[MPG2>24-Yano <3 Jade]

6.1K 83 11
                                    

Jade:

Unang taon ko sa council nung makilala ko ang pinakamayabang na tao sa mundo..

Dahil nga bago pa lang ako, ang first task ko ay ang imonitor ang mga estudyante particularly sa

appearance at punctuality.

Isa ako sa mga nagbabantay pag-umaga..

May punishment lahat ng late at chinecheck din namin kung maayos yung uniform nila..

So far okay naman lahat..

Kaso nagbago ang lahat nang minsang malate ang mayabang na lalakeng iyon..

Myembro daw siya ng isang sikat na gang kaya payo nila sa akin ay hayaan ko lang siya..

Para sa akin hindi tama yon..

Isa pa kailangan ko ding magpakitang gilas dahil nga bago pa lang ako..

Naglakas loob akong harangin siya at sitahin..

"hoy ikaw!!!"

Tinuro ko siya gamit yung hawak kong ballpen.

"kailangan mong pumila dito. Late ka!"

Tinignan niya lang ako na para bang bored na bored..

Dinedma niya ako at naglakad na siya palayo..

Tumakbo ako sa harap niya at hinarang ko siya..

"sabi ko pumila ka.."

Nagpaleft siya at hinarang ko..

Nagparight siya at hinarang ko ulit..

Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa balikat at itulak para makadaan siya..

Lang hiya tong lalakeng to..

Bastos!!

Hahabulin ko pa sana pero pinigilan na ako ng mga kasama ko sa council..

"sino ba yun?"

"Natsume Mariano Liang ang pangalan niya pero mas kilala siya sa tawag na Yano. Maangas talaga yun. Hayaan mo na baka mapano ka pa dun"

"pero hindi siya tama..makikita nang Yano na yan..mapapatino din kita"

Kinabukasan nun ay maaga akong pumasok..

Humanda ka sa akin Mr. Yabang..

Katulad nga kahapon late nanaman siya..

Magulo ang buhok at neck tie..

As usual nilampasan niya nanaman yung pila ng late..

Ako naman hinarang ulit siya..

Itutulak niya nanaman ako pero prepared na ako..

umatras ako..

"op! op! op! bawal yan!! Kailangan mong pumila..late ka!!"

Nagsmirk siya..

"ang sabi ko...."


>/////<

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko..

Pinisil niya ang ilong ko at naglakad na siya palayo..

Waaaaahhh...

Pasaway na lalake!!!

Waaaahhh...

Kinabukasan late nanaman siya.

Nung hinarang ko siya ay ginulo niya yung buhok ko.

Nung nalate nanaman siya ay pinsil niya yung dalawang pisngi ko..

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon