-22- Beach.

6.6K 177 8
                                    

Yoona's pov


Nandito kami ngayon sa hindi ko alam. Basta sumama nalang ako. Pano sinama ako ni Renzo. Parang ewan nga 'tong si Renzo eh! Balik nanaman sya sa pag susungit nya saakin! Ewan ko ba kung ano nanaman ang nagawa ko. Pag gising ko nga ang sakit ng ulo ko eh. Hang over ata. Wala nga ko maalala eh. Kung pano ako nakauwi. Basta pag gising ko nalang nasa kwarto na ako.


Kanina nga nagulat ako kakagising ko lang tapos nandon kagad si Renzo. Sabi nya sakin mag empake daw ako kasi tatlong araw daw kami duon sa beach. Madami palang taga A.L.I.S dito. Andito rin sina Luhan, Dierk, Luis at si Clifford. Lahat sila merong kasamang babae. Hanggang ngayon hindi parin kami okay. Mamaya, lalapitan ko sya at mag sosorry ako. Kahit hindi pa nya ako pansinin.


Naglalakad kami ni Renzo papunta sa room namin. Share nga daw kami ng kwarto eh! Wala na kasing available na room eh. Kaya ayan! Share kami sa isang kwarto. Azar naman. Pero ang ganda dito sa beach na 'to! Mukhang mayayaman ang mga tao eh. Ang ganda ng buhangin, ang linaw ng tubig sa dagat, Napaka relaxing ng simoy ng hangin. Napaka sarap sa pakiramdam. Nandito na kami sa kwarto. Ang ganda din! Kita mo mula dito yung dagat sa pamamagitan ng bintana. Tapos yung kulay ng kurtina kulay light blue. Ang ganda sa paningin. Tapos ang laki ng kama. Ambango pa ng amoy. Humiga ako sa kama at wow! Ang lambot ang sarap matulog! Anong oras naba? 6:30 palang pala ng gabi.


"Nag text si Lim, labas daw tayo." Sabi nya. Lumabas na sya ng kwarto at sumunod naman ako sakanya. Hinahanap nya sila Dierk at di nag tagal ay nakita nadin namin sila. Naka paikot sila at nag tatawanan. Kasama yung mga babaeng kasama nila kanina. At may bote sa gitna nila. Alam ko na! Nag tru-truth or dare sila!


"Oh En! Tara sali kayo samin! Hahaha! Naglalaro kami eh." Aya ni Luis. Mukha ngang nagkakasiyahan sila. Gusto ko sanang sumali kaso mas gusto kong mag libot-libot.


Umiling nalang si Renzo bilang pagtanggi. Ang kaninang tingin nila kay Renzo ay napadpad naman saakin. Umiling nalang ako at saka ngumiti. Naiintindihan naman nila yun kung kaya't tinuloy na nila ang naudlot nilang ginagawa. Napatingin ako kay Cliff na nakatingin rin pala sakin. Umiwas kagad ako ng tingin. Huminga nalang ako ng malalim.


Ayoko din sumali. Gusto ko muna mag lakad lakad. Gusto kong maenjoy yung beach eh. Nag paalam naman ako kay renzo sabi ko mag lalakad lakad muna ako. Pero sabi nya naman samahan nya daw ako. Wala na kong nagawa.  Teka? Ano yun? Pumunta ako sa isang tindahan ng mga kaartehan. Hehehe jukk. Wow! Ang ganda naman nung kwintas! Sumunod naman saakin dito si Renzo.Ang ganda naman nung kwintas! Sa bilog sya na may nakapalibot na puso tapos sa loob nun merong puso! Ang ganda talaga! Kaso mukhang mamahalin kasi kumikinang kinang eh. Nilapitan ko yung nag titind para itanong kung magkano yung kwintas. Nagbabakasali na baka nagkakamali lang ako na mahal yun kahit halatang halata naman.


"Ate! Mag kano po ito?" Sabi ko sakanga. 25,000 lang naman daw ang presyo nung kwintas! Hala! Ang mahal naman! Wag nalang! Pero gusto ko talaga ang kwintas na 'to. Wala lang akong pera. Yung napanalunan namin sa contest, hinati namin ni Renzo. Ewan ko kung aanhin nya yun. Ako naman tinabi ko yung akin. Yung kalahati, tinabi ko para samin ni Gluriang. Tapos naman yung kalahati, ibinigay ko sa simbahan. Di ako nakapag dala ng sarili kong pera eh. Kaengotan  ko talaga. Couple necklace daw kasi yun kaya mahal. Buy 1 take 1 lang? Hahaha. Parang ganun na nga. Gusto ko yun talaga kaso wala naman akong magawa kaya heto inaga ko nalang si Renzo na umalis na.


"Tara na Renzo." Malungkot na sabi ko sakanya. Bago kami umalis, tinignan ko pa ng isang beses yung kwintas. Naglakadlakad na ulit kami. Dahil nga iniisip ko yung kwintas, may nakabangga akong babae.


Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now