Renzo!'



'Hay. Wala na akong magagawa! Bagay naman sila eh!'



"Bye babe! Take care!" Sabi nya saka umalis na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh! Kung tatakpan ko ba ang mukha ko dahil sobrang pula nito o papakalmahin ko ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Pero teka? Anong ReYoo? Fans club? Argh! Ewan. Maka alis na nga!



Pumasok na ako sa klase ko at nag aral kahit hindi ko ma gets yung lesson namin sa Math! Hay! Kelan ba ako pagpapalain sa Math?! Kelan! Ispirito ng katalinuhan! Sapian mo ako! Hanggang sa natapos na ang mga subjects ko at break ko na. Naglalakad ako palabas ng classroom pero meron isang lumapit na isang cute na cute na bata sa harap ko! Siguro mga 7 years old palang sya! Ang cute ng dimples nya!



"He-hello po." Nakayuko sya at napansin ko ang pamumula ng mga pisngi nya! Gosh! So cute! Lumuhod ako para magkasing pantay na kami.



"Hi baby! Hmm? Bakit?" Nakangiti kong sabi sakanya at hinawakan ang mukha nya para tumingin sya saakin. May dinukot sya sa bulsa nya at meron isang candy! Iniabot nya 'yun sakin at kinuha ko naman 'yun.


"Wow! Thankyou baby!" Sabi ko sakanya at pinisil ang pisngi nya. Bigla naman nya naman akong niyakap at saka hinalikan sa pisngi. Tumakbo sya ng sobrang bilis pag ka tapos nun. Napa iling na lamang ako. Ang cute cute! Napatingin ako sa kanan ko at isang busangot na Renzo ang tumambad saakin.




"Nandyan ka na pala. Bakit hindi mo ako tinatawag?" Takang tanong ko sakanya. Hindi nya ako pinansin at parang may dinudukot sya sa bulsa nya. Pagtingin ko isang panyo. Huh? Anong gagawin nya dyan?


"Anong gagawin mo dyan?" Hindi parin sya nagsasalita at hinawakan ang dalawa kong pisngi at nagulat ako ng mariin nyang pinupunasan ang pisngi ko na hinalikan ng bata kanina.




"Aray Renzo! Dahan dahan lang. Masakit. Bakit mo ba pinupunasan yang pisngi ko?" Nakabusangot kong tanong sakanya. Hindi nya parin ako kinikibo at tuloy padin sya sa pag punas ng pisngi ko. Hanggang sa wakas ay tumigil nadin sya.


"Yan. Wala ng dumi." Nakabusangot padin ako sakanya. Ano bang problema ng nilalang na 'to? Ang sakit ng pisngi ko ha!





"Bakit mo ba pinunasan ang pisngi ko? Malinis ako no! Naligo kaya ako kanina! Anong akala mo sakin may germ--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil hinalikan ni Renzo ang pisngi ko na pinunasan nya kanina.



"Yan. Ako na ulit ang may marka dyan. Ayoko ng magpapahalik ka sa iba. Ako lang ang pwedeng humalik sa prinsesa ko. Naiintindihan mo ba ako Hernandez?" Bakit ako kinikilig?! Bakit! Nakakainis 'tong Renzo na 'to! Argh! Heart? Please lang huminahon ka!



"Oo na nga! Halika na at gutom na ako!" Sabi ko sakanya at hinila na sya. Ginawa ko 'yun para maitago ang kilig na nararamdaman ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya saka nya ako inakbayan.



Nandito na kami ngayon sa canteen at kumakain ako ng pasta. Ang totoo kanina pa ako ilang na ilang kasi hindi manlang nagagalaw ni Renzo ang pagkain nya dahil sa sobrang pagtitig nya saakin. Hindi nya nga inaalis ang titig nya sakin eh kaya naiilang akong kumain!



"U-uy! Renzo! Ayaw mo ba nitong pasta mo sige ka uubusin ko 'to!" Sabi ko sakanya para tanggalin na nya ang tingin saakin pero wala eh! Wa epek!



"Gusto mo ba nyan? Sige kunin mo na. Ibibili pa kita pag kulang pa 'yan." Sabi nya ng hindi inaalis ang tingin saakin. Naiilang na ako. Ano bang problema nito!



"Ah. Renzo! Alis na ako ha. Kasi may klase pa ako. Bye!" Tatayo na sana ako at kukuhanin ang bag ko ng bigla syang tumayo at kinuha ang bag ko.


"Tara. Ihahatid na kita." Tumango na lamang ako at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam pero bakit ganun bakit ko ba naging crush ang sungit na 'to eh kabaliktaran naman sya ng mga tipo ko!



"Sige. Dito na yung classroom ko eh. Bye." Sabi ko pero biglang hinawakan ni Renzo ang kamay ko. Dahil dun ay napatigil ako.



"Ahm? May sasabihin ka ba Renzo?" Tanong ko sakanya at hawak padin nya ang kamay ko. Kinikilig ako eh! Alam nyo yan! Hahahaha.




"Ahm eh. Wala babe. Sige." Sabi nya na nagkakamot pa sa ulo nya at saka umalis. Napakunot naman ang noo ko sa inasta nya pero hindi ko nalamang 'to pinansin. Umupo na ako sa upuan ko at maya maya rin ay dumating na ang teacher ko. Pero wala eh. Lutang ako sa mga ipinapakita ni Renzo saakin. Hindi kaya crush nya din ako? Hindi naman sa feeler ako kaso kasi argh!


Alam ko na! Hihingi nalang ako ng signs. Kapag binili ako ni Renzo ngayon ng Moo, ibig sabihin crush nya din ako! Yung mag kukusa sya. Ngayong araw lang na 'to. Pero pag wala manlang syang ibinigay na Moo saakin, ibigsabihin lang nun na wala. Feeler ako yun yun! Hay nako Renzo! Pinapasakit mo ang ulo ko!


itutuloy.




Author's note:

Hi. :) Excited na ako sa SDTG! Kayo ba hindi?! Hahah! Wala share lang! XD Wala akong masabi eh! Nga pala pa promote ng isa kong story yung The Fragile Heart. Try nyong basahin! Salamat! ♥

BE A FAN.

-TingChing.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now