[MPG2>12-Maghintay]

6.1K 89 5
                                    

Uno:

"young master Uno." Nagbow sa akin yung isa kong bodyguard.

"ano?" iritadong sagot ko.

"sir, ayon po sa team na pinadala niyo kina miss Er..."

"wag mo nang banggitin"

"uhm...sir hindi daw po umuwi kagabi."

Napatingin ako sa kanya bigla.

"saan nagpunta?"

"wala pong nakakaalam sir. Hindi daw po nakitang lumabas ng school. Kahit daw po yung driver na

dapat susundo sa kanya ay hinahanap din si miss Er.."

"sabing wag banggitin!!"

"sorry sir"

Nawawala si Er...hmmm..

Kinuha ko na yung coat ko at agad na sumakay ng sasakyan.

Saan ka ba nagpuntang babae ka?

=====================

Caleb:

"good morning po daddy" bati ko sa daddy ni Hena.

Open naman na kasi ang relasyon namin kaya daddy na ang tawag ko sa daddy niya at ganun din siya sa

parents ko.

"oh Caleb naparito ka"

"opo. Susunduin ko po sana si  Hena"

"si Hena? Hindi ba kayo magkasama?"

"hindi po."

Napatayo bigla ang daddy niya

"kung ganon...nawawala ang anak ko!?!?!?!?!"

=================


John:

Pagpark ko ng sasakyan eksakto namang nagpark din sa tabi ko si Uno.

Andun nadin sa may parking lot yung mga iba. Mukhang tinawagan sila ni Uno.

Bumaba na kami ng sasakyan. Nagkatinginan kami ni Uno at halatang seryoso din siya

"nawawala si Hena" pambungad sa amin ni Caleb

"si Jade din. Alam niyo yan" Yano

"Oo. Nawawala din sina Kimmy at Yumi"

Napatingin bigla sa akin si Cisco

"si Yumi???" Cisco

"ganun din si Eri" napatingin kaming lahat kay Uno.

"pati siya??" Renn

"buti tayo walang mga love life" Chuck

"oo nga. Haha..." Benj

"pero kahit wala..sama kami dyan. Basta bugbugan" Mino

"mga ugok!!" Yano

"pansinin niyo. Lahat ng babaeng importante sa atin nawawala. Si Jade kay Yano, si Hena kay Caleb, si Yumi kay Cisco, si Kimmy kay John at si Eri...may kinalaman dito ang isa sa mga kaaway ng grupo natin" Uno

"mukhang ganun na nga. Pero sino?" John

"hindi ko din alam pero siguradong tatawagan nila tayo. Wala na tayong ibang magagawa kundi ang maghintay at hilingin na wala silang gawing masama sa kanila."

Sumang ayon kaming lahat sa opinyon ni Uno.

Sana nga ay ayos lang sila.

=========================


Uno

Hindi na kami nagsipasok sa mga exams namin dahil baka kahit anong oras ay puedeng tumawag ang mga dumukot kina Eri.

Dumiretso kaming lahat sa tambayan.

Nakatayo ako sa may bintana at pinapanood ang bawat patak ng ulan na tumutulo.

Eri...

Sana ayos ka lang...

===================


Eri:

Hmm...dinilat ko ang mga mata ko.

Asan ba ako?

"Eri.." nabigla ako nang biglang may yumakap sa akin.

"ate Kimmy?"

"Oo Eri. May dumukot sa amin."

"sa amin?"

Tinignan ko ang paligid.

Teka..

"Yumi, Jade Hena????? Kayo din??"

"Oo Eri. Pero mukhang si Jade ang pinakamatagal dito. Nadedehydrtae na siya Eri." Yumi

"teka, may mineral water ako sa bag ko..asan na ba yung bag ko??"

Nagpalingon lingon ako.

Pero wala kahit isang gamit.

Nasa loob kami ng isang kwarto na may isang maliit na bintana at isang maliit na bumbilya para sa ilaw.

Agad akong tumayo at lumapit sa pinto.

Nakalock ito.

Sinubukan kong hilain pero wala talaga.

"Hoy!!! Buksan niyo to!!! Pahingi kami ng tubig!!! Please?? Manong!!!!" malakas na sigaw ko sa pintuan.

"tama na Eri."

"pero Hena.."

"ayos lang ako Eri.." mahinang sabi ni Jade.

Huminga ako ng malalim.

"sigurado akong ililigtas tayo nila John." Yumi

"Oo naniniwala ako sa kanila." Kimmy

Nilapitan ko yung nag-iisang bintana ng kwarto.

Hindi ko napigilang hawakan ang salamin.

Napakalakas ng ulan sa labas.

Uno...

Natatakot ako..

Uno...

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon