[MPG2>1-Dito ka lang]

11.8K 195 12
                                    

Si Uno:

"Eri!!!!!"

Napabangon ako bigla sa kama.

Panaginip lang pala.

Pakiramdam ko totoo pero wag naman sana. Hindi puede.

Nagbukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy. Naupo siya sa gilid ng kama ko.

"anak, kanina ka pa sumisigaw. Ayos ka lang ba?"

"masamang panaginip lang po."

"hmmm..o sya..wag mo nang isipin yun. Magbihis ka na at malelate ka na."

Oo pala pasukan nanaman.

Madami narin ang nagbago sa school.

Kaming siyam na ang magkakasama sa first section. Ewan ko ba biglang nagseryoso ang mga loko.

Si John, ayun mukhang naiinlababo nadin dun sa kaibigan ni Eri na nagtatrabaho sa bar niya.

Si Cisco naman mukhang nagkakamabutihan nang kapatid ni John.

Si Yano, kasama nadin sa student council para magkasama daw sila lagi ni Jade.

Si Caleb? Hindi ko alam. Magulo ang mokong nayun at wala akong balak alamin ang buhay niya >___>

Yung apat naman wala paring mga lablyp pero masaya naman sila.

==============

Papasok na ang sasakyan ko sa school.

Nakikita ko nanamang nakaabang lahat ng tao sa grounds.

Ewan ko ba kung bakit lagi silang nakaabang sa pagpasok ko tsk.

Huminto na ang sasakyan sa harap ng building at pinagbuksan ako ng bodyguard ko ng pinto.

Nakaabang na yung walo sa akin.

Bumaba ako sa sasakyan at naglakad sa gitna nilang walo.

Nang makalampas ako konti ay sumunod na sila sa likuran ko.

Nagtatabian ang lahat sa dinadaanan namin.

Dapat lang!

We are the Golden Spider. No one, uulitin ko. NO ONE has ever stepped on us.

Wala akong sasantuhin kahit sino pa yan lalo na kapag sinaktan nila ang mga taong pinapahalagahan ko.

Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha mula sa crowd ng estudyante na nakatayo sa may left side ko.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila.

Lahat sila nag-atrasan. Maliban lang sa isang tao.

Walang takot na nakatitig siya sa akin.

"hindi ka ba natatakot? Tanong ko."

"No, never."

"why?"

"coz you'll never hurt the one you love."

Napangiti ako ng husto sa sinabi niyang yun.

"lika na nga dito." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.

"ayoko."

"tsk. lika na."

"ayoko nga!!"

"isa,.."

"hindi ako bata!!!"

Kahit kelan ang tigas talaga ng ulo ng taong ito.

"sinabing dito ka eh!!"

"ayoko nga sab..."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

Agad kong dinikit ang labi ko sa labi niya.

"sira ka talaga Uno!!!" angal niya.

"kasalanan mo naman! Tigas ng ulo mo!"

Binelatan niya lang ako.

Napangiti nanaman ako.

"lika na nga dito"

Nilagay ko ang bawat daliri ko sa spaces ng kamay niya.

"hinding hindi kita bibitawan..kahit anong mangyari...dito ka lang Eri.."

======================

Now that Eri and Uno are dating, can Eri really take Uno's gangster personality? Will Eri's change of status and past affect their relationship? Find out. Madami pong nangyari nung mga bata pa sila. Naalala niyo po nung b-day ni Uno nung book1? Diba may binigay na susi yung lolo niya sa kanya? Para saan kaya yun? Wahahaha..find out...

Yahey! \*_*/. Ayan na ang start ng book 2. Sana po magustuhan niyo ito. Promise all comments will be accepted. Wehehehe...sorry sa pagsusungit ko dati. Anyways, have fun reading. Leave comments po ha. Suggestions are open po.

Love lots

~'MarianaLiang

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon