[MPG2>52-Hermit Crab]

2.5K 79 22
                                    

Eri:

7pm na nung nakauwi kami sa bahay.

Walang tigil na nagsosorry ang family ni Uno sa akin.

Nagapologise din sila sa mga guess.

Sa totoo lang naaawa na ako sa mommy ni Uno na wala nang ginawa kundi humingi ng tawad sa lahat.

Wala naman siyang kasalanan.

Si Uno ang umatras.

Si Uno..

Gusto kong sumigaw at magwala pero masyado akong nanghihina.

Kasama namin ang family ni Uno dito sa bahay.

Nag-uusap sila nila lolo.

Hindi ko na sila pinapakinggan dahil ayoko muna silang marinig.

Sila Hena naman nakaupo lang din malapit sa tabi ko.

Hindi sila nagsasalita masyado.

Inaaya nila akong kumain pero wala akong gana.

Gusto kong malaman kung bakit wala parin sila John.

Kung bakit wala si Uno.

Kung bakit niya ako hinayaan maghintay sa wala.

Nangako siyang poprotketahan ako.

Pero asan na siya?

Asan ka ba Uno?

Isang oras pa ang lumipas pero wala parin akong gana sa lahat.

Ayokong kumilos.

Ayoko magsalita.

Nakaupo lang ako.

Nag-iisip ng posibleng dahilan.

Uno...

Uno..

Panandali akong nawala sa pag-iisip nang dumating sila John na hingal na hingal.

"Nawawala si Uno."

Yan lang ang nasabi niya habang hinahabol ang hininga niya.

"okay ka lang ba John?" Mommy ni Uno

"Si..Uno..chineck namin sa CCTV umalis siya ng bahay na suot ang damit pangkasal niya."

Sumakay sa sasakyan at umalis ng gate saktong 10am. 5 minutes after umalis nila Tita (mommy ni Uno)"

Humingang malalim si John.

"bigla daw may tumawag kay Uno at pagkatapos nilang mag-usap nung nasa kabilang linya ay pinababa

niya yung driver at siya na daw ang magmamaneho. After nun wala na."

Huminga ulit si John.

"hinahanap ng mga gagamba si Uno. Sa lahat ng possible niyang puntahan pero wala parin. Hindi ka

niya Iniwan sa ere. Hindi magagawi ni Uno yun sayo Eri. May nangyari at hindi ko alam kung ano."

Mas lalo akong nang hina..

Paulit ulit lang sa utak ko ang mga salitang

Nawawala si Uno...

Nawawala si Uno..

Nawawala si Uno..

Tatayo sana ako pero dahil ata sa pagod at gutom ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko..

Naging madilim ang lahat..

Bigla kong nakita ang isang batang ako na naglalaro sa dagat.

Masaya akong namumulot ng shells at starfish..

Napakasaya ko nung araw na yun..

Sa aking paglalakad sa dagat may nakita akong magandang shell..

Nang kukunin ko na sana ito ay bigla itong lumakad palayo..

Dahil sa takot ay napaatras ako at napaupo..

May batang lalake na lumapit at kinuha yung lumalakad na shell..

"Hermit Crab.." sabi niya

Pinakita niya ito sa akin habang gumagalaw ito sa palad niya..

"mukha silang gagamba ng dagat na may dinadalang bahay..nakakatuwa no. kahit saan sila mapunta

kasama nila ang bahay nila. Sana tayo din puede nating dalhin ang mga bahay natin..."

Ibinaba niya yung hermit crab at inalok ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo.

Biglang may lumapit sa amin na matanda at sinabing..

"ang cute niyo tignan! Teka pipicturan ko kayo.."

Umayos kaming dalawa at ngumiti..

Pero pagkakuha ng picture ay bigla na lang nawala sa tabi ko yung bata..

Nag-iisa nanaman ako sa dagat..

Tumakbo ako para hanapin sila..

Pero wala..

...

Isang alaala....

...

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nasa kwarto na ako.

Agad na lumapit sa akin si lolo at niyakap ako.

"walang tigil kang sumisigaw ng Uno.."

oo..

isang batang Uno at ako ang nasa panaginip ko..

"Hinahanap na namin si Uno..huwag ka mag-alala"

"anong oras na po?"

"2:46am Eri."

"asan sila Hena?"

"nasa baba"

Agad akong tumayo at bumaba.

Sumunod lang sa akin si lolo.

Si John lang ang nandoon.

Siya kasi ang tatawagan nila kung sakaling may mahanap ang iba pang gagamba.

Magsasalita sana ako nang biglang dumating si Benj.

"Andito na daw si Zain" kay John  lang siya nakatingin pagkasabi niya.

Biglang napatayo si John.

"Ito na ang kinakatakutan ni Uno.."

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon