[MPG2>90 - Final Chapter Part 2 ]

442 12 4
                                    

Uno:

Napahinto ako nang hindi ko na makita ang sasakyan. Napaluhod ako.

"EEERRRIII!!!"

Maya maya pa ay nasa likuran kona sila John.

Hinawakan ni John ang balikat ko.

"Mahahanap din natin si Eri." John

Huminga akong malalim at tumayo.

Humarap ako sa kanila.

"Isa lang ang sigurado ko. Hindi nila tayo kilala kaya hindi nila alam na kasama natin si Hena." Benj

"Malabong tauhan ni Yuno yung mga yon. Nakalaban na tayo ng mga hayop na yun eh!" Caleb

"Kung hindi si Yuno, sino may gawa nito?" Mino

"Pumunta muna tayo sa bahay habang iniisip ko anong.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bugkang tumunog ang cellphone ko.

Kunuha ko ito. Unregistered number.

Sinagot ko ito.

"Uno my men!" Sabi nung nasa kabilang linya.

Napatingin ako kay Benj.

"Ano nanamang kailangan mo?" Sagot ko.

"I believe we have an unfinished business. Wag ka mag-alala. Titikman ko lang to." Biglang naging magulo ang linya.

"Uno!!" Boses ni Eri.

"Eri!! Hahanapin kita! Pangako yan! Erii.."

"Tsk tsk. Hanggang ngayon tatanga tanga ka parin Uno para sa babaeng to!?!? Ito talga ikasisira mo eh! Isang kahinaan. O sya. Ciao!"

Naputol na ang linya.

Nakatingin lang ako kay Benj.

"Si Migo."

(Yung nakalaban po nila sa earlier chapters. Kapatid ni Benj)
———————————

Si Hena:

Andito kami ngayon sa bahay nila Eri.

Kinailangan naming sabihin sa lolo niya ang nangyari. Hindi namin matawagan ang mga pulis dahil baka kung anong mangyari kay Eri.

"Tito, kumalma lang po kayo."

"Nag-aalala ako masyado para kumalma. Ano nang nangyari sa apo ko."

Inabutan ko ng tubig si tito.

"Uminom po muna kayo. Mahahanap din natin si Eri."

Kinuha ni tito yung tubig at uminom. Pagkatapos ay tumayo siya at lumapit kay Uno na nakatayo sa may pintuan.

Nang mapansin siya ni Uno ay agad siyang humarap kay tito.

Ngayon ko lang nakitang manigarilyo si Uno.

Umakma si Uno na papatayin ang sigarilyo niya pero pinigilan siya ni tito.

"Hanapin mo si Eri, Uno. Hanapin mo ang apo ko."

Tumango lang si Uno.

Naglakad sila ni tito papunta sa dining kung nasan ang ibang gagamba.

Kinwelyuhan ni Uno si Benj.

"Sabi mo nakakulong na ang kapatid mo!?!?"

"Yun din ang alam ko Uno."

Lumapit sila John at Caleb para awatin at pakalmahin si Uno pero tinulak niya lang sila gamit ang isang kamay habang nakahawak parin sa kwelyo ni Benj.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon