-3- Who?

9.5K 296 58
  • इन्हें समर्पित: ukylike
                                    

Yoona's POV




Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.  Kumikirot iyung bumbunan ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa isa akong kwarto puno ng kulay puti.





Sandali? Napakurap kurap ako. Hindi naman ito ang kwarto ko ah. Teka? Nasa Heaven na ba ako? Wag naman sana madami pa akong plano sa buhay! Nananalangin ako nung biglang bumukas iyung pinto.



"Ma'am, Gising na po pala kayo!" Sabi saakin ng babaeng nakaputi. Teka shet?! Babaeng naka puti?!




"Jusko! Lumayo ka sakin white lady ka! Tulungan nyoko! San pedro nasan ka?!" Pero hindi ba langit ito? Bakit may babaing nakaputi?! Bakit may white lady sa langit! Sa lahat ng mga santo parang awa nyo na tulungan nyo po ako! Papaka bait na po ako promise!




"Nako ma'am! Hindi po ako white lady! Nagkakamali lang po kayo! Saka po huminahon po kayo!" Nako! Chinika pa ako nung white lady! Bakit madaldal iyung multo? Pero teka! Help me! Ilayo nyo ako sakanya!




"Wah! Lumayo ka sakin hawak ko a-ang bakal na krus! Tulong!" Sabi ko sabay tapat sakanya nung krus na nakuha ko sa may table. Aray, kumikirot ang ulo ko.




"Ma'am huminahon po kayo! Nandito po kayo sa hospital! Baka sumakit po ang ulo at likod nyo!" Nilibot ko ang paningin ko at oo nga 'no? Nasa hospital nga ako. Nakaka hiya ka Yoona!





"Ay hehehe ganun ba. Sabi ko nga nasa hospital ako eh. Ikaw naman ate hindi mo narinig hehehehe." Umupo nalang ako ng maayos. Agad kong binitawan iyung bakal na krus na hawak ko at nginitian sya. Kase naman ang puti-puti nya at iyung mukha nya namumutla parang may pundisyun. Iyun ba ang tawag dun? Iyung pampaputi at pampakinis ng mukha?




Ay si Gluriang nga pala. Iyung kapit bahay kong bakla. Close ko sya at parang kapatid na ang turing ko doon. Nakikitira na sya sakin ngayon at hati kami sa renta.




"Mabuti naman po at kumalma na po kayo, paki inom nalang po itong gamot nyo para hindi sumakit ang likod nyo at ulo nyo." Inabot nya saakin ang gamot at agad ko naman iyong ininom.




"Sandali po white la-- este ma'am nurse? Bakit po ako napunta dito?" Tanong ko kay ate ng maalala ko bigla si Fifi! Hala hindi pa sya kumakain!




"Nahimatay po kase kayo sa lakas ng pagkakahampas ng kahoy sa likod nyo. Buti at nadala kayo kaagad dito ng boyfriend nyo." Ha?! Teka?! Ang naaalala ko lang may nakita akong isang lalaking may hawak na kahoy. Pero ako? May boyfriend? Wala naman akong naaalala ah? Teka? Hindi kaya nabagok ako tapos may asawa ako tapos may kabit ako?! Pero impossible!




"Wah! Pero Hindi! Hindi maaari!" Nagsisisigaw lang ako doon. Paano nga kung ganoon?! Hindi pwede! Oh no!




"Ma'am! Huminahon po kayo! Jinojoke ko lang po kayo!" Napatigil ako sa pagsigaw. Ay si ate bukod sa white lady na, nurse pa, joker pa. Career na career teh?




"Hay nako ma'am buti at huminahon na kayo! Buti umubra iyung palusot ko ang gulo kase ng utak ng pasyenteng ito juskuday Naloloka ako! Mukhang malala na tama nito!" Ha? Ano para syang may binubulong? Ah baka nag o-orasyon? Hala! Nako baka kukulamin ako nito?! Ay teka si Fifi nga pala!





"Ma'am nurse? Pwede po pahiram ng cellphone? Tatawagan ko lang po sana ang kaybigan ko." Nakakainis kasi wala tuloy ako cellphone! Bwisit kasi iyung nag snatch eh!




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें