[MPG2 > 73 - Version 2.O]

436 19 4
                                    

[MPG2 > 73 –Version 2.O]


"Eri?"


"ERI?"


"EERRRIIII"


"Gigibain ko itong pinto kapag hindi ka lumabas diyan!!"


"EERRRIII!!!"


"ISA!!"


"DALAWA"


"TAT--"


"Ito na Hena. Naligo lang ako hindi ako nagpaamatay"


Andito nga pala ako sa bahay nila Hena ngayon.


Ayoko munang umuwi sa amin. Lahat na lang kasi ng ta doon nag-aalala.


"Jusko Eri sumagot ka naman kapag tinatawag kita"


"Hena naman nasa banyo lang ako"


Feeling nilang lahat may gagawin ako sa sarili ko. Pati itong i Hena napapraning.


Naglakad na ako palayo kay Hena at naupo sa kama niya.Kinuha ko yung nakaready na towel at nagpatuyo ng buhok.


Lumapit sa akin si Hena na nagcross arms.


"Haaay bespren nag-aalala lang naman ako sayo."


"okay lang ako Hena, wag ka mag-alala"


Lumapit sa akin si Hena at niyakap ako.


isang linggo narin ang nakaraan nang iwan ako ni Uno.


Nawalan kami ng komunikasyon. Hindi na mareach ang number niya at hindi na rin siya active sa online accounts niya.


Minsan naisip ko na baka nakahanap na ng iba si Uno.


Puede naman kasing magpagamot siya sa ibang bansa pero nag-uusap padin kami.


Hindi ata uso sa kanya ang LDR.


Naramdaman ko nanaman lahat ng sakit nang yakapin ako ni Hena.


Pero ayoko nang umiyak. Hindi na ako iiyak dahil pagod na ako.


Sa dami ng pinagdaanan namin ni Uno ay nagawa niya akong bitawan ng ganon-ganon lang.


Kaya nakapagdecide na ako na bumitiw nalang.


Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon