[MPG2>13-laruan sa mundo]

6.6K 85 3
                                    

Yano:

Pati si Eri nawawala.

Hanggang ngayon, hindi parin tumatawag ang mga kidnappers.

Hindi namin maisip kung sino ang puedeng gumawa nito dahil sa dami ng kaaway namin.

Kanina pa gustong isa isang puntahan ni Uno ang ibang gang pero pinigilan namin.

Mas lalong lalala ang lahat kung isa sa amin ang malagas.

Tsk. Eri..sana ligtas ka lang..

Napahilamos ako sa aking mukha nang marealize ko ang iniisip ko.

Wala nang ibang laman ang utak ko kundi ang kaligtasan ni Eri.

Tsk. Yano!!!

Si Jade ang isipin mo!!

Si Jade!!!

====================


John:

"nakausap ko ang lolo ni Eri. Nagsisimula na siyang maghanap. Ganun din ang parents mo John at kay Hena na din." Sabi ko sa kanilang lahat.

"ilang pamilya na ang naghahanap. Sana naman mahanap na sila" Renn

"alam mo bro wala tayong lead. Malabo pa ang lahat ngayon." Benj

"wag ka ngang ganyan magsalita Benj"  sabat ni Renn.

"nagsasabi lang ako ng totoo. Kung talagang gusto nilang magpahanap edi sana tumawag na sila dito. Eehh bro..10 pm na wala parin"  Benj

"tumahimik ka na" Caleb

"gumising nga kayo! Wala naman talagang..." hindi na natapos pa ni Benj ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinuntok ni Uno.

Susuntukin pa siya ulit ni Uno pero agad siyang inawat nila Mino at chuck. Nagwawala parin si Uno kaya naman lumapit na ako at inawat din si Uno.

Buti naman at naglakad na siya palayo pero nagulat kaming lahat nang bigla niyang itulak lahat ng gamit sa lamesa niya.

Ipinatong niya ng malakas ang mga kamay niya dito.

"pati sila nadadamay sa gulo ng grupo natin. Kung hindi sana ako nakilala ni Eri hindi ito mangyayari sa kanya." Humarap si Uno sa amin. "hindi niyo ba naiisip na napapahamak sila dahil sa atin? Sa bawat segundong lumilipas hindi niyo ba naiisip na puedeng may masamang mangyari sa kanila? At bakit? Dahil yun sa atin!!!" lumapit siya sa amin. "dahil sa akin.." mahinang sabi niya.

Walang may gustong magsalita sa amin.

Walang may alam kung ano ang dapat na sabihin.

Ngayon lang namin nakitang nagkakaganito si Uno.

Muli siyang tumalikod at tumingin muli sa bintana.

Nilapitan ko na siya.

"mahahanap din natin sila Uno.."

=================


Hena:

Sa totoo lang hindi ako kumportableng nasa iisang kwarto kami ni Eri.

Dahil sa akin nagkagulo sila ni Uno.

Gusto kong humingi ng tawad pero nahihiya akong lumapit sa kanya.

Nabigla ako nang may umupo sa tabi ko.

"Hena.."

Tumambad sa akin ang mukha ni Eri na nakangiti.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon