-43- Pain.

4.6K 136 1
                                    

Yoona's Pov.

Unti unti kong iminulat ang mata ko at nakasandal pala ako kay Luther. Gagalaw na sana ako ng maramdaman kong nakasandal din pala sya ulo ko. Anong oras na ba? Tinignan ko ang relo ko at 1:00 na pala ng hapon. Andami kong hindi napasukan na subject. Mistulang naramdaman ni Luther na gising na ako.

"Tara! Balik na tayo ng school." Inaya ko na si Luther. Bumalik na kami ng school. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Lakad lamang kami ng lakad pero may tumawag na babae kay Luther.

"Hey Grey! So? Kasama ka pala nila tita na bumalik?" Napalingon kami ni Luther sa likod nmin at boom! Talaga bang wala ng imamalas at isasakit ang araw na to?! Si Ezzy yung babaeng tumawag kay Luther at kasama ni Ezzy si Renzo.

"Oh! Ezzy?! Nandito ka din pala! Ah! I forgot! Ezzy this is Yoona and Yoona this is Ezzy." Tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Ezzy at parang may inaalala na hindi nya maalala. Pumeke na lamang sya ng ngiti saakin. Akala nya siguro hindi ko nahalata! Psh!

"Hi Yoona! Girlfriend mo Grey?" Mistulang nagulat din si Luther sa tanong ni Ezzy. Pumeke na lamang ng tawa si Luther at hindi naman nahalata ni Ezzy na iniiwasan ni Luther ang tanong nya.

"Guess what Grey! Kami na ulit ni Renzo! Hahaha!" Natatawang sabi ni Ezzy. Nagulat ako at napatingin kay Renzo. Huh! Ilang linggo! Ilang linggo palang simula ng nag break kami? Sana manlang kahit papano pinatagal nya manlang! Hindi manlang ako binigyan ng isang tingin ni Renzo. Naluluha na ako at parang napansin yun ni Luther.

"Hahaha. Congrats! Ahm, sige alis na kami ni Yoona. May date pa kami eh." Nagulat ako sa sinabi ni Luther napatingin sya saakin at kinindatan ako.

"Yiee! Hahaha sure!" Umalis na kami dun. So ayun. Nag umpisa ng rumagasa ang mga pesteng luha na to! So sila na pala ulit?! Grabe! Parang wala lang sakanya!

"Love ko! Grace! Yoona!" Nagulat ako ng yumakap sakin mula sa likod. Oh! Sila Clifford, Dierk, Luhan at Luis. Pinunasan ko naman kagad ang luha ko.

"Oh? San kayo galing at parang ngayon ko lang kayo nakita?" Tinignan nila ako na parang nag aalala. Malamang nakarating narin siguro sakanila yung balita.

"Oh! Ba't ganyan kayo makatingin ha! Hahaha!" Pumeke ako ng tawa pero alam ko namang hindi nila paniniwalaan yun eh. Tila napansin naman ni Dierk yung kasama ko.

"Grey?! Nandito ka din?!" Tila gulat na gulat na tanong ni Dierk. Napatingin naman bigla sila Clifford sa tabi ko at nagulat din ng makita si Luther.

"Ahm, yeah? Hahaha!" Biglang tumalon si Dierk, Clifford, Luhan kay Luther. Tanging si Luis lang ang hindi nakisali pero natatawa sya sa pinag gagawa ng kaybigan nya. Napahiga naman si Luther sa sahig at tawa sila ng tawa. Tumayo na sila at nagpagpag ng mga damit.

"Gosh! Kulang lang si prince Renzo at kumpleto na ang barkada!"

"Ang cute nilang tignan diba?!"

"Grabe! Ang gwagwapo shet!"

"Hay. Samin nalang kayo!"

Bulungan ng mga estudyanteng nasa paligid. Napailing na lamang ako sa mga pinagagagawa nila! Para silang mga bata! Hahaha. Pumunta kami sa cafeteria at duon nagkwentuhan.

"So magkakilala pala kayo nitong si Grace Grey?" Tanong ni Dierk kay Luther. Sumang ayon naman si Luhan pati nadin si Clifford. Si Luis? Ayun may sariling mundo! Tamang kinig lang sa music!

"Hahaha. Actually, hindi lang magkakilala." Pahayag ni Luther. Tamang kain lang ako at bahala sila sa buhay nila. Kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt