-32- Hindi ko keri! Omygas pulgas!

4.2K 117 9
                                    

Yoona's POV




"Yna, aaminin ko na." Sabi nya saakin. Oh? Anong nangyari sa lalaking 'to? Parang paiyak na eh!




"Ang alin nga?" Sabi ko. Kanina pa nya sinasabing aaminin na nya eh hindi naman nya masabi sabi! Bumuntong hininga sya saka binanggit ang mga salitang hindi ko inaaaahan na maririnig ko mula sakanya!




"Ahm. Argh! Ka-kasi. Okay heto na talaga. Ba-bakla ako Yna. Ba-bakla ang bestfriend mo." Literal akong napanganga! Lex?! Bakit?! Baka nagkamali lang ako ng rinig!




"A-ano ulit Lex?! Hindi kita marinig!" Saka ko inilapit ang tenga ko sa bibig nya para mas malinaw kong marinig ang mga sasabihin nya. Baka nagkamali lang ako ng dinig! Bumuntong hininga pa sya ulit bago magsalita.




"Sabi ko, bakla ako." Sabi nya. Tinignan ko naman sya na parang hindi ako makapaniwala. Nananagininip ba ako?! Sinampal ko ang sarili ko pero ouch ha! Masakit! So ibigsabihin totoo ang lahat ng 'to?!




"Ibig mong sabihin hindi ka tunay na lalaki?! Hindi ka tuwid?! Kumbaga kalahi ka ni Gluriang?! Eklabush ka din?! Joding?! Ganun?!" Sunod sunod kong tanong sakanya. Gulat na gulat parin ako! Sabihin mo hindi, sabihin mo hindi Lex!




"Oo. Kalahi ako ni Gluriang. Joding ako Yna!" Sabi nya saakin at boom! Hindi ko na kineri pa ang mga pangyayari at tugsh!




All went black.




Lex's POV




"Oo. Kalahi ako ni Gluriang. Joding ako Yna!" Sabi ko sakanya. Napatulala muna sya saglit saka ayun! Biglang bumagsak! Hinimatay ata sa big revelation ko!




Binuhat ko sya at inihiga muna sa sofa. Ang bigat naman ng bestfriend ko! Sarap ihagis nalang sa swimming pool! Pero jowk lang! Hahahaha! Ewan ko ba sa sarili ko kung ba't ako naging bakla. Dati naman hindi eh. Nagsimula yun ng wait. Aalalahanin ko lang.




*FLASHBACK*




Ano ba naman yan! Ang tagal naman ni coach! Kanina pa kami nag hihintay dito eh. First time ko nga palang sumali sa swimming. Sinali ako ni momski para daw mas gumaling ako. Halos kalahating oras na kaming nagaantay dito ng mga kasama kong lalaki at mejo naiinip narin kami.




"Sorry I'm late. May  emergency lang. So simulan na natin ang practice. Go go go!" Sabi nya sabay palakpak pa. Pumwesto naman kami at hinubad na nila ang mga damit nila. Napatingin ako sa katabi ko at boom! Abs! Hindi ko alam na nag dro-drool na pala ako sakanya.




"Dude? May problema ba?" Tanong nung katabi ko ng mapansin nyang nakatulala ako sakanya. Ba't ganun?! Anong nangyayari saakin?! Iniling ko nalang ang ulo ko at sa kakailing ko ay bigla nalang ako nalaglag sa tubig. Nung mga panahong 'yun ay hindi pa ako marunong lumangoy.




Dali-dali namang tumalon yung katabi ko at saka ako tinulungang umahon. Pinikit ko ang mga mata ko. Alam nyo na! Hihihi! Bala ipa CPR ako no! Kaya excited na excited kong pinikit ang mga mata ko.




"Dude?! Gising!" Sabi nung lalaki pero nagtulugtulugan ako. Eto na! Hahalikan na nya ako! Yes! Pero hindi pala 'yun ang gagawin nya kundi isang malakas na sampal ang nagpadilat saakin.




"Mabuti at nagising ka na! Pinag alala ko kaming lahat dito. Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong nya. Lumapit narin ang mga ibang kasama namin para i-check ako.




"Aray naman ha?! Makasampal wagas?" Pero lalaki ang pananalita ko nun ha! Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin at bigla na lamang akong tumakbo. Habang pumapasok sa utak ko ang realisasyong isa akong bakla. Hindi pwede! Hindi pwede! Siguradong itatakwil ako ng mga magulang ko pag nalaman nila! Napasuntok ako sa pader.




