[MPG2>40-Renn-Chuck vs. Uno]

4.7K 71 6
                                    

Chuck:

Pagdating ko sa lugar kung saan naghahamon yung nagtext sa akin ay may kasabay

akong sasakyan.

Pagbaba ko ay nagkatinginan kami.

Si Renn!

Nakatingin lang din siya sa akin pero pareho kaming nadistract nang malapitan namin yung mga nag-aabang sa amin.

Sila Uno John at Benj ang tumambad sa harapan namin.

Lahat kami ngayon ay nakatingin na kay Uno..

"anong ibig sabihin nito Uno?" Renn

"ilang taon na ang nakaraan...dito din yun.."

Tinignan ni Uno ang paligid.

Kaya pati kami ay napatingin nadin.

"sa lugar na to may nakilala akong dalawang bata...mayayabang sila na halos lampasuhin ko dahil sa

sobrang yabang! Sabi nila mas magaling at mas malakas sila sa akin kaya pagnakuha nila yung kwintas

kong gagamba ay sila na ang kikilalaning pinakamalakas..."

"ginawa nung mga batang yun ang lahat...pero wala eeh nadaan sa yabang..nilampaso ko tuloy. Paulit

ulit nila akong hinamon...hanggang sa napagod ata sila at ayaw na nila."

"naging myembro sila ng grupo ko dahil gusto nilang lumakas. Nakapasok sila dahil wagas ang

pagkakaibigan nila. Dahil kahit anong manyare nagtutulungan silang dalawa sa lahat ng bagay. Walang

makakabuwag sa kanila. Ganun tayo sa grupong ito. Nagtutulungan. Nakita niyo ba kami nila Cisco at John na nagkagulo para kay Eri?"

"kasalan ni Renn lahat kung bakit kami nagkasira!!"

"hindi mo alam anong nanyayari Chuck! Kung makikinig ka lang sana"

"gag*"

Humarap ako kay Renn at sinuntok siya.

Susuntok pa sana ako pero bigla akong hinarang ni Uno.

"ako ang naghahamon ng away. Ako ang harapin mo."

"pero Uno.."

May kinuha si Uno sa bulsa niya.

Hinawakan niya yun at ipinakita sa amin.

Yung kwintas na may gagamba.

"kunin niyo to para makabalik kayo sa grupo.."

"Uno ano bang ginagawa mo?" Renn

"tinanggal ko kayo diba? Ito ang paraan para makabalik kayo. Kunin niyo!"

"Uno!! Wag kang parang.." chuck

"isa lang sa inyo ang makakabalik. Kaya kung ako sa inyong dalawa mag-uunahan na akong makuha to."

Isinuot ni Uno yung kwintas.

"tss...ako makakakuha niyan." Chuck

"wag kang kampante. Tignan natin" Renn

==================

John

"anong ginagawa ni Uno?" Bulong sa akin ni Benj

"hayaan mo na. alam niya ginagawa niya" sagot ko.

"kailangan pa ba tayo dito? Hik" Yano

"display tayo ni Uno!!" Caleb

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon