[MPG2 > 75- Amusement Park 2]

423 15 3
                                    

Si Eri:

Siya yung kuya don sa may bar ni John.

Grabe ang bango bango niya talaga.

Tapos ang gwapo!

Ang kinis din ng balat niya *_____,*

"So cat lady, hanggang kelan moko tititigan?"

Narealize ko na nakasabdal nga pala ako sa kanya at ang malala NAKTITIG AKO

>\\\\\\<

Agad kong inayos yung sarili ko.

"Aah pasensya kana"

"Uuuuwaaaaaaaa" napatingin ko kung saan nanggaling yun.

Yung batang natamaan ko ay umiiyak.

"Halla! I'm sorry!!!"

Lumapit ako dun sa bata at sinubukan siya patahanin pero wala talaga.

Umiiyak siya don.

"Uuuwaaaa uuuuwaaaa"

"Wag ka nang umiyak. May masakit ba sayo? Tama na. Sorry na. Hindi sinasadya ni ate Eri yung nangyari."

Ano na ang gagawin ko!?!!?

Ayaw tumigil nung bata.

Maya maya pa ay lumapit din si kuya dun sa bata.

May kinuha siya sa bulsa niya.

Naglabas sya ng lollipop.

"Gusto mo sayo na lang to?"

Mejo napatigil yung bata at tumingin dun sa lollipop.

"Ibibigay ko sayo to kapag tumigil kana sa pag-iyak."

At parang magic na tumahan yung bata.

Kinuha niya yung lollipop at ahad itong binuksan.

Ginulo naman ni kuya yung buhok nung bata.

" O wag kanang magalit kay ate Eri ha"

"Oo kuya. Moommmyy!!!"

Agad tumakbo yung bata doon sa babaeng palapit sa amin.

"Ginulo ba kayo nitong anak ko? Pasensya na kayo ha." Sabi nung babae

"Aah hindi naman ho." Sagot ni kuya

"Salamat ha. Pasensya nadin sa abala"

"Wala ho yun" sagot ulit ni kuya

"Nako iha alam mo bagay kayo nitong boyfriend mo. O sya mauna na kami."

At unalis na nga si ate.

Nabasa niyo yun diba??

Boyfriend daw!!

As in... BOY...FRIEND

>\\\\\<

Humarap sa akin si kuya.

"So Eri pala ang pangalan mo."

"Ha? Paano mo naman nalaman yun"

"Diba sinabi mo dun sa bata kanina?"

Ahhhh oo nga naman Eri!!

"Anong ginagawa mo dito sa amusement park nang mag-isa?"

"Aaah may kasama ako. Iniwan ko lang sila. Maghahanap kasi ako ng makakainan. Ikaw bakit ba mag-isa ka?"

"May kasama din ako. Iniwan ko lang kasi maghahanap ako ng makakainan." Si kuya sabay smirk.

Ginagaya mo ba ako!?!!

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon