-15- I HATE YOU RENZO ENCARNATION!

6.2K 175 10
                                    

Yoona's pov

Wala namang ibang nangyari saakin maghapon. Hanggang sa mag bell na nga at uwian na. Inaayos ko ang gamit ko. Nagsipag uwian na ang mga kaklase ko at ako nalang ang naiwan na mag isa dito. Binilisan ko nalang ang paglalagay ng mga notebook ko. Nakakatakot kasi eh huhuhu. Kaso sa kakamadali ko, nalaglag yung ballpen ko. Pupulutin ko na sana yun ng may kamay na pumulot sa ballpen ko! Na freeze ang buong katawan ko at hindi ako gumagalaw. Dyos miyo marimar! Sana hindi nalang ako tinulungan ng multo! Napaka baet naman nya at tinulungan nya pa ako huhu--

"Pssssssst!" Sa sobrang gulat ko ay napaupo ako sa sahig. Waahhh! Tinakpan ko agad ang mata ko. Hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako sa sobrang takot. Nagulat ako ng may maramdaman akong presensya na malapit saakin.

"Shhhh. Wag kanga umiyak dyan! Para kang engot! Sabagay engot ka naman talaga." Huh?! Nag angat ako ng tingin at nakita ko si renzo na nandito sa unahan ko. Pinunasan ko kagad ang luha ko at pinagpapalo sya!

"Aray! Ano bang problema mo?!" Tanong nya sakin. Patuloy parin ako sa paghampas sakanya, hanggang sa napagod na ako at ako narin ang kusang tumigil.

"Tinakot mo ako! Akala ko meron ng multo! Bwisit! Ikaw lang pala!" Sabi ko sakanya. Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng sobrang lakas hanggang sa napahiga na sya sa sahig katatawa at hawak pa nya ang tyan nya! -________________- Anong nakakatawa?!

Pero, Ngayon ko lang sya nakita na ganito kasaya,  Ang gwapo nya pala kapag naka ngiti. May kamukha talaga sya eh. San ko na nga ba nakita ang mukhang yan? Hanggang sa napagod na sya katatawa nya at tumayo narin habang pinapagpagan ang sarili.

"Pinulot ko lang ang ballpen mo dahil nalaglag, sinitsitan kita kasi para kang rebulto dyan! Hindi ka gumagalaw! Hahaha. Yun pala, yun pala ahhahaah! Tara nanga!" Tsssss. Eh sa natakot ako eh! Lumabas na kami ng room at dumeretso sa parking lot. Teka? Bat nga pala ako sumasama sa sungit na 'to?

"Sakay." Utos nya. Tinignan ko naman sya, na parang nagtatanong kung bakit ako sasakay dun. Tinitigan nya lang ako na dapat sumakay na ako. Hahahaha. Nag uusap kami sa mata? Hahahahah.

Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko nga alam kung saan ako dinadala ng sungit na 'to eh! Yaan nyo na may tiwala naman ako sakanya! Hahahaha. Hanggang sa huminto ang kotse nya sa isang bahay. Hindi lang bahay! Mansion! Ang ganda!

"Simula ngayon, dyan na kayo titira ng kaybigan mo. Nalipat ko ang mga gamit mo. Bukas tayo magsisimula ng pagpapanggap. Nga pala. May driver at may mga maids na dyan. Kung gusto mo dalawin ang kaybigan mo, sabihin mo lang kay manong jun, sya yung driver mo. So matulog kana okay? Ge alis nako." Bago pa man sya makaalis bigla nalang lumabas sa bunganga ko 'to.

"Sa-salamat Renzo. Si-sige, ingat ka pauwi." Namula ako sa sinabi ko. Ano banaman yang bunganga mo Yoona! Pero nagulat ako sa sinabi nya.

"Ang sweet naman ng Girlfriend ko." Nagulat ako. Naramdaman ko nalang na sobrang init ng mukha ko. Tinignan ko nalang sya hanggang sa makalabas sya ng gate. Bago sya pumasok sa kotse, nag wave muna sya saakin saka pinaharurot ang sasakyan nya. Napailing nalang ako. Ano ba naman tong puso ko! Parang hinahabol ako ng aso! Gutom lang 'to!

Pumasok na ako sa bahay at nagulat ako ng may limang babae na lumapit saakin. Isang mejo matanda na at apat na siguro konti lang ang deperensya ng edad namin. Sabay sabay silang nag bow sakin, at nginitian ako. Nag bow din ako sakanila at ngumiti.

"Ma'am. Kumain na po muna kayo. Nakahanda na po ang pagkain nyo." Sabi saakin ni manang. Yung mejo may edad na.

"Salamat po. Wag nyo na po ako tawaging ma'am. Yoona nalang po. Sige ho. Kain na ho tayo. Sumabay na ho kayo saakin." Napansin kong mejo napatulala sila saakin. Pero agad din namang nawala.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now