[MPG2>7-Good Bye]

6.5K 88 4
                                    


this is for you...:D

=============================


Eri:

"tama na Uno!!! Napakawalang puso mo!!"

Bahagyang ngumiti si Uno.

"ito ako Eri..."

"sige, magsama na lang kayo ng reputasyon mo!!"

Agad akong tumakbo palabas.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ang mga paa ko.

Hindi ko kayang makita ang lahat ng iyon.

Napakabrutal at bayolente ni Uno.

Ganito ba talaga siya?

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko

Bakit kailangan mo pang maging isang gangster Uno?

Bakit?

"Eri!!!"

Tinatawag ni Uno ang pangalan ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Ayoko..

Ayokong makita si Uno na ganito..

"ERI!!!!!"

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

Hindi ko namalayan na paderetso na pala ako sa kalsada at muntikan na akong mahagit

ng sasakyan.

Ayaw nang tumigil ng luha ko.

"Eri...tama na..."

Niyakap ako ni Uno pero pilit akong kumawala sa kanya.

"bitiwan mo ko!!!" sigaw ko sa kanya habang kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Eri.."

"tama na!!! ayoko nang marinig pa!!"

Nabigla ako nang kusa akong bitiwan ni Uno.

Tumalikod siya sa akin.

"ito ako Eri. Ito ang pagkatao ko. Kung hindi mo kayang tanggapin, pinatunayan mo lang

na hindi mo rin ako kayang mahalin.."

Naglakad na siya palayo.

Gusto kong isigaw ang pangalan niya pero walang boses na lumalabas.

UNO

Gusto ko siyang habulin pero sadyang naghihina ang mga tuhod ko.

UNO...

===================

Hena:

"Asan si Caleb?" tanong kong muli sa kanila.

Lumapit sa akin si Renn

"wala siya dito Hena. Sabi niya uuwi muna siya para puntahan ka."

Hindi na ako sumagot pa.

Sunod na lumapit sa akin sila John at Yano.

"uhm..bakit ka pala pumunta dito Hena?" John

"Bakit mo sinama si Eri?" Yano

"gusto ko lang na makita niya kayo...kung paano kayo.."

"alam mo namang mahina ang loob niya sa ganitong mga bagay!!! Hindi mo dapat siya

sinama dito!! Tapos ano?? Andito ka lang para hanapin si Caleb? Kaya mo naman gawin

yan mag-isa! Tignan mo ang ginawa mo!! Isa pa..."

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon