[MPG2>56 Pagbagsak ng gagamba 2]

960 33 3
                                    



[MPG2>56 Pagbagsak ng gagamba 2]


Cisco:



Hayop tong Zain na to!



Alam na alam kung saan namin hahanapin si Uno kaya lahat kami nahuli.



Kung tutuusin kaya naming talunin ang mga tao niya kaso ginamitan ba naman ng pampamanhid ang mga kamay namin.



Wala nang takas, lahat kami nahuli.



Ayoko nang isipin muna lahat ng narinig ko kanina.



Isa lang ang importante ngayon at yan ay ang makaligtas kaming lahat.



Nakakadena lahat ng kamay namin.



Si Uno naman nakakadena pati ang mga paa.



"Labas na mga kaibigan! Yuhu!" sigaw ni Zain.



Napakadaming tao ang nagsilabasan mula sa bawat sulok ng gusali.



Siguro mga nasa 700 na tao.



"Sila lang naman ang mga grupong excited na makita kayo ulit"sabi ni Zain.



"Naalala niyo pa ba kami?" sabi nang isang lalake na may hawak na tubo.



Takte nagkanda loko na.



Ito yun mga gang na nakalaban at nilampaso namin.



"Di ko na matiis mga pare!!" sigaw nang isang lalake na may hawak naman na kahoy.



Bigla siyang tumakbo at hinampas ang likod ni Uno.



Pumikit lang si Uno.



"sus Uno my boy huwag mo nang itago. Isigaw mo kung nasasaktan kana!"sabi nung lalakeng may hawak ng tubo.


Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon