[MPG2 > 75- Amusement Park 1]

326 15 1
                                    

Si John:

"John?" agad akong pumunta sa pinto para buksan ito.

Nasa office ako sa bar.

"Oh Kimmy bakit?"

"Hmmm gusto ko lang itanong kung may balita ka na kay Uno?"

"Sa totoo lang Kimmy wala talaga. Pati sa amin hindi na nagpaparamdam si Uno."

"Nag-aalala kasi ako para kay Eri."

Niyakap ko si Kimmy at hinalikan siya sa noo.

"Gusto ko man na maktulong wala talaga eh. Naging tahimik ang lahat nung umalis si Uno. Pari nga itong bar ko nalulugi na. Wala na masyadong fans ni Uno ang nagpupunta"

"Hmmm ikaw talaga John negosyo pa more"

"Pinapangiti lang kita."

"Sus. O sya doon muna ako sa labas."

Teka bigla kong naalala yung nagbigay ng shake kay Eri.

"Ahh kimmy sabihan mo naman si kuya guard na iready yung mga playback sa cctv."

"May problema ba?"

"Wala naman. May titignan lang ako."

"Okay."

Hinalikan ko ulit sa noo si Kimmy bago siya tuluyang lumabas ng room.

Sino nga ba yung taong yun.

============

Si Eri:

Late na akong nagising dahil nga hindi ako makatulog kagabi.

Napansin kong wala na si Hena sa higaan kaya naman dali dali akong nag-ayos.

Pagdating ko sa kusina ay kumakain na si Hena at andon din si Caleb.

"Good morning Eri!!" Masayang bati ni Caleb

"Uyyy andito ka pala."

"Ito ang aga aga sinusungitan ako." Caleb

"Hindi kita sinusungitan no! Teka ano yang kinakain mo?"

"Aah cupcake?" Caleb

"Waaaahhh pahingi!!"

Ewan ko ba pero gusto ko talaga ng cupcake T___T

"Eh last na ito Eri tsaka nakagatan ko na!"

"Iiihhhh akin na!!!"

"Honey babe ibigay mo na hahahha nag pPMS ata si Eri" Hena

"Tskk..o ayan na"

"Yeeey!!"

Dali dali kong kinain yung cupcake. Grabe nagugutom ako.

Kumuha ako ng kanin at nilagyan ko ng pancake syrup yung kanin.

"Hmmm sarap"

"Uy Eri ano ba yang kinakain mo! Hahahaha" Hena

"Eeeh basta masarap to!"

Kumuha din ako ng pancake tapos sinawsaw ko ito sa orange juice.

"Haay nako bespren ang weird mo mag PMS!"

====

After naming kumain at nagbihis ay pumunta kami sa amusement park.

Gusto kasing magdate nung dalawa.

Sinabi ko naman na ayaw kong sumama pero pinilit nila ako kaya naman sumama na ako.

Umikot ikot kami doon.

Hanggang sa nakakita sila ng stall kung saan babarilin mo yung lata at mananalo ka ng stuffed toy.

Hindi naman magaling mamaril si Caleb kaya naman nakailang try na sila.

"Go honey babe kaya mo yan!!!" Hena

"Yes honey babe para sayo to!" Caleb sabay kindat kay Hena.

Kaso lahat ng babae don napatili nang kumindat di Caleb.

Mga 10 minutes na ang lumipas at nag tatry parin si Caleb.

Hinigit ko yung balikat ni Hena at binulong ko sa kanya na "kakain muna ako"

"O sige. Text moko! GO HONEY BABE!!!!"

Halos mabingi ako sa tili ni Hena!

Naglakad na ako palayo sa kanila at naghanap ng makakainan.

Sa paglalakad ko hindi ko napansin na may nakaharang pala na may bata palang nakayuko at nagtatali ng sapatos.

Hindi ko sinasadya na matamaan siya at sa bilis ng pangyayari ay natisod ako.

Ipinikit ko ang mga maga ko at inantay kong mahulog ako.

1

2

3

4

5

Eehhh

O_O

Imbis kasi na matumba ako paharap ay may humila sa akin patalikod.

Inantay kong mapaupo ako pero walang nangyari.

Pagtingin ko sa likuran ko ay may lalaki palang humila sa akin at sinalo ako.

Teka siya yun!!

Siya yung kuyang naninigarilyo nun!!

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon