[MPG2>17-To Protect You]

6.2K 91 9
                                    

Eri:

Naramdaman ko na para bang may nakabara sa aking lalamunan..

Kaya naman pagmulat ng mga mata ko ay walang tigil ang aking pag-ubo.

"Eri"

Agad akong niyakap ni Hena.

"ayos ka lang ba Eri?" Hena

Wala pa ako sa katinuan kaya hindi ako makapag salita.

Napatingin ako sa aking kamay.

Naalala kong may humawak sa kamay ko.

Hinila niya ako..

Iniligtas niya ako..

"u....no...." masakit ang aking lalamunan.

"U..no..."

Napatingin silang lahat sa akin.

"si..Uno..."

Binitiwan ako ni Hena.

"iniligtas ako ni Uno...asan si Uno??"

Nagkatinginan silang lahat.

Pinilit kong tumayo pero pinigilan ako ni Yano.

"kami na Eri, magpahinga ka muna."

Napatingin lang ako sa kanya.

Agad silang nagsitalon sa tubig.

Siya at ang iba pang mga myembro ng gagamba.

Please hanapin niyo si Uno...

Please...

Ilang minuto din ang lumipas nang nagsiangatan na sila.

Wala paring nakakakita kay Uno.

"OYYYYYYY!!!!!!!" napatingin kaming lahat kay Benj.

Siya ang huling umahon sa kanilang lahat.

Kasama niya si Uno.

Agad silang nagsilapitan sa kanya at nagtulungan na maiahon si Uno.

"Uno!!!"

Ginagamot ako ng ilang bodyguard ni Uno na may first aid kit kaya medyo malayo ako kung saan nila sinakay si Uno.

Dali dali nilang dinala si Uno sa hospital.

Kailangan ako ni Uno.

Alam kong kailangan niya ako.

Agad akong tumayo at tumakbo.

Kailangan ako ni Uno.

"UNO!!!!!"

hinabol ko yung sasakyan.

Kailangan ko....

Kailngan kong....

Naramdaman kong biglang may humila sa kamay ko kaya naman napatumba ako sa taong humila sa akin.

"magiging okay din si Uno..."

"Hena..."

Hindi ko na napigilan pa ang iyak ko..

Niyakap ako ni Hena...

Si Uno...

=====================


Yano

Nakatingin lamang kaming lahat nang habulin ni Eri yung sasakyan...

Walang nagsasalita..

Walang kumikilos...

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon