[MPG2>2-Talagang talaga?]

9.7K 154 3
                                    




Si Eri:

"miss Miksha.."

"Eri, please..Eri ang itawag mo sa akin."

"aaahh..opo. miss Eri nakahanda na po ang sasakyan sa labas."

"sige susunod na ako."

Lumabas na ng kwarto ko yung kasama namin sa bahay.

Napahinga ako ng malalim. Kelan ba ako masasanay sa bagong buhay ko? Mas gusto ko pa noon na nagtatrabaho ako ng husto. Ngayon, eto wala akong ginagawa at lagi akong pinagsisilbihan. Hiniling ko kay lolo na bumalik ako sa bar para magtrabaho. Buti na lang at pumayag siya.

Inayos ko na yung bag ko at sinabit sa balikat ko.

Lumabas na ako ng room ko at sumakay sa sasakyan.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Naisip ko kasing makikita ko nanaman siya.

Si Uno. ^_______^

================


Si Hena:

"Caleb! Saan ka pupunta?"

"teka lang honey babe, tawag kami ni Uno."

Ayun kumaripas na ng takbo. Naiwan tuloy ako dito sa may bench mag-isa.

Haaayy..

Ano nanaman kaya ang kailangan ni Uno sa kanila?

Teka...gusto ko ng singkamas aah.

May singakamas kaya ngayon?

Makapunta nga muna ng cafeteria.

=====================


Si Eri:

"Oh manong bakit kayo lumiko? Dito po ang building ko."

"miss Eri, ikot na lang po tayo. Mukhang may gulo po eeh."

"huh?"

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan.

O______________O

"ihinto mo ang sasakyan"

"pero miss.."

"ihinto niyo sabi!!!"

Agad akong bumaba ng sasakyan pagkahinto nito.

Naabutan ko ang benteng lalake na nakahiga sa grounds at bugbog sarado.

Andun ang mga gagamba.

Tawa ng tawa.

"Sa susunod kilalanin niyo ang babanggain niyo!" maangas na sigaw ni Uno dun sa mga lalake.

"tsk, mga sira eeh noh tayo pa talaga" Yano

"haha..yaan niyo na exercise din yan" Caleb

"haha..tama" Cisco

"dap..." napahinto sa pagsasalita si Uno nang magtama ang mga mata naming dalawa.

Pinilit ko na lang ngumiti. Tumalikod na ako para kunin ang bag ko sa sasakyan at dumiretso na ako sa room ko.

Ang aga aga nambubugbog nanaman sila.

Nakakainis!

Nadatnan ko si Hena na nakaupo sa table niya at kumakain ng chocolate.

Pumutol ako ng konti at umupo sa tabi niya.

"ano ba Eri akin yan!"

"Hena.."

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon