MPG2>9-PAGMAMAHAL]

6.5K 88 6
                                    

[


Jade: (Siya po ang girlfriend ni Yano)

"Mika!!!!" sigaw ko sa isa sa mga classmate ni Yano

"Hi Jade."

"nakita mo ba si Yano??"

"huh? Hindi eh. Kanina pang mga 5pm umalis yun. Akala namin pupunta siya ng council"

"aahh...sige. Salamat ha"

"sige Jade. Bye"

Tumakbo na siya palayo.

Sa council? Ehh kahit anino niya hindi ko nakita dun. Kanina pa ako tumatawag sa phone niya pero

walang sumasagot. Asan ka na ba Yano??

Sabi mo sabay tayong uuwi ngayon.

Tinignan ko ang relo ko. 10 pm na pala. Kailangan ko na ding umuwi.

Sinubukan kong sundan sila Mika pero nauna na sila kaya mag-isa na lang akong naglakad palabas ng

building.

Ang hirap sa council, andaming ginagawa haayy..

Palabas na ako ng school gate nang biglang may humila sa braso ko.

Shiz...sinong tong mga to??

=========================


Eri:

"salamat sa paghatid Yano."

"wala yun Eri. Sige tulog na. malapit na sumikat ang araw oh baka masunog ka"

"hehe.." napangiti ako saglit sa joke ni Yano

"Oh nakangiti na oh ahaha.."

"ikaw talaga. Sige na umuwi ka na din at baka maarawan ka at masunog"

"sige. Bye"

Sumakay na siya ng sasakyan niya.

Nabigla ako nang paglingon ko sa kaliwa ay kaharap ko ang mukha ni lolo.

=_________________=

"sino yun apo?"

"si Yano po"

"alam ko"

=___________=

"eh bakit niyo po tinanong?"

"manliligaw mo ba?"

"lolo naman! May girlfriend yun. Isa pa...uhm..isa pa..."

"o siya matulog ka na apo. Alam kong pagod ka."

Hinalikan ko na ang pisngi ni lolo at agad na akong pumunta sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama at tumitig sa ding ding..

Makakatulog kaya ako ngayon?

Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko si Uno.

Si Uno na naglalakad palayo sa akin..

=====================


John

TOK! TOK! TOK!

Hmmm...sino ba yung kumakatok na yun??

TOK! TOK! TOK!

Alam naman nilang katutulog ko lang..

TOK! TOK! TOK!

"Yah!!!! Mamaya ka na manggulo!!"

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon