[MPG2>85- Orientation]

301 10 0
                                    

Si Eri:

*knock knock*

"Apo?"  Bungad ni lolo pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko.

Nakaupo lang ako sa kama.

Walang tigil ang mga luha ko.

Umupo si lolo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Apo, alam kong sinaktan ka ni Uno pero eto na ba talaga ang gusto mo?"

"Nagawa niya akong iwan lolo. Paano kung ulitin niya lang yon. Hindi ko na kkayanin."

"Kaya sumusuko kana?"

Napatingin ako kay lolo.

"Natatakot na po akong masaktan ulit"

"Sa pagmamahal, masasaktan ka talaga. Kasi kung hindi mo siya mahal hindi ka masasaktan. Gets mo naman ako diba?"

Natawa ako bigla kay lolo.

"Ayan ngumiti ka na rin" sabi ni lolo.

"Si Yuno lolo. Siya ang nagpapasaya sa akin ngayon."

"Kung yan ang desiyon mo, susuportahan kita."

Niyakap ako ni lolo.

"Thank you po."

Tumayo si lolo at lumabas ng pinto pero huminto siya bago isara ng tuluyan ang pinto.

"Kung ganon kailangan ko nang paalisin si Uno sa baba."

Si Uno??

Naririnig ko mula aa bintana na malakas ang ulan.

Walang tigil simula pa nung nagusap kami.

Agad akong tumayo at sumilip sa bintana.

Andon si Uno.

Nakatayo sa harap ng bahay.

Basang basa ng ulan.

Lalayo na sana ako sa bintana nang mapansin kong lumabas si lolo.

May sinabi siya kay Uno.

Tumango lang si Uno.

Tinapik ni lolo ang balikat niya.

Pagkatapos ay sumakay na ng sasakyan si Uno at umalis.

Ito na siguro ang huling beses na makikita ko si Uno.

Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.

————————

Si Hena:

"Honeybabe!!!"  Sigaw ko

Agad namang pumunta sa kusina si Caleb.

"Oh bakit honey babe? Okay ka lang? Anong nangyari?"

"Ano kaba! Kakain na kaya kita tinawag"

Hinalikan ako ni Caleb sa pisngi at naupo na kami sa dining.

"Uhmmm Caleb."

"Yes honeybabe?"

"Kumusta si Uno?"

"Hmmm di ko masabing ok siya"

"Sa tingin mo magiging masama ako kung mas gugustuhin kong maghiwalay nalang sila ni Eri?"

Napatingin sa akin si Caleb.

"Bakit naman?"

"Kasi nakikita kong masaya si Eri ngayon. Ayoko na siyang masaktan."

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon