-35- Confession.

4.8K 121 1
                                    

Yoona's POV




Natapos ang mag hapon pero wala! Wala manlang syang ibinibigay na Moo saakin! Kaya nga heto mejo badtrip ang lola mo! Masyado kasi akong feelingera kaya ayan napapala ko! Hindi manlang ako hinatid ni Renzo pauwi ng bahay! Tapos kanina, nakita ko pa sya na may kasamang babae! At ang babaeng 'yun ay si Trixie Dela Vega! Sikat dahil sexy at model! Nakakainis!




"Oh? Ba't kunot na kunot ang noo mo?" Tanong saakin ni Lex. Nag kibit balikat na lamang ako at umakyat sa kwarto. Nga pala, wala si Gluriang dito. Nandun sa bahay ng boyfriend nya. Mga 2 weeks daw sya dun. Hay nako makapag facebook na nga lang!


500 friend requests.


400 messages.


800 notifications.


Grabe naman! Sabog na sabog ang facebook account ko! Kaylan ba nung huli kong nabuksan ang fb ko? Tinignan ko muna ang friend requests ko at kahit ang sakit sa kamay ay inaccept ko lahat! Wala ng tingin tingin! Accept nalang ng accept! Sunod naman ang messages. Grabe naman ang mga messages ng iba!




'Layuan mo na si Renzo! Akin lang sya no! Slut!'


'Hindi kayo bagay! Ang panget panget mo kaya!'


'Grabe isa ako sa number 1 fan ng ReYoo! Grabe nakakakilig kayo ate!'


'ReYoo na forever!'


Sa sobrang dami ay sumakit ang mata ko kaya hindi ko na nabasa pa ang lahat! Sumasakit na ang mata ko kaya't next time ko nalang bubuksan ang notifications ko at ang iba pang messages. Mag i-status nalang muna ako.




Assuming doesn't hurt. Expecting does.




Hay. Tama nga naman. Sakit eh! Bago ako matulog dahil wala naman akong mapapala, may dumaan sa isip ko kung kaya't tinype at sinearch ko 'yun.




Pano malalaman kapag may crush sayo ang isang tao?




Yan ang sinearch ko. Maraming lumabas pero may nakaagaw ng pansin ko. Ang nakalagay ay Ms. A meron pa nga syang ways para malaman kung nag che-cheat sayo ang asawa mo. Kaya't eto clinick ko na.




Ilang senyales na may crush sayo ang isang lalaki.




1. Nakatitig sayo. Yung feeling na, napatingin ka sa direksyon nya tapos magugulat ka nalang, nakatingin na sya sayo! Kapag naman nahuli nyang nahuli mo sya, aba syempre iiwas yan ng tingin! Siguro sa isang araw 3 or more mo syang nahuhuli! Nako nako girl, crush ka nyan!




2. Nilalandi ka palagi! Alamo yung bigla bigla ka nalang nyang aasarin. Para makuha nya ang atensyon mo. Tapos para kayong aso't pusa.




3. Eto ang pinaka! Lagi nyang kinukuha ang buhok mo para paglaruan. Hindi sya bakla ah! Alamo naman siguro yun. Kapag sabi nya aayusin nya, yung sinusuklay suklay nya pa, kinukulot kulot kahit hindi sya marunong ay nako alam na!




4. Pasimple ka nyang pinupuri. Halimbawa, 'Ang ganda mo ngayon ah! Ngayon lang! Hahaha.' 'Nice gumaganda sya. Anyare natitigan mo sarili mo sa salamin?' 'Ganda mo! Pag gabi lang! Hahaha.' Yang mga ganyan, lagi ka nyang napapansin. Pasimple pa sya pero pinupuri ka nyan.




5. Pasimpleng chansing! Hindi naman yung chansing na basta! Ahm ganto yan, pasimple ka nyang hinahawakan sa kamay. Halimbawa, 'Patingin nga ako ng kamay mo.' 'Mas malaki kamay mo kesa sakin hahaha.' 'Huhulaan ko kapalaran mo!' Yang mga ganyan. Pasimple pa pero tuwang tuwa sila deep inside kasi nahawakan nila ang kamay mo!




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon