[MPG2>44-Kero keroppi]

4.4K 84 15
                                    

Eri:

"Good morning Eri!!!!!" agad akong niyakap ni Hena pagdating niya sa school.

"waahh Hena.."

"miss kita bespren hahaha.."

"ang saya mo ata?"

"syempre naman!!!"

"honey babe!!!"

Napalingon kaming dalawa.

Oo nga naman masaya si Hena dahil kasama niya yung lalakeng mahal na mahal niya.

Naupo kami ni Hena sa may stairs ng building at ganun din si Caleb.

Maya maya pa ay dumating na yung ibang myembro ng mga gagamba at kasama din ang mga partners

nila maliban na lang kina Benj, Renn at si John na mukhang ngayon hindi parin sila okay ni ate Kimmy.

Haaayy...kailan kaya sila magkakaayos?

Si Yumi naman halatang umiiwas sa akin.

Medyo malayo sila pumuwesto ni Cisco.

Mukha kaming magpapapictorial sa itsura namin sa may hagdanan. =_____=

"asan na kaya si Uno? Siya pa naman tong nagsabing agahan pumasok kahit may meeting ang teachers!" Chuck

"oo nga! Asan na ba ang lokong yun?" Mino

Tumayo si Caleb sa harap naming lahat.

"alam niyo naman si bossing nagpapagwapo pa siguro yun hahahaha...medyo nabroken hearted eeh baka inaayos pa yung sarili kakaiyak kagabi alam niyo naman medyo iyaking bata ahahahahahahaha"

Walang nakitawa sa joke ni Caleb

"o bakit hindi kayo tumatawa? Mabenta naman ang ganitong joke senyo!!"

Paano naman kaya kami tatawa eeh nakatayo na si Uno sa likuran ni Caleb.

"uyy...boring niyo!!" Caleb

Ngumuso si Cisco para ituro si Uno na nasa likuran niya.

Agad naman itong nagets ni Caleb.

"nasa likod ko no??"

=_________=+++

Agad namutla si Caleb.

Tatakas sana siya pero biglang inipit ni Uno yung leeg ni Caleb sa loob ng braso niya at ginulo ang buhok nito.

"uuyy buhok ko Uno wag yan!!"

"iyakin pala ha!!!!"

"aray Uno tama na!!!!"

Sabay malakas na nagtawanan ang lahat.

Para ring bata si Uno.

Nabigla ako nang biglang tumingin sa akin si Uno.

"Kero keroppi!"

>///////<

Tumigil ang lahat sa pagtawa at tumingin sa akin.

Agad na namula ang mukha ko kaya naman yumuko na lang ako.

"hanla anong meron???" Yano

"ang pula ni Eri haha" Jade

"anong kero keroppi boss?" tanong ni Caleb nung pinakawalan siya ni Uno.

"kay Eri niyo itanong"

 "ano yun??" John

"oo nga share naman!!" Mino

"ano yun Eri??" Hena


Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon