-41- I wont give up on us.

4.3K 131 1
                                    

Yoona's pov

"Please Renzo. Maniwala ka naman sakin oh! Wag mo kong iwan. Please. Nagmamakaawa ko Renzo." Sabi ko habang nakayakap sa likod nya. Unti unti nyang kinalas ang yakap ko. Saka sya nagsimulang maglakad palayo. Unti unti ay nawala na sya sa paningin ko.

Hindi ko alam pero biglang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo nalamang ako habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha ko. Iyak lamang ako ng iyak. Bakit ba hindi naniniwala saakin si Renzo?! Na hindi ko alam na magkapatid sila ni Luther. Oo nasaktan ako nung malaman kong sya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay ko. Pero tapos na yun. Wala na sakin yun dahil mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Renzo.

Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi. Basta ang alam ko nalamang ang nasa tapat na ako ng gate. Pumasok na lamang ako na parang wala sa sarili. Umakyat ako sa kwarto ng hindi manlang lumilingon kila Gluriang at Lex. Kinuha ko ang cellphone ko at umaasang nag text manlang sya pero wala.

To: Babe Renzo! ♥

Renzo. Please?! Maniwala ka sakin. Nagsasabi ako ng totoo. Renzo, parang awa muna Renzo! Mahal na mahal kita. :'(

Message sent!

Napabuntong hininga nalamang ako saka umiyak ng umiyak. Nangangarap na sana, panaginip lamang ang lahat ng ito. Isang masamang panaginip lamang, na bukas paggising ko wala na. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Third person's pov

Hanggang ngayon ay magkaaway parin ang dalawa. Sina Lex at Gluriang. Nagpapalitan ng masasamang tingin ngunit hindi kumikibo para nadin sa kaybigan nilang si Yoona. Pero nagulat nalamang ang dalawa noong biglang pumasok sa bahay si Yoona na mugtong mugto ang mata at parang wala sa sarili. Hindi sila sanay na ganun ang kaybigan nila dahil sanay silang palaging masaya at parang walang problema si Yoona.

"A-ano kaya ang nangyari?" Bigla nalamang nabanggit ni Lex at napatingin kay Gluriang. Maski si Gluriang ay nagtatataka narin. Nagkibit balikat nalamang ito at parang may naisip. Mula sa kanilang tinginan ay mistulang nagkaintindihan na sila. Sabay silang umakyat ng hagdan. Papunta sila sa kwarto ni Yoona. Kakatukin na sana ni Lex ang pintuan pero pinigilan sya ni Gluriang.

"Hayaan na muna natin sya. Baka kaylangan nya munang mapag isa. Bukas nalang natin sya kausapin." Aalis na sana sila ngunit mula sa labas ng pintuan ay rinig na rinig nila an pag mga pag iyak ni Yoona. Nagkatingin sila at mula sa tinging yun, alam na nila. Kaylangan sila ngayon ng kaybigan nila. Kaylangan sila ngayon ni Yoona.

Samantala...

Heto ngayon si Renzo. Nagpapakalasing. Hindi alam ang gagawin. Sobrang syang nasaktan sa lahat ng pangyayari. Mahal na mahal nya si Yoona pero niloko lamang sya nito. Pinangako nya sa sarili nyang kakalimutan na nya ang lahat lahat ng namagitan sakanilang dalawa.

"Minahal kita ng totoo Yoona pero niloko mo lang ako! Simula ngayon, kakalimutan ko na ang lahat lahat!" Sabi ni Renzo habang ibinato ang hawak nyang bote. Kanina pa sya inom ng inom sa condo nya. Labis syang nasaktan sa nalaman nya.

Yoona's pov

"Renzo! Wag! Wag mo akong iwan! Wag kang sumama sakanya!" Sabi ko habang pilit na inaabot ang kamay ni Renzo. Pero mistulang bingi si Renzo at tinalikuran ako. Sumama sya sa isang babaeng hindi ko makilala dahil malabo ang imahe nito.

"Hahahaha! Saakin na sya! Ako ang pinili nya! Wala ka ng magagawa pa doon! Hahaha!"  Malakas na tawa ng babae habang yakap si Renzo. Hindi! Hindi ako papayag!

"Renzo! Renzo wag! Wag mo akong ipagpalit sakanya! Ako ang mahal mo hindi ba?! Wag kang umalis! Parang awa mo na! Wag mo akong iwanan!" Malakas na sigaw ko pero humarap saakin si Renzo at saka biglang ngumiti.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now