[MPG2>89 - Final Chapter Part 1 ]

383 10 1
                                    

Si John:

Papunta ako sa bahay ni Uno sakay ang motor ko.

Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa amin.

Di rin sumasagot sa mga tawag namin.

Pagdating ko dun ay naabutan ko si Uno na pinupulbos yung punching bag na nakasabit sa gym nila.

Halos mabutas na yung punching bag.

"Maawa ka jan Uno. Kung tao yan baka patay na yan."

Ngumiti si Uno at sumipa ng malakas sa punching bag.

Yun na yun. Nabutas at bumuhos ang laman nung bag.

Kumuha ng tubig si Uno at saka humarap sa akin.

"Ginagawa mo dito?"

"Tagal mong di nagpakita yan lang sasabihin mo sakin?"

"Tsk."

Lumapit ako kay Uno at inabot ang isang envelope.

"Ano to?"

"Buksan mo para malaman mo."

Kinuha niya ang envelope at binuksan.

"Pinapabigay sayo. Dinala yan sa bar ko."

"Baliw talaga yun. Ininvite pako sa birthday party niya."

"Pumunta ka Uno."

"Tsk. Bakit ako pupunta dito? Magaaksaya lang ako ng oras."

Tinapon ni Uno yung invitation at naglakad palayo.

"Pumunta ka para kay Eri."

Napahinto si Uno sa paglalakad.

"Yung gag*ng yun ang pinili ni Eri. Bahala na sila."

"Pinacheck ko lahat ng cctv sa bar. Mukhang pinagplanuhan at pinuntirya talaga ni Yuno si Eri."

Humarap sa akin si Uno.

"Nung una, may isang lalakeng umiinom lahi sa bar na pumepwesto malapit sa VIP seats. Pinapanood tayo. Pinapanood si Eri."

"Tapos si Yuno naman. Laging nauupo dun sa mismong pwesto ding yon. Nanonood lang."

"Hanggang sa nakita niyang kumabas ng bar si Eri at sumunod siya."

"Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari. Basta ang alam ko, sinadya ni Yuno nagkakilala sila ni Eri."

Sa galit ni Uno ay pinisil niya ng husto yung water bottle na hawak nya.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin to John?"

"Dahil hindi pa ako sigurado nung una. Isa pa, hindi ko alam kung anong plano ni Yuno. Nakalaban natin sila dati pero wala namang malalim na rason yun."

"Hindi ko din alam kung anong plano ni Yuno."

"Nauna na sila Caleb at Yano sa party. May pinuntahan lang sila Renn at Chuck. Buti pa mag-ayos kana."

————————-
Sa Party:

———————-

Si Uno:

Punong puno ng tao ang lugar.

Asan ba si Eri!?!?

Nag-ikot ikot ako para hanapin siya.

Pagdating ko sa may likuran ay biglang huminto ang tugtog.

Tinignan ko yung stage. Nakatayo dun sila Yuno at Eri.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon