[MPG2>22-HenLeb]

6.1K 85 3
                                    

Hena:

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung huli kong nakita at nakausap si Caleb..

Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko parin maiwasan na hanapin siya.

Kapag nakakasalubong ko kasi yung mga gagamba eh wala naman siya.

Nagtanong tanong din ako ay ilang araw na siyang hindi pumapasok.

Asan na kaya siya?

Ano na ba ang nanyare sa kanya?

"Hena, uhm okay ka lang ba?"

"ha? Oo naman Eri"

"uhm kasi yung pagkain mo Hena"

Tinignan ko yung plato ko.

Durog durog na yung fish ko tapos yung kanin nahulog na sa plato.

=____________=

Wala na akong pagkain..

"okay lang yan Hena share na lang tayo sa food ko."

"hindi na Eri, bibili na lang ulit ako hehe..wait lang.."

Kinuha ko na yung wallet ko at tumayo.

Pag-ikot ko may kaharap pala ako at nabangga ko siya.

"sorr.."

Hindi ko na tinuloy yung sorry ko.

Naglakad na lang ako palayo.

"I gotta find a way out...maybe there's a way out..."

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang kumanta si Caleb..

"Your voice was the soundtrack of my summer, do you know you're unlike any other..you'll always be

my thunder..."

Naramdaman kong nasa likod ko na siya..

Pinagtitinginan narin kami ng mga tao sa cafeteria..

"and I said.."

Naglakad siya papunta sa harap ko..

"your eyes are the brightest of all the colors...I don't wanna ever love another..you'll always be my

thunder.."


Flashback

Nakahiga kami ni Caleb sa damuhan malapit sa ilog..

Nakahiga siya sa braso niya at nakatingin sa akin..

"hmm...ano ba ang paborito mong prutas ha honey babe?"

"hmm..singkamas hehe..ikaw ba Caleb? Este honey babe"

"hmm..ikaw ata hehe"

Pinalo ko ang braso niya,.

"eeh sa kanta..anong paborito mo?"

"hmm." Nag-isip ako saglit..

"alam mo ba yung thunder ng boys like girls?"

"ano yun?"

"grabe Caleb! Hindi mo alam yun?"

"hindi eeh hehehe.."

"lolo Caleb"

"haha..wala naman akong alam masyado na kanta. Isa pa hindi naman ako kumakanta"

"achuchu..palusot"

Naglean si Caleb at dinikit niya ang ilong niya sa ilong ko..

"pero kung para sayo puede akong kumanta any time.."

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon