[MPG2>54 Miksha/Eri]

3K 71 28
                                    

Uno:


"so we meet again Uno" sigaw ni Zain pagkapasok ko sa isang lumang gusali.

"ano bang kailangan mo?"

"kailangan ko? Aba Uno baka nakakalimutan mong malaki ang kasalanan mo sa akin."

"tigilan mo na ako Zain"

"tsk. Napaka kapal ng mukha mong magpakasaya at magpakasal sa babaeng iyon Uno. Sa babaeng dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan natin."

"huwag mong idamay si Eri dito"

"hahahaha...nagpapatawa ka ba Uno? Huwag ko siyang isali? Baka nakakalimutan mong si Eri at si Miksha ay iisa?"

"itigil mo na ito Zain"

'Mukhang nakalimutan mo na nga Uno. Sige ipapaalala ko sayo ang lahat"

Tumalikod si Zain sa akin at lumapit sa isang mesa.

Umupo siya doon.

==========

Flashback



"sigurado ka ba dito Uno?"  tanong ng batang Zain sa batang Uno

"oo. Kailangan ko ito"

" birthday ang sisisrain natin Uno."

"napag-usapan na natin ito Zain diba? Alam mo na ang gagawin mo hindi ba? Kayang kaya din ng papa mong gawin to ng maayos"

"tsk. Oo Uno kaya niya pero... okay.."

"basta gawin mo na lang zain! Dadalhin ko si Miksha sa ilalim ng mesa at doon niyo na siya kunin"

"sige"

Hinayaan ng dalawang bata na magflow ang party.

Naging maayos naman ang lahat pero nang mapansin nilang lasing na halos ang mga bisita at medyo nakainom nadin ang mga bodyguard nila cisco ay sumenyas na si Uno para simulan ang gulo.

Limang tao katumbas ng bawat isang bodyguard nila Cisco sa bahay.

Gamit ang impluwensya nila Uno at Zain ay madami silang nahire na tao.

Nagkatinginan sila zain at Uno tapos bigla nang may nagpaputok ng baril sa kung saan man dahilan para magkagulo ang mga tao.

May kumuha kay Miksha at agad naman siyang iniligtas ni Uno.

Dinala ni Uno si MIksha sa ilalim ng mesa kung saan iiwan niya ito at may kukuha sa kanya.

Nasunod ayon sa plano ni Uno ang lahat ngunit nasira ng lahat ng mawalan ng preno ang van kung nasaan si Miksha.

Papa ni Zain ang nagmamaneho ng van.

Nawalan ito ng preno at naaksidente sila.

Nawala si Miksha at malubha ang naging lagay ni Cisco..

============

"TAMA NA ZAIN!!"

"hindi mo na ba kayang marinig ang katotohanan Uno?"

"TAMA NA!!!"

"makasarili ka Uno. Sa kagustuhan mong ilayo si Miksha kay Cisco ay naisip mo lahat ng iyon. Isa akong hangal para makinig sayo Uno."

"namatay ang papa namin ni Zilliene dahil sayo!"

Hindi na ako makapagsalita dahil parang nakikita ko nanaman ang lahat ng nanyare.

Hindi ko magawang dalawin si Cisco sa hospital ng mga panahong iyon.

Hindi ko din kayang dumalaw sa burol ng ama ni Zain.

Muntik nang makulong ang mama ni Zain.

Nawala si Miksha dahil sa akin.

Kinailangan kong umalis ng bansa dahil sa depression at trauma.

Kasalanan ko ang lahat.

Kasalanan ko.

Nabigla ako nang Makita kong kaharap ko na pala si Zain.

"kailangan magbayad ni Miksha at ikaw ang gagamitin ko"

Hindi na ako nakasagot pa dahil bigla na lang may humampas sa ulo ko at nawalan ako ng malay...

====================


Eri:

Napa tingin kaming lahat kay John nang magring ang cellphone niya.

Biglang bumilis nag tibok ng puso ko.

Agad itong sinagot ni John.

"Hello? Sino to? Hello"

Tumingin sa akin si John.

"Boses nila Zain at Uno, mukhang gusto tayong makinig Eri"

Tumango ako kay John.

Pinindot niya ang speaker.

Si Zain ang nagsasalita.

Agad na umagos ang luha sa mga mata ko.

Si Uno..

Siya ang may kasalanan kung bakit nahiwalay ako sa pamilya ko..

Kung bakit...

"HINDI!!"

Tanging sigaw ko habang walang tigil na umaagos ang luha ko.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora