-13- Tatanggapin o hindi?

5.9K 188 9
                                    

Renzo’s pov:

 

Gusto nyo bang malaman kung ano ang pinag usapan naming mahalaga? Eto lang naman. Ang haba naman! =______=

*FLASHBACK*

 

“Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin En?” Tanong ni flores. Pano ba naman mukhang naiinip na. Mukhang sila lang naman ni ching ang handang making saken eh. Pano ba naman etong si lim sobrang busy sa pagtetext at naka earphones pa! pustahan naka todo volume yan. Nakikipag text pa sa mga babae nya.

“Uuwi kasi si dad galling states. Gusto nya daw Makita si ezzy. Ang huling kita nya kay ezzy ay noong 9 years old palang sya. Ang  problema ko ay hindi ko pa nasasabing break na kami ni ezzy.” Napaka komplikado kasi kapag sinabi ko kay dad gustave na matagal na kaming wala ni Ezzy.

Masayang Masaya kasi noong nalaman ni dad Gustave, na kami na ni ezzy dahil una palang ay boto na sya rito dahil magkaibigan ang parents namin, hindi lang magkaibigan business partners pa. Kapag nalaman ni dad na break na kami ni ezzy baka sobrang madidisappoint si dad saakin baka atakihin pa sa puso si dad at yun ang pinaka ayaw kong mangyari. May nangyari kasi noon na talaga namang bumago sa buhay namin.

Nasa kitchen kasi ako noon. Naririnig ko ang pag uusap nila dad gustave and mom lucy excited na excited si mom lucy dahil sa unang pagkakataon may maipapakilala ng girlfriend si kuya. Wala pa kasi itong pinapakilalang babae kaya naman sobrang excited na si mom na malaman kung sino ang babaeng ito. Hanggang sa marinig nila ang boses ni kuya. Indikasyon eto na nandyan na si kuya at ang babae nya

-_______- wala naman akong pake sa kanya at sa babae nayun kayat hindi na ako nag atubiling sumilip pa sa sala. Ou, hindi kami magkasundo una palang ni kuya dahil palagi nalang sya ang magaling, perpekto, matalino sa mga mata nila mom and dad. Hanggang sa marinig kong nagsasalita na yung babae

“Good morning po.”  Narinig kong sabi ng babae. Tssss. Sinaksak ko nalang yung earphones ko kesa makinig at marinig ko pa ang boses nila. Hanggang sa nakarinig ako ng sigaw ni dad at ng mga maid namin. Kayat dali dali akong tumakbo papunta sa kinororoonan nila at nagulat ako sa nakita ko. Nasa sahig na si mom at duguan ang ulo nya habang sumisigaw si dad. At ang nakita ko lang ay ang pag takbo ng babae palabas. Tinignan ko si kuya pero nakatulala lang sya. Muli syang natauhan noong marinig nya na muling sumigaw si dad sa mga katulong namin na dalhin nga sa hospital si mom. Maski ako ay napatulala nalang sa nangyari. Tatakbo sana palabas si kuya pero napatigil sya ng marinig nya ang galit na galit na boses ni dad.

“Sige! Sundan mo ang babaeng yun! Wala kanang babalikan sa pamilyang ito! Kapag umalis ka, tandaan mo wag kanang babalik pa sa bahay na to! At kapag wala kanang makain, wag na wag kang lalapit saamin! Sige umali—“ Hindi na natapos ni dad ang sasabihin nya dahil hinawakan nya ang dib dib nya. Maski ako nagulat sa pangyayari pero agad kong inalalayan si dad. Nangiginig na ako sa kaba.

“Yaya! Ihanda ang kotse! Dadalhin natin sila sa hospital! Bilis!”  Tinignan ko ng masama si kuya! Sobrang galit ako sakanya nakatulala parin sya sa sobrang gulat pero agad din naming nawala noong marinig nya ang kotse. Tinulungan naman ako ng mga guards namin para dalhin sa kotse si dad and mom. Habang papunta kami sa hospital ay hindi ko maiwasan ang kaba.

Maya-maya pa ay nandito narin kami. Agad naming sinugod silang pareho sa emergency room. Napaupo nalang ako sa isa sa mga upuan don. Sana okay lang sila.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now