-5- Open Arms.

7.6K 237 38
                                    

Yoona's POV





"Mahal nya ako, mahal ko sya. Kasho, umalish din sya, iniwan nya din ako. Akala ko, akala ko, sya na. Mahal na mahal ko sya, shobra" Sabi sa akin ni Renzo. Oo kasama ko sya. Nandito kami sa isang bar. Madami na syang naiinom. Ganito pala 'to pag nalalasing masyadong madaldal! Hala? Pano kami uuwi? Hinahayaan ko nalang sya magkwento. Iyung iba hindi gaanong malinaw kase ang lakas ng sounnds.





"Hahahahaha hindi ko alam gagawin ko. May nagawa ba akong mali?" Inilapit nya ang mukha nya saakin saka tumawa ng tumawa pero maya maya magiging seryoso at lulungkot.





"Hindi mo kasalanan kung iniwan ka nya." Naiintindihan ko kung ano man ang pinag dadaanan nya ngayon dahil nasaktan at iniwan rin ako.





"Nangako kamisha ishat isha, kasho sya ang unang nang iwan, sya iyung unang bumitaw." Wala tayong magagawa Renzo. Nag desisyon silang iwan tayo kaya't wala tayong ibang choice kung hindi ang magpatuloy at sanayin ang sarili nating wala na sila.




"Grabe! Grabe sya. Mash pinili nya iyun kesha shakin. Shiguro nagshawa na rin sya shakin! Pwesh! Hindi ko sya kaylangan! Anshakit pala dito 'no?" Sabi nya habang dinuduro duro nya iyung puso nya. Pina pat ko lang iyung likod nya.





Hay ang gulo naman talaga ng mundo. Ikaw ang manloloko o ikaw ang magpapaloko. Bihira nalang iyung parehas kayong panalo sa pag-ibig. Hanggang palabas nalang siguro iyun.





"Alam mo Renzo. Tara na, lasing kana eh." Hinihila ko sya kaso ayaw nya talaga magpapigil eh. Ang bigat nya hindi ko sya kaya!





"Shamahan mo naman ako, kahit ngayon lang, kahit ngayon lang." Tumitig sya sa akin. Hay ano ba naman iyan. Baka hinahanap na ako ni Gluriang!





"Tara! Shayaw tayo!" Hinila nya ako papuntang stage. Okay lang naman kase marami ding nagsasayaw. Sumayaw sya pero hindi ako kumikilos.





"Shumayaw kanaman! Wag kang kj!" Sigaw nya sa akin at bigla nya akong hinila palapit sakanya. Sumayaw nalang kami ng sumayaw. Hay nakakapagod ha! Naknang tokneneng!





Maya maya ng mapagod na sya ay umupo nalang ulit kami. Nagulat ako pagkatapos nyang magbayad, hinila nya ako.





"Wait! Renzo teka! San tayo pupunta?! Lasing ka baka maaksidente tayo!" Huminto naman sya kaagad at bigkang tumingin sa akin.





"Kaya ko pa naman! Ako bahala!" Wala nakong nagawa. Wah! Mahal ko pa ang buhay ko! Pano na si Fifi?! Pati si Brownie?!





Habang nag mamaneho sya dasal naman ako ng dasal! Huhuhu tulungan nyo ako! Mga ninuno ng kalikasan, ng tubig, hangin, ng apoy, ng lupa at kung ano ano pa! Buong byahe nakapikit lang hanggang sa maramdaman kong tumigil iyung sasakyan.






"Nandito na tayo! Hihihi shabe ko shayo Ezzshi eh! Shafe ka pag kashama mo ako." Bumaba na kami ng kotse. Sinuri ko ang katawan ko. Salamat naman at hindi pako hiwa hiwa! Tinitigan ko si Renzo. Lasing pa nga talaga 'to. Bukod sa pasuray suray mag lakad, buhol buhol pa ang dila! Buti naman at nakarating kami ng maayos Dito! Sobrang nakaka kaba!






Nandito kami sa isang lugar na puro damuhan. Grassland kumbaga ba iyun? Teka nga? Bakit sobrang dilim? Saka ang lamig. Nakakatakot naman dito huhuhu mamaya may white lady dito!






"Closh your eysh Ezzshi" Pinikit ko nalang iyung mga mata ko. Dahil sa heart broken sya at lasing pa, hinahayaan ko nalang syang tawagin akong Ezzy. Nakapikit lang ako habang inaalalayan nya akong maglakad. Maya maya ay huminto na rin kami.






Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now