"Ah! Sh*t! Whoo! Whoo! A-aray! Ano banaman yan! Bwisit na pader 'to! Hindi ko naman alam na solid 'to! Ouch! Nabali ata ang aking magagandang hands!" Hanggang sa unti unti na hindi ko na matanggi pa sa sarili kong bakla ako. Kusa na syang lumalabas eh! Hindi ko na mapigilan pa!




*END OF FLASHBACK*



Maya maya rin ay nagising na si Yna. Ilang beses pa syang kumurap bago tumingin saakin at napa hinga sya ng malalim. Tinaasan ko naman sya ng kilay na abot hanggang kisame! Joke! Hahaha! Ano yan hook? Bigla naman nanlaki ang mata nya.




"Le-lex? Wag mo sabihing to-totoo yung napaniginipan ko?!" Gulat na gulat nyang tanong. Tumango naman ako at napatulala sya.



"Alam mo ba yung nawawalang lipstick ni Momski? Ki-kinuha ko 'yun Yna. Ang ganda kasi eh! San nya kaya yun nabili? Ay! Bagay na bagay sa aking lips!" Sabi ko saka hinawakan ang labi ko. Ako kumuha nun eh. Hehehe! Baka gumulong kanina nung nasa sala kami!




"Alam mo ba? Eto ah, aaminin ko sayo Yna. Crush ko yung boyfie mo! Yummy eh!" Napatingin naman sya saakin saka tumayo at kumuha ng tubig. Dire diretso nyang ininum 'yun.




"Grabe Lex! Hindi padin ako makapaniwala! Peste ka! Buong akala ko, hay ewan! Buhay!" Sabi nya saka napahilot sa sintido nya. Hahaha. Niyakap ko naman sya.




"Ayaw kong aminin sayo bestfriend kasi baka hindi mo ako matanggap dahil sa bakla ako. Pero sobrang saya ko kasi tanggap mo ako! Hay! Anggaan sa pakiramdam na naipapakita ko sayo kung ano talaga ako!" Sabi ko saka hinigpitan pa ang yakap ko sakanya. Niyakap naman nya ako pabalik. Ang saya ko kasi may kaybigan akong kagaya ni Yna na handang tanggapin kung ano talaga ako.



"Syempre naman. Kahit ano ka pa, tanggap kita. Na loka lang talaga ako at hindi ko na keri! My gas! Basta ha? Alam mo na ang mga limitasyon mo Lex." Sabi nya saakin saka humiwalay na ng yakap. Oo nga pala. Kaylangan ko ng tulong nya.




"Yna. Kaylangan ko ng help mo eh." Malungkot na sabi ko sakanya. Humiwalay na kami ng yakap saka umupo.




Sana. Sana matulungan nya ako.



itutuloy.



Authors note:

Yeah! \mm/ Nahulaan nya! Anggaling mo naman ate! ♥ Kaya ayan, update na ako! Sorry kung wala munang #ReYoo moments (Renzo&Yoona) Saka #Yooford moments (Clifford&Yoona) Sa ngayon kay Yoona and Lex muna tayo! HAHAHAHA. Abangan ang mga susunod pang updates kasi patapos na 'tong MEMMS eh. :D Hahaha.

Dedicated kay tantararantantan! @Dominque09 ♥ Pano mo nahulaan? Yieee anggaling mo! Bukas ko na talagang edededic sayo ah? Tab lang kasi gamit ko ngayon eh. Hihihi. Salamat sa humula. <3

VOMMENTS! (Vote&Comment) Wag kayo madamot plith? I need your feedbacks! Saka pag nakikita ko mga comments nyo, nakakagana yun mag update. Sana lang bigyan nyo ako. ♥ So pano enjoy! Mahal ko kayong lahat na nag babasa ng MEMMS! Kayong mga SUNGENGOT readers! Oha! Diba astig ng tawag?! Rakk talaga! Hahha! \mm/ Kahit talo HEAT, BGSM. SMCM. Masaya padin ako kasi wala. Hahaha. XD

Ingat kayong lahat kasi nakakatakot ngeyen! Friday the 13th! Awooo! Hahahaha. XD Ge na! Nababaliw na naman ako! Lovelots! Xoxoxoxo!

★ForevsAnji★

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon