[MPG2>5-Amoy palengke]

7.2K 104 5
                                    

Si Eri:

"Uno...hin.."

"ssshh..alam ko namang namiss mo tong lugar na to."

Hindi ako makapaniwalang andito ako ngayon sa dating bahay namin.

Yung bahay na tinirhan ko dati. Wala nang nakatira dito ngayon pero maayos parin ang itsura niya.

"tara pasok tayo." Hinawakan ni Uno ang kamay ko at hinila papunta dun sa bahay.

Pumasok kami sa loob.

Hindi ko maiwasang mapaluha.

Naalala ko bigla yung mga nangyari sa bahay na ito.

Kahit na kidnappers ko sila, hindi naman nila ako pinabayaan at minahal pa nila ako na para bang sarili

nila akong anak.

"naisip ko kasi na baka namimiss mo  na ito.."

Bigla akong tumakbo palapit kay Uno at niyakap siya..

"thank you Uno...sobrang thank you.."

Naramdaman kong nilagay ni Uno ang mga kamay niya sa may baywang ko at nilapit pa ako sa kanya.

Titignan ko sana siya sa kanyang mga mata kaso pagtingala ko, nakatingin pala siya sa akin.

Kaya naman...

O3O

Nagdikit ang mga labi namin!!

====================


Si Caleb:

"Honey babe!!!" ^______________^

Ay teka..asan siya???

Nagpunta ako sa kusina, pero wala.

Sa banyo, wala.

Sa kwarto, wala.

Asan ba siya?

Maliit lang naman itong condo ko para mawala siya diba?

"HONEY BABE!!"

Wala talagang sumagot.

Asan ba siya???

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tinawagan siya pero hindi naman sumasagot.

'haaayy..

Mas mabuti sigurong hintayin ko na lang siya sa baba.

Lumabas ako sa condo at nag-antay sa pagdating ng elevator.

TING.

Pumasok na ako nang umabot ito sa floor ko.

"Caleb??"

Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko.

Nabitawan ko pa yung cellphone ko nang makita ko siya.

"Jana!?!?!?!"

==========================


Si Eri:

Magkahawak ang kamay namin ni Uno ngayon habang naglalakad sa palengke.

Oo tama po.

Namamalengke kami ni Uno ngayon.

Ipagluluto kasi namin sila mama at papa.

Ngayon kasi ang uwi nila galing America. Pinagamot kasi si papa doon.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon