-14- Wala eh, Trip nila ako eh.

6.3K 195 9
                                    

Yoona’s pov

Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Mag aalas kwatro na ng umaga pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Marahil narin siguro sa pag-iisip ko sa offer ni renzo saakin. Hanggang ngayon wala pang nabubuong desisyon sa utak ko. Nagugulahan padin ako, nandito ako ngayon sa hospital, binabantayan parin si gluriang. Hindi pa sya maaaring lumabas eh. Nalaman kasi ng mga doctor nung nagsagawa sila ng mga tests noong isang araw na meron daw pneumonia si gluriang, dehydrated din sya at meron pang U.T.I si gluriang.

 



 Nakabili naman ako ng gamut nya, ang kaso isang piraso lang mula sa napakaraming reseta ng doctor. Ayan lang kasi ang nakayanan ng bulsa ko eh. Pano ba naman ang isang piraso ng gamot nya ay nagkakahalaga ng 700 peos, isang piraso palang yun ha. Nakautang naman ako ng isang libo sa mga kapit bahay namin. Pero ang iniintindi ko, san lupalop naman ako kukuha ng pambayad sa mga gastusin sa pang araw araw at pambayad ditto sa hospital pati narin ang pambili ng gamot ni gluriang. Hay bahala na nga. Meron akong nakapa sa bulsa ko at ng tignan ko ito ay ang iniwang papel pala ni renzo, yung may nakalagay na number nya.

 


Sinave ko muna yung number nya bago ko ito itext.

To: Mr. Sungit >___<

Alam ko na kapag sumagot na ako ng oo, wala ng atrasan. Pero sige, pumapayag na ako sa offer mo sakin. Pumapayag na akong magkunwari bilang Girlfriend mo.–Yoona.

Message sent!

 

Pagkatapos nun ay itinago ko na ulit ang cell phone ko sa bulsa at itinapon sa basurahan ang number nya. Lumabas muna ako sandali para bumili ng aalmusalin ni gluriang. Uuwi narin kasi ako mamayang 6:00 am. Magbibihis  pa kasi ako at saka papasok. Bumili ako ng tatlong lugaw. Baka kasi dumalaw sina nene sa hospital, para naman may makain sila. Pagkatapos noon ay bumalik narin ako sa hospital at iniwanan ang lugaw samay mesa. Lumabas nako sa kwarto nya at ibinilin sya sa nurse.








 Maya-maya nakarating narin ako sa bahay. Grabe ngayon ko naramdaman ang antok. Naligo nalang ako para kahit papano ay mawala ang antok ko. Mejo nahihilo ako, ganito ako kapag walang tulog eh. Nagbihis na ako ng uniform at nagsuklay, nag toothbrush narin ako. Niready ko narin ang mga gamit ko pagpasok. Nilock ko na ang pinto ng bahay at naglalakad papunta sa school. Para akong zombie. Inaantok talaga ako.






"Hi love ko!" Nagulat ako ng inakbayan ako ni Cliff. Hay ba't pa ba ko nagulat? Hindi ko namalayang nasa school na pala ako. Nginitian ko nalang sya, napansin kong ang daming nakatingin samin. Tsss bahala sila. Nadaanan na namin ang room ni Cliff, pero hindi parin sya humihinto sa paglalakad. Huminto ako at napahinto rin naman sya. Binigyan ny ako ng tinging nagtataka. Nginuso ko yung room nya at nagets nya naman ang ibig kong sabihin.







"Ahahah. Ihahatid muna kita love ko, bago ako pumasok." Hay, napaka sweet talaga ni Cliff. Kaya ko sya crush eh. Hihihihi kilig mats!





"Baka malate ka dahil hinatid mo pa ako." Syempre kahit gusto kong ihatid nya ako at magkasama kami, ayoko namang malate sya ng dahil saakin.





"Okay lang yun. Maaga pa naman eh, tara." Sabi nya. Wala naman akong magagawa kundi sumunod nalang sakanya. Third floor pa kasi ang room ko. Hindi ako mapakali kasi unang una, NAKA AKBAY SYA SAKIN. Alam mo pakiramdam? Bahala ka na mag isip! hahaha! Pangalawa, KINIKILIG AKO! Ahihihihi. Pangatlo, halos patayin na ako ng mga babaeng nakatingin samin. Siguro kung nakamamatay lang siguro ang masamang tingin, malamang nasa langit na ako ngayon. Nag he-hello kay lolo at kay Luther. Nag bubulungan sila pero hindi ko na iniintindi pa 'yun. Ang iniisip ko ngayon, masaya ako dahil kasama ko si Cliff.








Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat