[MPG2>86 - steak ]

258 9 0
                                    



Si Eri:

Kaharap ko na si Uno pero wala akong masabi.

Alam kong ako ang humiling nito pero..

"I have to go." Yun lang ang sinabi ni Uno at saka naglalad palayo.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan siyang lumayo.

Hanggang dito nalang siguro tayo Uno.

————————

Si John:

"Boss!" Salubong sa akin ng bodyguard ko habang papalapit sa akin.

Nasa bar ako ngayon.

Inabot niya sa akin ang isang brown envelope.

"Boss yan na yung mga pinakuha sa akin."

Nilapag ko yung beer na hawak ko at kinuha yung envelope.

Nagbow yung bodyguard at umalis.

Binuksan ko yung envelope at kinuha yung mga picture sa loob.

Tama ang hinala ko.

Hindi coincidence na nagkakilala sila Yuno at Eri.

Mukhang mapapalaban kami nito.

————————

Si Uno:

Naglakad na ako palayo kay Eri.

Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.

Alam kong kasalanan ko lahat ng ito.

Hindi ko gustong nakikita na malungkot si Eri.

Malapit na ako sa entrance ng building nang magkaharap kami ni Yuno.

"Binabantayn mo ba ako Uno?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Oh come on. Sa lahat ng klase dito, klase ko lang ang binabantayan mo."

"Sa lahat ng klase dito, pinili mo ang klase kung nasaan si Eri."

"Tapos na kayo Uno kaya kung sino man ang gustuhin ni Eri ngayon ay wala ka nang pakialam!"

Gusto kong suntukin tong taong to pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Naglakad na lang ako papunta sa entrance.

Paglapat ko sa kanya ay bigla siyang ngumiti.

"Kukunin ko siya sayo Uno at sisiguraduhin kong makukuha ko siya. Mula ulo hanggang paa. You know what I mean."

Nag-init ang ulo ko at sinuntok ko sa mukha si Yuno.

Pumutok ang labi niya at napaupo.

"Yuno!!!!!"

Ang boses na yun.

Agad na tumakbo si Eri kay Yuno.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon