[MPG2>15-R.J.U.]

6.5K 105 20
                                    


Jade:

"dinala nila kami sa kwartong yun. Inaasahan nila na kinabukasan pa kayo makakarating. Pero nagkamali sila. Mabilis kayong nakarating kaso mabilis din nilang nakita kung paano."

"nakita nila si Chuck na inaayos yung tracker ng cellphone niya. Kinuha siya at walang awang binugbog.

Dahil sa biglaan niyong pagdating ay nataranta si Migo. Hinarap ka muna niya Uno para makakuha ng

oras para mailipat kami. Nakasakay na kami sa isang truck nang bigla itong umandar ng mabilis ay

nawalan kami ng balanse ni Jade at nahulog kami. Agad kaming nagtago pero nakita kami ni Migo kaya

nadatnan mo kaming nakalock sa isang kwarto."

Nakaupo lang ako sa tabi ni Yumi habang kinukwento niya ang mga nangyari.

"si Jade ang pinaka naunang kinuha sa amin. Siya ang mas madaming pinagdaanan"

Tama ang sinabi ni Yumi.

Halos isang dosenang gatorade na ang naiinom ko ngayon sa sobrang uhaw ko.

Tumingin silang lahat sa akin.

Halatang concerned sila pero si Yano...

Seryoso parin siyang nag-iisip.

Simula nung nakuha nila kami at umalis kami sa lugar na yon ay hindi niya ako nilalapitan.

Basta halatang malalim ang iniisip niya.

"hiniwalay sa amin si Eri.."

Pansamantalang nawala si Yano sa pag-iisip niya nang marinig niya ang sinabi ni Yumi.

Napaka interesado ng mukha niya.

Bakit pakiramdam ko unti-unti nang nawawala sa akin si Yano?

Ayoko maging insensitive sa mga nangyayari pero kasi..

Pakiramdam ko...

May gusto si Yano kay Eri...

=====================


Cisco:

Nagpunta muna kaming lahat sa isa sa mga condo ni Uno.

Ito na ang pinakamalapit na mapupuntahan namin mula doon sa sonstruction site.

Napakagulo na ng mga pangyayari.

Pumunta sa balcony sila Uno at Benj at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Si Yano naman sinamahan si Jade sa kwarto para makapagpahinga.

Eto naman ako kasama si Yumi sa sala.

"I'm sorry Yumi."

"saan?"

"kung alam ko lang na hindi ko pala kasunod si John...sana binalikan ko siya at..at.."

"shhh...wag mong sisihin ang sarili mo Cisco."

"pero Yumi.."

"wag na natin pag-usapan please?"

Nagnod na lang ako.

================


Uno:

"Uno pasensya ka na at wala akong maitulong sayo.."

"Benj, matagal na kayong walang komunikasyon ni Migo. Isa pa binugbog ko din ang loko"

"hindi ko akalaing ganito na kalaki ang grupo niya"

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon