-16- Teddy Bear.

5.4K 178 8
                                    

Yoona's pov

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nasan ako? Teka? Anong oras na ba? Tumayo ako mula sa kama at tinignan ang orasan, alas sais na pala ng gabi.





"Oh Grace, gising kana pala. Nandito tayo ngayon sa condo ko." Ah. Nandito pala kami. Napasarap ata ako ng  tulog. Siguro ay napagod ang mga mata ko kakaiyak. Habang naaalala ko ang mga nangyari, bumibigat ang loob ko. Napaupo ulit ako sa kama at bumuntong hininga.





"Hay nako Grace. Kumain na nga muna tayo. Sagot ko. Dyan sa malapit na restau lang. Tara." Sumonod nalang ako sakanya.






"Kumain ka ng kumain, pambawi manlang sa pagod kanina Grace. After nating kumain, ihahatid kita sainyo." Ambait talaga nitong si Dierk. Ginawa ko naman ang sinabi nya saakin. Isinantabi ko muna pansamantala ang mga nasa utak ko ngayon at kumain nalang ng kumain. Hindi na nga kami masyadong nakapag usap dahil kumain nalang kami ng kumain.





"Hay, grabe nabusog ako! Thanks Dierk ah!" Sabi ko sakanya at nginitian sya. Babawi din ako sayo Dierk pag may time. Pano kasi sya ang tumulong saakin.






"Walang anuman Grace. :)" Sabi nya at ngumiti. Sakabilang banda, naisip ko si Cliff. Paano nga kaya ako mapapatawad?







"Alamo, nakakaawa rin naman si Clifford. Naipit sya sa sitwasyon. Hindi nya alam na kayo na pala ni Renzo. Maging ako ay nagulat. Nasa gitna sya kung saan ang kaybigan nya at ang taong gusto nya. Ang hirap ng sitwasyon nyong tatlo. Hindi naman lingid sa kaalaman ko Grace na May gusto ka kay Clifford. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit si En ang sinagot mo, samantalang si Clifford naman ang gusto mo." Nabigla ako sa sinabi ni Dierk. Pa-pano nya nalamang may gusto ako kay Cliff? Ga-ganun na ba ako kahalata? Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang deal namin ng bwisit na lalaking 'yun.






"A-anong bang sinasabi mo Dierk? Hi-hindi ko gu-gusto si cliff. Kaybigan lang. Tara na nga! Inaantok na ka-kasi ako eh." Saka ako nag pekeng hikab. Nilihis ko ang usapan namin at mamaya madulas pa ako at masabj ko sakanya na PEKE LANG ANG RELASYON NAMIN ni Renzo. Napabuntong hininga sya saka tumayo. Binayaran na nya ang nakain namin at lumabas na kami doon.





Hinatid ako ni Dierk sa bahay. Nandito na ako sa tapat ng gate at nag papaalam kay Dierk. Umalis narin naman sya. Pagbukas ko ng pinto ng bahay, anong ginagawa ng bwisit nayan dito?! Sabagay bahay nya naman ito. Ang kapal nya talaga!




"Kanina pa kita hinahanap! San ka ba nag punta?!" Tanong nya sakin! Wow! So sya pa ngayon ang galit?! Huh! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to!



"Eh ano?! Wag mo nga ako pakialaman! Atsaka bakit ba?! Kung gusto ko umalis, aalis ako! Wala kang pakialam!" Sabi ko sakanya at dalidaling umakyat ng kwarto. Peste! Sya pa may ganang magalit!




Makapag bukas na nga lang ng facebook! Oo marunong na ako mag facebook. May laptop naman dito sa kwarto eh. Grabe! Andaming friend requests! Inaccept ko nalang lahat. Pindot dito pindot dun. May friend request din pala sakin si Cliff, Dierk at Luhan. Si Sungit? Matagal ko ng friend! -__________- Inaccept ko din sila lahat. Grabe sobrang nangawit yung kamay ko kaka pindot andami kasi diko na nga bilang sa dami eh. Nung tapos na ako, nag post ako. Para naman malabas ko yung sama ng loob ko.



"Maybe i don't hate you, maybe i just hate the things you did. Ano ba namang buhay 'to! -_______________-"



Nagulat ako ng ilang minuto pa ang dami ng nag like at nag comment.


Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now